Chapter 8

49 10 0
                                        


Halos maging kamatis na yung muka ko sa sobrang pula.

Napaka skandaloso ni Aaron. Walangya. Ipagsigawan ba naman hay nako. Nandito kami sa canteen ngayon. Kumakain ako ng sandwich si Aaron naman rice.

Pinagmasdan ko lang sya.

Pogi naman si Aaron e. Chickboy nga lang. Mabait. Matalino. Matangos ilong. Maganda ang mata. Walang bisyo, kundi inom. At laro. Ideal boyfriend?

*UBO*

Nagulat ako nung maubo sya. Nagulat ako na natatawa haha.

"Hinay hinay lang kasi!" Inabutan ko sya ng water.

"Babe wag mo muna akong isipin. Ang hirap kapag nasasamid e!"

"Hoy?! Iniisip ka dyan. Ang sabihin mo, PG ka!" Sabay tawa ko sakanya.

"Atleast hindi tumataba! E ikaw?! Tumataba ka na oh!"

Napatingin ako sa tyan at braso ko. Seryoso? Tumataba ako?

"Hindi naman ah!"

"Oo nga! Tignan mo yang muka mo! Punong puno ng pisngeeeee!" Pinipisil nya yung pisngi ko. Yung mga dumadaan, napapatingin samin. Tsaka ko lang narealize yung sitwasyon.

"Huy ang daming tao dito."

Tinanggal ko yung kamay nya.

"Sus."

Hindi na ulit nya ako kinausap at itinuloy ang pagkain. Hanggang sa matapos sya, hindi pa din nya ko kinakausap.

Aaroooon. Anong nagawa koooo.

"Tara balik na sa room."

Yun laaang? Ni hindi pa ako nilingon! Edi okay! Gusto nya yan e. Nagdire-diretso ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa room namin. Walang wave, walang goodbye. In short, walang pansinan.

Bahala sya sa buhay nya.


Hindi nya ko papansinin ng walang dahilan?! Edi wow!

Sa sobrang badtrip ko, hindi ako nakapag focus sa mga subjects na nagdaan. Hindi rin ako nagpasa ng quiz.

Kasalanan to ni Aaron e.

*BELL*

Nag aayos na ko ng gamit nang bigla akong kalabitin ni Lara.

"Oy."


"Oh?"


"Tawag ka ni Aaron."

Tinuro nya yung lalaki sa pinto. At ayun, nandun nga si mokong. Di ko pinansin. Nagtuloy lang ako sa pag aayos ng gamit. Tapos sinukbit ko na yung bag sa balikat ko. Dumiretso ako sa labas. Pero hindi dun sa pinto na nandun si Aaron. Haharangin lang ako non.

Dun ako dumaan sa pinto sa likod.

5 minutes na akong naglalakad wala pa ding tumatawag sakin. Wala pa ding pumipigil sakin.

OKAY.

Naglakad lang ako hanggang sa makalabas ako ng school.

Badtrip.

Sarap bugbugin.


"Sorry na."

May nagsalita mula sa likod ko.

Kaboses ni Aaron?

O nahihilo lang talaga ko? Oo medyo hindi maganda pakiramdam ko e.

Di ko na lang pinansin sa pag aakalang hindi si Aaron yun. Pero laking gulat ko nang may humawak sa kamay ko.


"Sabi ko sorry na."

Pumunta sya sa harap ko. Mukang sincere naman yung muka nya.

Hindi nga ako nagkamali.

SYA nga.

-------------------------------

[ Author's Note ]

Ngayon lang sinipag mag update. Pagtapos kasi ng lahat ng nangyare, nawalan ako ng gana. Pero may mga kaibigan akong naghihintay ng update haha! Pa-vote, comment and share po!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon