"Hindi nga ako umiiyaaaaak!" *sniff*Nak ng tokneneng tong si Aaron! Kanina pa kami ganyan. Pinipilit nya umiiyak ako (kahit totoo naman). Mga 15 minutes na kaming ganito haha! Ang kulit eh!
"Umiiyak ka nga! Sumisinghot ka eh!"
"May sipon ako tungaks!"
"Eh hindi! Umiiyak ka!"
"Mas marunong ka pa! Sipon ko to!"
"Bat ba ayaw mo umamin?!"
"Bakit ba ayaw mong maniwala?!"
Natagalan sya bago makasagot.
"Kasi nararamdaman ko."
Ano daw? Naging seryoso sya.
"Ha?"
"Wala! Umiiyak ka!"
Ay. Nak ng.
"Bahala ka sa buhay mo hahaha. Napakakulit mo. Para kang papa mo!"
"Syempre papa ko yon! Alanganamang papa mo!"
Letse talaga to.
"Bakit ka kasi tumawag"
"Wala lang. Feel ko lang kelangan kitang tawagan."
Napahinto ako.
Pero bigla syang tumawa.
Pinagtitripan na naman ako nito! Hanep.
"Hoy matulog ka na nga!"
"Ayaw mo ba kong kausap babe?!"
"Ayoko. Babe mo muka mo."
"HEEEP! Sorry ka, girlfriend kita ng 1week kaya babe ang itatawag ko sayo. AT! Dapat BABE din ang tawag mo sakin!"
Diin na diin yung BABE. Letse. Hahaha.
"E pano kung ayoko?"
"Madaya!"
"Haha! Ayoko nga."
"Wala kang isang salita."
O_________O
"OO NA!"
Tumawa sya ng malakas. Walangya to. :(
"Bubugbugin kita."
"Ng kiss? Sigeee!"
"Matutulog na ko! Inaantok na ko."
Seryoso. Inaantok na ako. Galing sa iyak eh. Ganun talaga yun diba diba diba?!
"Hmm. Sige babe. Pasok bukas ha. Sunduin kita."
"Susunduin pa? Wag naaaa. Hatid na lang. Baka ma-late ka pa eh."
"Eh sige naaaa."
"Para kang bata! Hatid na lang wag kang makuleeet."
"Ano ba yaaan. Oo na. Sige tulog na! Goodnight babe. I love you."
"Sige, goodnight na."
Pipindutin ko na sana yung end button pero narinig ko yung malakas ng boses nya.
"TEKAAAA"
>_______< hay nako!
"Bakit nanaman!"
"Walang sagot?! Hindi mo pa ko tnawag na babe!"
"Bukas na!"
"Hindi pwede!"
Aba?! Ibaba ko kaya to?! HAHAHAHAHA!
"Bukas na!"
"Pleeeease?"
-_________- parang bata to.
"Oo na. Babe. Goodnight!"
"Oh yaaaan."
"Okay na? Sige na. Goodnight."
"Teka!"
"Ano pa?!"
"I love you babe."
Bullsheep. Kelangan pa non?! Hindi ko alam isasagot ko. Natagalan yung katahimikan.
"Huy. Sabe ko. I love you babe."
"Hmm. Ano. Ahh. I - hmm.. I-i love y-you too. Babe."
Humagikgik sya. Parang tungaks to. Nautal pa ko. Bat ganon amp.
"Hehe! Sige tulog na babe! Mwaaa!"
"Night. Bye hehe"
ANG CORNY MO AARON! HAHAHAHA MAY PA-MWA MWA KA PAAAA! HAHAHAHAHAHA!
Pero nagpapasalamat ako kasi nagkaron ako ng kaibigang katulad ni Aaron. Sobrang maaasahan yon. Naiintindihan nya yung mood ko. Yung mga problema ko. Yung ugali ko.
Aaron, thankyou.
Good night.
-----------------------
[ Author's Note ]
Dalawang update para ngayon. O kaya mamaya mag a-update pa ako. Kanina lang nagkanet. Pa-vote and share! Maraming salamat!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomansaNaranasan mo na bang makipag pustahan? Makipag pustahan ng walang kasiguraduhan kung mananalo ka. Pustahan na magdudulot sayo ng sakit. Pustahan na magtuturo sayo kung pano magmahal ulit.