MICHAEL's POV
Uuugggghhhhh! Damn that Aaron!
*Flashback*
"Alex, nakakalaro mo pa ba si Aaliyah?"
Kausap ko sya sa messenger.
"Oo tol. Bakit?"
"May hihingin lang sana akong pabor sayo."
Pucha. Hindi ko na talaga mapigilan e.
"Ano yon?"
Sorry Patricia.
"Alam mo ba kung saan nakatira yun? Atsaka kung may number ka nya. Pahingi naman."
Panandaliang nanahimik ang kabilang linya.
"Mahal mo pa si Aaliyah no?"
"Tol, yung pabor ko ha. Gotta go. Salamat."
Sa totoo lang, iniwasan ko lang talaga yung tanong. In-end call ko na.
Parang hindi ko pa kayang sagutin yun ngayon. Parang wala pa akong maisasagot.
Maya maya ay nagchat na si Alex.
Binigay nya yung lugar kung saan nakatira si Aaliyah. Magtanong na lang daw ako don dahil hindi naman eksakto yung binigay nya.
At yung number nya.
Akala ko nagpalit na sya ng number.
Naka-save pa din sakin.
Baby pa nga pangalan sa phonebook. Haha!
Kinabukasan nagpasya akong puntahan yung lugar. Nagtanong ako sa kung sino man ang makakasalubong ko.
Naka-motor ako. Ang init! Lintek.
Sabi ni Aaron may sakit daw si Aaliyah. Kamusta na kaya pakiramdam nya.
Gusto kong makita si Aaliyah. Sa picture ko lang kasi sya nakikita e.
Hanggang sa makarating na ako sa tapat ng bahay nila.
Malaking bahay. Kahit mainit, nagstay lang ako. Tumingin ako sa bintana sa taas. Mukang walang tao sa kwarto. Dumaan ang ilang minuto nandun pa din ako. Hindi ko alam kung magdodoorbell ako o aalis.
Nauunahan ako ng kaba.
Tapos bigla akong nailang.
Parang may nakatingin sakin o ano. Nakita ko sa peripheral vision ko, may papalapit sakin.
O__________O
SI AARON.
Nagsuot agad ako ng helmet at nagmadaling sumakay sa motor ko.
DAMN. Ano bang ginagawa nun don.
Kaya umuwi na lang ako.
Pagkarating ko. Nagtype ako sa messages.
I miss you.
To : Baby
MESSAGE SENT.
Sad. Walang reply.
*END OF FLASHBACK*
Kailan kaya kita makikita Aaliyah?! Naguguluhan na ko sa nararamdaman ko! Hindi ko alam kung sino ba talagang gusto ko.
Talaga bang nahirapan lang ako dahil long distance relationship kami ni Aaliyah kaya ngayong nandito ako sa Manila, gustong gusto ko syang makita at makausap?!
Pero pano si Patricia?
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung gusto ko ba si Patricia o ano. Paano pag bumalik ako ng Cavite, baka mawalan din ako ng gana kasi magkalayo kami ni Patricia?
Atsaka, pano si Aaliyah?
Pusang gala naman! Hirap na hirap ako! Sa sobrang inis ko nabato ko na lang yung cellphone ko.
Naramdaman kong may tumulong luha sa pisngi ko.
WHAT'S THIS?
AKO? UMIIYAK? WHAT THE HELL! KELAN KO PA NATUTUNAN TO?
PATRICIA's POV
Ang boring sa bahay! Puro internet lang ginagawa ko. Sawang sawa na ko. Hahahaha! Parang gusto ko ng milktea. Kaso lang walang malapit dito kaya ako'y mag gagala na lang sa plaza.
Habang naglalakad ako natanaw ko ang isang lalaking nakatalikod. Parang kilala ko yung tindig nya. Pati yung pananamit nya. At yung kapayatan nya.
Si Aaron ba ito?
Curious ba kayo kung bakit alam ko yung tindig nya?
Oo umaamin ako, crush ko si Aaron matagal na. Kaso lang, imposibleng magustuhan nya din ako. Lalo na, mga katulad ni Aaliyah yung gusto nya.
Maamong muka. Mahaba buhok. Cute. Matalino. Gamer.
E ako? Muka daw akong masungit. Hanggang balikat ang buhok ko. Matalino din naman daw ako. Pero hindi ako gamer. Haha!
Tinusok ko yung tagiliran ni Aaron.
Kumakain yata sya.
Tapos...
HALA YUNG KWEK KWEK! NATAPON!
Badshot! :(
"Is that yours?" Tinuro ko yung kwek kwek sa lapag.
"Yeeeeees." Tapos sumibi sya.
Awwww. Aaron why so cute? :(
Sana si Michael ka na lang Aaron.
O____________O
PATRICIA NOOO! STOP!
May nililigawan na si Aaron at wala na kong balak pang umasa sakanya! FINAL!
Naglakad lakad kami. Ang saya saya ko ngayon. Kahit na hindi kami nag uusap. Day completed agad e.
Hanggang sa nagpasya na kaming umuwi.
Nailang ako nung inopen nya yung topic tungkol kay Michael e. parang nakakasira ng mood.
Kaya mas minabuti ko na lang umuwi. Kesa naman hayaan si Aaron na ipush ako kay Michael.
Diba po?
Gabi na naman. Tapos bukas pasok na naman.
Ano pong ulam nyo?
Samin sinigang. Tara palit tayo!
Pero tapos na akong kumain.
Eto inaantok na ako. Kaya, good night!
-----------------------------------
[ Author's Note ]
Sorry. Bangag ako haha! Wala pang tulog. Kaya ganyan yung update. Sorry :( Sana nagugustuhan nyo ang flow ng kwento. Maraming salamat po!
![](https://img.wattpad.com/cover/32917620-288-k50998.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomanceNaranasan mo na bang makipag pustahan? Makipag pustahan ng walang kasiguraduhan kung mananalo ka. Pustahan na magdudulot sayo ng sakit. Pustahan na magtuturo sayo kung pano magmahal ulit.