Chapter 1: New World

111 22 17
                                    

Kimberly

Kung magagawa mo ba na baguhin ang mundo sa isang segundo, ano ang aayusin mo? Saan ka magsisimula at paano mo ito gagawin? O baka naman babaguhin mo na lang ang buhay mo at iaangat ang sarili? Sa taong ito, posible pa ba na mabago pa ang ayos ng mundo? Bumalik ang lupa, bumalik ang mga ibon na lumilipad, bumalik ang mga puno at iba pa? Makakaya pa kaya natin maibalik ang dati? O magpapatuloy na lang na umusad at umunlad?

Para sa akin, hindi masama ang ganitong pag-unlad, but some people were getting worse, they kept playing the role of God by building a technology that were beyond people's limitation. Pera pa rin ang matatawag na kapangyarihan, pero sa taong ito ay may humigit sa pera.

Ang titulo at dugo ng mga ranggo. Who would've thought that the R+ blood does exist? It is because of mutation? O baka naman ay sanhi lang ito ng isang eksperimento na mga tao na mismo ang may gawa? They don't believed in God that's why they created a new one that could control this world.

This is year 2095 where all you can see are high buildings, flying vehicles with the super speed turbos, at kahit nga ang mga kalsada ay nakalutang na rin. Ni hindi ka makakakita ng kahit ano sa ibaba maliban sa mga taong walang-wala. Noon raw ang tanging lumilipad lang ay mga ibon, at mga sasakyan na pang-himpapawid, ngunit pati ang mga sasakyan na nasa lupa lang dati ay lumilipad na rin ngayon.

Noon, ang kwento sa akin ng aking lola ay mapuno pa raw ang lugar na ito. Gusto ko nga makakita ng mga puno at halaman na sinasabi ni lola pero wala naman akong sapat na pera upang makapasok sa museo para roon. Isa lamang akong normal na mamamayan ng district five, tahimik na namumuhay kahit na ang paligid ay hindi tahimik.

Iniisip ko minsan, ano kaya ang ginagawa ng pitong ranggo? Masarap kaya ang kinakain nila? Nakakahiga kaya sila sa malalambot na kama? Nakakalanghap kaya sila ng sariwang hangin galing sa mga puno? Nakikinabang din ba sila sa Oxygen 2.0 na ginawa ng mga siyantipiko? Alam kaya nila ang nangyayari sa kanilang nasasakupan? Baka naman tama ang nasa isip namin na bulag sila sa mga nangyayari rito sa ibaba?

Kung noon,ㅡbase sa kwento ng aking lolaㅡgahaman din naman daw ang mga nanunungkulan sa gobyerno. Bilyon-bilyon ang ninanakaw sa mga tao ngunit kahit papaano ay may natitira pa naman na mabubuti, pero ngayon? Mukhang lahat ng nanunungkulanㅡkahit ang mga ranggoㅡay sakim na sa kapangyarihan.

Kaya kung ako bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang mundo, gagawin kong pantay ang lahat. Malayang makakapasok sa museo ang mga mahihirap, malayang makakalanghap ng sariwang hangin, makakain ng mga malaman na pagkain, maging ang paggamit ng mga sasakyan ay kailangan pantay. Ang sabi naman sa akin ng aking ama ay hangga't naniniwala ako sa pangarap ko ay matutupad ko ito, pero dapat hindi hanggang pangarap lang, kailangan ko rin ng gawa.

Ang oras nga lumilipas, ito pa kayang pag-hihirap?

Pipilitin ko na marating ang lebel ng pagiging ranggo at panoorin nila kung paano ko isasaayos at ibabalik sa dati ang mundo. Hindi man ako katalinuhan pero may paninindigan ako.

Napaangat ako ng tingin nang tumama ang sikat ng araw saakin. Hindi ito masakit. Ang sabi ni lola ay masakita daw sa balat ang sinag ng araw, pero wala naman akong maramdaman na sakit at hindi rin ito nakakasilaw.

Posible kaya na pati ang araw ay pinalitan nila o tinago sa aming mga mahihirap? Silang may mga kapangyarihan at mataas na posisyon na lang ba ang may karapatan sa lahat ng likha ng Diyos?

"Magpapakamatay na ako! Ayaw ko na sa mundo!"

Iniangat ko ang aking tinggin sa isang lumang gusali at sa tuktok nito ay nasilayan ko ang isang babae na gusto nang magpakamatay. Iginala ko pa ang aking paningin upang makita kung may tutulong ba, pero kagaya ng dati ay walang nagbalak.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon