Chapter 6: Pest

46 12 8
                                    

Kimmy

When the world turned its back on you, always remember there is someone who will still stay with you. That's what they say, but the truth is, the world will never turn its back on you, people will.

Because God created a world for people.

How ironic. Earth can live without a human, but human cannot live without earth, pero sinisira natin ang mundo.

As years passed by, mas lalong nawawalan ng tiwala ang mga tao sa Diyos. Ang mga henerasyon ngayon, alam pa kaya nila ang bibliya? Nababasa pa ba nila ito? O baka nananatili na lang din itong kuwento gaya ng isang kuwentong-bayan?

Malaki ang mundo, pero hindi na magkasya ang mga tao. We're over popularion.

Nagkukulang na rin ang mga supplies ng pagkain para sa mga tao. How funny, kung ano ang ikinaunlad ng mundo, ito namang ikinabagsak ng mga mabababang tao.

Napakasuwerte pa rin ng mga tao na ipinanganak sa ibang distrito, ibang lugar, o ibang panahon. Minsan, nananalangin ako sa Diyos na sana ay hindi ako sa ganitong distrito nabuhay, na sana ay sa iba. Sana sa ibang panahon o sana ipinanganak din ako ng may R+ blood.

Pero hindi talaga para sa akin ang buhay na iyon.

I was born to be like this: poor, ugly, dumb, and worthless. Kung hindi lang ako nagkaroon ng lola na maloko at tatay na supportive ay baka matagal na akong patay ngayon.

Napunta na rin ako sa sitwasyon na gusto ko nang magpakamatay, gusto ko nang wakasan ang paghihirap ko kaya naiintindihan ko ang mga taong ninais na wakasan na lamang ang kanilang mga buhay.

I also tried to kill myself many times, pero naisip ko; If my life is meaningless when I'm still alive, would it be meaningful when I die?

And that is when it hits me.

The realization hits me.

That time, I came back to my lola and hugged her tight. I did the same to my father.

Ito ang unang beses na matutulog ako sa malambot na sapin at unang beses rin na makatabi ang ibang lalaki. Ngayon ay nahihirapan tuloy akong umiyak, pigil na pigil ko ang aking mga hikbi.

Kasalukuyan kong katabi si Yuan, ngunit pinanatili niya ang espasyo sa aming dalawa kahit pa nararamdaman ko minsan ang bahagya niyang pag-usog dahil sa kalikutan ni JD ay hindi pa rin naaalis ang espasyo sa pagitan naming dalawa.

Hindi nagpakita ang peste sa amin ngayon, malamang ay natunugan kami. Kaya minabuti ni Ate Jai na rumito muna kami matulog.

Pero mukhang seryoso talaga si Ate Jai sa sinabi ko sa palengke. Pinagtabi talaga kami matulog dahil kailangan daw ito ng mag-asawa. Oh my ghad. I made a wrong mistake.

Buti na lang talaga, may pagka-gentleman pa rin itong si potato boy.

Kinabukasan, nagising akong nakaakap sa isang malambot na unan at tanging ako na lang ang mag-isa sa kuwarto. Dali-dali akong lumabas at naabutan ko sa maliit na sala sina Marisa, JD at ang magkapatid na sina Grey at Angeline.

"Nasa'n si Ate Jai?" aniko na nagkakamot pa ng buhok.

Si Angeline ang sumagot dahil busy sa pagkain ang tatlo.

"Nasa taniman, Ate, kasama si Kuya Yuan at Manong Cloud." Tumango ako at tinungo ang taniman nila.

And there, I saw them harvesting fresh and big sizes of potatoes. Parehas na nakahubad si Manong Cloud at Yuan habang kinukuha sa lupa ang mga patatas. Habang si Ate Jai naman ay isa-isang pinupulot ito at inilalagay sa salop.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon