Poker face pa din sya hanggang ngayon. Walang pinagbago mula kanina."Punasan mo yang muka mo. Yung sipon mo tumutulo."
-
-
-
-
-
-
-WTF?! HINDI NGA?!
Sa sobrang hiya ko napatakip ako sa muka ko gamit yung panyong nilagay nya sa kamay ko.
Sht. Lupa, kainin mo na kooooo!
Ti-nap nya yung ulo ko sabay sabing.
"Ang cute mo. Joke lang yun. Sige mauuna na ako. See you around." Nag wave sya kahit nakatalikod habang naglalakad.
Grey Fontanilla. Hindi ka pa din nagbabago. Salamat.
Ay.
NAKALIMUTAN KONG MAGPASALAMAT!
----------------------------------
Wala na ako sa mood.
Dumiretso na ako sa clinic. Magpapanggap na lang ako. Galingan mo pag arte aaliyah!
Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan ko ang pinto.
"Good morning po."
"Come hija. Sit down. Anong kailangan mo?"
Si Nurse Jen.
"Masakit po kasi ang tyan ko at medyo nahihilo po ako kanina pa. Gusto ko po sanang magpahinga."
Hinipo nya ang noo ko.
"Hmm. Hindi ka naman mainit. Kumain ka ba ng breakfast?"
Umiling ako.
"Humiga ka muna dito. Magpahinga ka." Ngumiti sya.
Gusto kong umuwi. T____T
*Light bulb*
Humawak ako sa ulo ko at gumewang gewang ng paglakad pero hindi OA kasi baka mahalata ako.
KALOKOHAN MO AALIYAH!
"Oh, are you okay?"
"Nahihilo po ako."
"Bibigyan kita ng gate pass. Umuwi ka na lang. Ipapahatid kita sa isa sa mga kaklase mo."
*TOK TOK TOK*
"Come in."
Yumuko muna ako. Medyo natatawa ako sa mga pinag gagagawa ko. Baka mahalata ako. Hahahaha!
Pero kasi walang wala talaga ako sa mood.
"Good morning po."
That voice.
"Anong kailangan mo?" Mahinahong sabi ni Nurse Jen.
"Masakit po kasi ulo ko."
Napatingin ako sa lalaking nagsasalita.
Grey...
Tawag ko sakanya pero sa isip lang. Nagulat na lang ako nang magtama ang paningin namin.
"A-aaliyah!" Tumuro pa sya sakin.
Yumuko ako.
"Oh. Magkakilala pala kayo. Hija wag kang yumuko. Lalo kang mahihilo. Sandali lang gagawa lang ako ng gate pass ni Aaliyah."
Sumandal na lang ako.
"Gate pass po? U-uuwi po si Aaliyah?"
"Yes." Ngumiti si Nurse Jen.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomanceNaranasan mo na bang makipag pustahan? Makipag pustahan ng walang kasiguraduhan kung mananalo ka. Pustahan na magdudulot sayo ng sakit. Pustahan na magtuturo sayo kung pano magmahal ulit.