A/N: This chapter is dedicated to hitchspell (Felise) of Wild Bears, happy birthday!
Kimmy
Marahas akong tumayo at nilisan ang kwarto. Hindi ko inabalang lingunin ang mga tawag ni Cassy. Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko; sunod-sunod at hindi ko magawang pigilan. Hindi ko rin magawang punasan.
Paglabas ko ng kwarto ay agad na bumungad sa akin si Yuan na nakasandal sa pader, nasa bulsa ang mga kamay at bagong ligo na.
Napalitan ng pag-alala ang kaniyang ekspresyon. Sinubukan niya ring lumapit sa akin ngunit agad kong iniwas ang katawan ko sa kaniya. Ayaw kong maniwala na nagawa iyon ng tatay ko pero na-gu-guilty ako kapag nakikita ko si Yuan.
"Kimmy—"
"I'm sorry," I said and turned my back on him.
Tinahak ko ang pasilyo at pilit na tinandaan ang lugar kung saan kami dumaan. Napaka =laki ng lugar na ito at talagang maliligaw ka sa dami ng pasikot-sikot.
Naabutan ko sina Cath at Venus na nag-uusap sa sala. Agad na napatayo si Cath at dali-dali akong dinaluhan nang makita niya ako na tila gulong-gulo sa sarili.
"Nasaan ang mga kaibigan ko?" tanong ko sa kaniya.
Itinuro niya sa akin ang isang pinto at akmang magsasalita ngunit dalidali na akong tumalikod upang puntahan sila Marisa.
Nang buksan ko ang pinto ay naabutan ko silang nanonood sa telebisyon at mukhang nagkakatuwaan pa. Sabay silang napabaling sa akin. Agad na nagbago ang kanilang mga ekspresyon nang makita ako.
"Kimmy, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Marisa na inalalayan akong makaupo sa malambot na kama. "Tubig, tubig!" aniya.
Dali-daling lumabas si JD habang si Grey naman ay pinatay ang TV at binigyan ako ng unan. Kumunot ang noo ko.
"Aanhin n'ya ang unan?" asik ni Marisa.
"Hindi ko alam kung anong ibibigay ko, e," aniya at nagkamot ng ulo.
Nang dumating si JD ay agad niyang iniabot ang tubig sa akin. "Kanino ka nanghingi?" aniko.
"Kay Dra. Cassy 'yan galing," aniya.
"Ano na ang nangyari? Maayos naman no'ng umalis kayo ng kapatid mo, tapos ngayon, umiiyak ka na."
"Kapatid mo sino?" tanong ng dalawang lalaki.
Kumunot ang noo ko at humarap kay Marisa. "Paano mo nalaman na kapatid ko si Cassy—"
"Kapatid mo si Dra. Cassy?" sabay na tanong ulit ng dalawa.
"Na... narinig ko sa usapan nina Yuan at Cassy—"
"Narinig mo sa usapan—" Napatigil ang dalawa nang sabay namin silang lingunin ni Marisa na may pagbabanta sa mga mata.
Bumaling ulit ako kay Marisa. "Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba s'ya. Lumalabas na tatay ko pa ang masama sa lahat."
"Bakit, ano ba ang sinabi sa 'yo?"
Saglit akong napatitig kay Marisa. "Pumatay si tatay rito at nagtago siya sa district five, sinama ako at—" Natigilan ako nang may maalala.
Binanggit ni Cassy na tumakas si tatay kasama ako, pero wala siyang binanggit patungkol sa lola ko—sa lola namin.
Dali-dali akong tumayo at lumabas ng pinto upang puntahan si Cassy at tanungin ang patungkol sa aming lola. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Cassy na akma ng kakatok sa pinto. Tumaas ang kilay ko.
BINABASA MO ANG
Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)
Science FictionKimmy --- A seventeen-year-old girl who dreamt to be one of the 7th highest throne, lead the republic of district five, and to make a better world. To her journey while fulfilling her dreams, she encountered different people with distinct personalit...