"Aarooooon!"
Nak ng toklay. Nagpa-flash back ako eh! Si mama talaga oh!
"Poooo?!"
"Pumarito ka nga!"
Ayyyyyy! Bumangon ako at bumaba. Kakarating ko lang kani-kanina. Hinatid ko si Aaliyah. Eh feeling ko pagod ako kaya humiga ako.
"Bakit ma?" Tanong ko nang makababa na ako at maharap si mama.
"Kumain ka na. Anong oras na oh."
Aish! Yun lang pala! Hahaha napangiti ako kasi feeling ko ang sweet ni mama. Syempre inaalala nya ko. MALAMANG AARON! SINONG NANAY BA ANG NAGPABAYA SA ANAK?! HAHA BOPOLS MO AARON!
"Opo ma. Salamat."
KAIN.
KAIN.
KAIN.
Bakit kaya hindi ako tumataba? Kahit ang lakas lakas kong kumain?
KAIN.
KAIN.
KAIN.
May sawa yata ako sa tyan ko eh! HAHAHAHA!
Habang kumakain ako. Bigla na namang pumasok sa isip ko yung nakaraan.
*FLASH BACK*
"Inom tayo" Bigla na lang nyang sinabe. Hindi naman sya umiinom pero bakit bigla syang nagyaya?
"Baliw. Hindi ka umiinom!"
"Sige na."
"Nak ng toklay ka Aaliyah Martinez! Pag ikaw nalasing!"
"Edi ihahatid mo ko samin!"
"Obligasyon ko pa! Nako talaga! Halika na nga!"
*Kalahati na yung bote*
"Magkwento ka naman."
"Anong ikukwento ko Aaron? Kkwento ko kung pano ko nasaktan?" Tumawa sya pagtapos non. Sa kilos nya mahahalata mong lasing na sya.
"Malay mo naman makatulong ako?"
Seryoso? Nahihirapan ako sa sitwasyon ni Aaliyah.
"Alam mo ba yung feeling na, nagmuka kang tanga?" Nanginginig na yung boses nya. Pero pinipilit nya pa ding tumawa.
"Tuloy lang. Makikinig ako." Nginitian ko sya.
"Pucha Aaron, ang sakit. Yung akala mo mahal ka nya? Tapos pagmumukain kang tanga?! Papaniwalain kang busy sya. Tapos yun pala tinatamad na sa relasyon nyo?! Kung hindi pa tanungin.."
Bigla syang humagulgol.
"Kung-kung *hikbi* hi-hindi *hikbi* p-pa tanu-ngin *hikbi* hindi sasa-bi *hikbi* hin"
Hindi na ko nakatiis. Lumapit na ko sakanya at niyakap sya. Parang batang umiiyak si Aaliyah. Naaawa ako. Sobra yung pag iyak nya. Mararamdaman mong nasasaktan talaga sya.
"Tahan na. Siguro, hindi lang talaga sya yung nararapat sayo Aaliyah. Tahan na." Hinaplos haplos ko yung buhok nya. Hinalikan ko din yung noo nya. Hindi ko alam pero bigla ko na lang nagawa yun.
"Ang sakit sakit! *hikbi*"
"I know. I know." Haplos lang sa buhok nya.
"Ayoko nang magmahal ulit! Pusang galang pag ibig yan!"
--------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Storie d'amoreNaranasan mo na bang makipag pustahan? Makipag pustahan ng walang kasiguraduhan kung mananalo ka. Pustahan na magdudulot sayo ng sakit. Pustahan na magtuturo sayo kung pano magmahal ulit.