Chapter 20

47 6 2
                                        




"Sige! Papasok na ako." Ngumiti sya at nag wave atsaka pumasok na sa room nila.


Sa totoo lang, first time ko ma-kiss si Aaliyah. Kahit sa noo yun, ang sarap sa feeling kasi, ewan ko? Yung ibang lalaki kasi gusto agad sa lips mangki-kiss. Pero kasi yung relasyon namin ni Aaliyah, kontrata kaya wala akong karapatang humalik.

Yung kiss ko na yun, ibig sabihin ko dun.

I care for you.

Hehe. Sana hindi nagalit si Aaliyah. Pero hindi naman daw diba.

"Ron! Dota tayo mamaya!"

Tinapik ako ni James sa balikat.

"Anong oras?"

"After class tol."

"Ah. Sige pero ihahatid ko muna si Aaliyah."

Kumunot yung noo ni James. Tapos naalala ko, hindi nya nga pala kaibigan o kilala si Aaliyah. Haha

"Sino yun?"

"Ah. Friend ko tol."

FRIEND?

"May pahatid hatid pa! Sige na nga! Pasok na ko sa loob tol."

Tumango ako at ngumiti. Ganun naman din ang ginawa nya.

Bago ako pumasok sa room tumingin muna ako sa loob ng room nila. May kausap sya, nakangiti.

Ang cute nya.


Oo cute naman talaga sya e.

"Huy Aaron, di ka pa papasok?"

Nagulat ako nang lumitaw sa harapan ko si Patricia.

Ang bango.

"Ah. Ano kase. H-hinatid ko si Aaliyah dito sa room nila."

Yumuko sya.

"Ganun ba. Sige papasok na ako." Tumungo sya at ngumiti. Pero agad nyang iniwas ang tingin nya saken at pumasok na sa room namin.

Anong problema non?

Papasok na sana ako ng room pero may biglang pumigil sa balikat ko at inurong ako palayo sa pintuan.

Pagtingin ko, sya yung lalaking nakita namin kanina ni Aaliyah sa gate. Yung tinitilian? Di naman gwapo.

"Ako muna." Poker face pa din sya hanggang ngayon.

Nainis ako. Pero ayoko ng gulo kaya hinayaan ko na lang.

Pero isa pa ah. Bibinggo yan.

Teka.

Bakit sya pumasok sa room namin?

Ano sya? Nag transfer dito?

Section ko pa talaga napunta. Badtrip.

Makapasok na nga.

AALIYAH's POV

Pagkatapos namin mag usap ni Thalia, napatingin ako sa labas sa may pinto. Nandoon pa si Aaron.

Kausap nya si Patricia.

Masaya sila.

Bagay sila. Totoo yun!

*TSUP*

Biglang nag init ang muka ko nang maalala ko yun.

Kiss sa noo?

Bakit?

Para saan?

Hindi naman nya kailangang gawin yun e. Basta!


Tinuon ko na lang ang pansin ko sa binabasa kong lectures.

Hanggang sa nag umpisa na ang klase.


----------------------------------------

[ Author's Note ]

Nakakatuwa kasi may mga pumupuri ng gawa ko. Hehehe! Maraming salamat po. Eto muna sa ngayon. God bless! <3

PS!

Sino kaya itong lalaking maangas? Hulaan nyo! Bigay kayo pangalan! Hahaha!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon