Chapter 10: Same Book

36 10 2
                                    

Kimmy

Nang magbukang liwayway, nanatili akong nakasandal sa puno kaharap ang malaking hayop. Habang ang tatlo ay tulog pa rin. Nakayakap si JD sa paa ng hayop habang si Yuan naman ay nakaakap sa kamay nito. Si Tyler ay nakatanday ang paa sa hita ng hayop.

Mukhang sarap na sarap sila sa pagtulog nila habang ako ay dilat na dilat. Ilang beses kaninang madaling araw na may naligaw na mga asong lobo rito.

Alulong pa nga ng alulong sa akin at tinatahulan ako.

Dahil sa inis ay hindi ako nakapagpigil. Tinahulan ko rin sila. Hindi ko lang alam kung ano ang pagkakaintindi nila sa tahol ko. Basta bigla na lang umalis ang mga lobo.

Nakita ko ang pagdilat ng mga mata ni Yuan at napatingin sa akin. Ngunit mayamaya ay natawa siya at bumalik sa pagtulog.

"Umagang-umaga, mukha agad ni Kimmy nakikita ko," aniya at natawa pa.

Mukha siyang lasing. Wala sa sarili.

Kinapa niya si JD na nasa likuran niya at dahan-dahan na humarap. Inabot niya ito at kinalabit upang magising.

"Patulugin mo ako!" asik ni JD kay Yuan.

Tawang-tawa na gumapang si Yuan kay JD at bumagsak sa tabi niya. Biglang umatungol ang malaking hayop.

"Ay!" aniya na may mapupungay na mga mata. Mayamaya ay hinipo nito ang tiyan ng hayop. "Sorry, Kimmy, tulog ka na ulit." Paghele niya sa hayop. Hinalikan niya pa ito.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang mga sinabi niya. Pinangalanan niya ang hayop na ito? At kinuha pa talaga ang pangalan ko.

"Yuan..." bantang usal ko.

Napabaling siya sa akin. Napatawa pa ito at tila nakakita siya ng ilusyon. Bumaling siya kay JD at niyugyog ito.

"Oy! Tignan mo, nakikita ko si Kimmy rito, o!" Mukhang hindi pa siya naniniwala na totoo ako.

Unti-unti akong tumayo ay lumapit sa kanila.

"Yuan..."

Bigla siyang tumawa. "JD, palapit na siya!" Pero hindi nagising si JD.

Habang tumatagal na papalapit ako sa kaniya, unti-unti ng tumigil ang kaniyang pagtawa at dahan-dahan na nanlaki ang mga mata. Tila ba naniniwala na siya na totoong Kimmy ang nakikita niya ngayon.

"JD!" sigaw niya.

Bumilis din ang pagyugyog niya kay JD dahilan upang mapabangon ito. Tumingil ako limang hakbang ang layo mula sa kanila.

Agad akong itinuro ni Yuan na hindi pa rin makapagsalita. Bumaling sa akin si JD at pinaningkitan pa ako upang siguraduhin na ako nga ito.

"Kimmy!" masayang usal niya. "Kimmy?!" Na naging aligaga kasama ang panlalaki ng mga mata. "Si Kimmy nga!"

Tinanggal ko ang jacket na nakasuot sa akin at marahas na ibinato ito kay Tyler dahilan upang mapabalikwas siya ng bangon. Kapagkuwan ay bumaling sa dalawa.

"Parang gulat na gulat kayo ng makita ako?" asik ko.

Pupungas-pungas na tumabi sa akin si Tyler at pinagmasdan din ang dalawa.

"Malambot d'yan? Pasubok naman!" ani Tyler.

Nabuhayan ang dalawa. "Oo naman, tara, sakay kaㅡ"

"Sandali!" sigaw ko na ikinatigil nila. "Nag-aalala kami roon habang kayong dalawa, nagpapakasarap na humiga dito saㅡ" Tinuro ko ang hayop.

Sumabat si Yuan. "Si Kimmyㅡ"

"At talagang ipinangalan n'yo pa sa akin?! Mga tampalasan kayo!"

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon