*ubo ubo ubo*"Oh nak?! Tubig uminom ka."
Pusang gala! Nabilaukan ako! Lintek yung Aaliyah na yun. Naalala ko yung sinabe nya nung lasing na sya. Ayaw nya na daw mag boyfriend.
*TING*
Siguro hanggang ngayon hindi pa rin sya nakakapag move on.
*Bright idea*
Itutuloy ko tong 1week contract namin. Para na rin makapag move on na sya. In short, tutulungan ko sya.
ANG TALINO MO TALAGA AARON! ANG TALINO MO NA ANG POGI MO PA!"Salamat po ma"
"Dahan dahan lang kasi sa subo anak!"
"Opo opo" haha! Pucha talaga.
May pumasok yatang kanin sa ilong ko!
Syempre joke lang hahahaha!
Oo nga pala, hapon na. Mag gagabi na. Naka apat na oras kasi kami ni Aaliyah kanina. Tas hinatid ko pa sya. Kaya ngayon lang ako naka-kain.
-----------
AALIYAH's POV
Putek. 1week contract. -_- ayoko na ngang magkaboyfriend eh. Kahit fake lang yun, nasa deal pa din nya yung magiging sweet ako! Bakit ba kasi ako pumayag?! Boba.
Pero, atleast.. May taga hatid na ako. Atsaka, sana makatulong din to sa pagmo-move on ko kay Michael. Kahit long distance relationship yun, pucha! Ang dami kong nagawang effort sa pag aakalang mahal nya ko. :(
Nararamdaman ko, tumutulo na naman yung luha ko. Dahil na naman sakanya.
Naisip ko, bakit kaya may mga tao pang dumadating sa buhay natin pero iniiwan din tayo?
Bakit kaya, kelangan pa nating masaktan kahit wala naman tayong ginagawa? Kahit nagmamahal naman tayo ng totoo?
Basta.
Napayuko ako. Sobrang sakit. Sobrang hirap. Ang problema kasi, binigay ko lahat ng pagmamahal.
Pero bakit kulang pa din?
Tng*na. Ang hirap. Mapapamura ka na lang sa sobrang sakit.
Yung akala mo, totoo yung mga sinasabe nya?
Ang masaklap pa, may hinala ka nang niloloko ka na, pero hinayaan mo pa din.KASI NGA MAHAL MO.
Aaliyah, umiiyak ka na naman. Akala ko ba malakas ka? Ang galing mo talagang magpanggap.
Sa sobrang sakit, nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay.
Nung araw na naghiwalay kami, kinabukasan pumasok ako sa school. Nilakad ko lang. Ang sakit, kahit may mga dumadaan, hindi ko na pinansin. Basta hinayaan ko na lang tumulo yung luha ko. Kahit mabangga ko sila wala akong pakialam. Nakarating ako sa school nang hindi ko nararamdaman.
Tinatawag ako ng teacher ko, pero siguro naka apat na beses na tawag na sya bago ako makatingin.
Apektado ako. Apektado lahat ng nasa paligid ko. Ganun kasakit.
"Bakit? San ako nagkulang?"
Sabi ko sa sarili ko habang nakayuko. Habang umiiyak. Nakayakap ako sa mga tuhod ko. Ramdam na ramdam ko yung sakit. Parang pinipiga yung puso ko.
*ring tone*
So much about this crazy game they call love, that I'm trying to understand, so could you be my best friend before you call yourself my man~
May tumatawag.
Aaron calling ...
Nag eemote ako, tumatawag tong mokong na to. Panira!
"Hello?" *sniff sniff* May sipon na ako :(
"Aaliyah, u-umiiyak ka ba?"
"H-ha? Hindi ah!" I tried not to sniff pero bigo.
*sniff*"Utot mo bilog! Bakit ka umiiyak?"
Baliw talaga to.
--------------[ Author's Note ]
2days walang net sa bahay. Kaya ngayon lang ako nakapag update. Sadlife. Kasi, pinalitan ko yung pass ng wifi. Pero after nun, hindi na maka-connect! Boba! Hahaha! Anyways, sana po nagugustuhan nyo ang story na ito! Pa-vote and share na din po. Maraming salamat!

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomantikNaranasan mo na bang makipag pustahan? Makipag pustahan ng walang kasiguraduhan kung mananalo ka. Pustahan na magdudulot sayo ng sakit. Pustahan na magtuturo sayo kung pano magmahal ulit.