Chapter 4: Patatas

74 15 46
                                    

Kimmy

Nagpatulong ako kina JD at Grey upang ilibing sa maayos na libingan ang aking ama. Silang dalawa ang naghukay at sila na rin ang bumuhat ng bangkay niya. Habang ako ay umukit na lamang ng bulaklak sa lupa. Sabi sa akin ni lola ay ito raw ang pares na alay sa taong namayapa.

I've never seen a flower before, but I know what it looks like. Magaling umukit ang aking lola, maski ang aking tatay ay magaling rin sa pag-ukit. Habang nagkukwento sila sa akin ay inuulit nila ang kanilang mga sinasabi uoang magkaroon ako ng ideya sa kung ano ang sinasabi nila.

Ito na lamang ang magagawa ko upang mabigyan ng magandang libing ang aking ama. At least, kahit na wala na siya ay natupad ang kaniyang hiling na rito sa district five ilibing ang katawan.

"You may now rest in peace, Tay. H'wag mo na ako problemahin dito—I can take care of myself, besides, I have my friends with me. Hindi namin pababayaan ang isa't-isa," bulong ko sa kaniyang puntod.

Bago lumubog ang araw ay nakagawa kami ng apoy gamit ang pinagkiskis na makinis na bato. Akalain mo nga naman, modernong taon na ngunit nagagamit pa rin ang mga sinaunang imbensyon ng mga sinaunang mga tao.

Habang kami ni Marisa ay bumalik sa aming bahay upang kunin ang mga imbensyon ng tatay ko na maaari naming gamitin, sina JD, Grey at ang kapatid niyang si Ange ay naiwan.

Napagpasyahan namin na hindi kami mananatili sa district five hanggang mamatay. Kailangan namin malaman ang nangyayari sa district one upang makumpirma ang aming mga tanong sa isipan at upang makita ang mga mahal sa buhay na kinuha nila. Hindi namin hahayaan na mabulok na lang dito at panghabang buhay na malayo sa pamilya namin.

Dahil nga lumubog na ang araw, nilamon na rin ng dilim ang buong distrito. Maliban na lang sa ibang kabahayan na mayroong gasera at may kakarampot na ilaw ang nanggagaling sa itaas. Galing sa mga sasakyang panghimpapawid.

"Ang talino pala ng tatay mo," bulong ni Marisa habang pinagmamasdan ang gawa ng tatay. "Anyare sa 'yo?"

"Uy, matalino ako, a! Hindi lang talaga natutukan ng mabuti, busy kasi ang lola magsipilyo ng pustiso niya," aniko.

Kinuha ko ang bagpack na kulay itim at inilagay rito kung ano man ang magkasya sa loob. Hindi na ako namili pa. Lahat naman ng imbensyon ng aking ama ay gumagana kaya hindi na ako mamimili. Basta kung ano ang kasya ay lagay agad.

Lumayo si Marisa sa akin at nagpunta sa kabilang pwesto at doon kumuha.

Minuto lang ang binilang namin sa lugar at tuluyan na rin kaming lumisan. Dala-dala namin ang mga gamit na maaari naming gamitin habang papunta sa pinakaunang distrito.

Naabutan namin sila JD at Grey na nagtatawanan kasama ang isang hindi mapilyar na lalaki. Sa ginta ang apoy habang may kaldero sa gitna nito. Pati si Angeline, ang nakababatang kapatid ni Grey ay nakikisama rin sa tawanan.

"May new friend agad?" untas ni Marisa. "Kakaalis lang natin nakahanap agad ng bago?!"

Pabagsak kong inibaba ang aking mga dala dahilan upang mapabaling silang apat sa akin. Kapagkuwan ay lumapit ako sa kanila at iginala ang aking paningin. Agad na nag-init ang ulo ko nang makitang nakasandal ang lalaki sa puntod na tatay ko.

Agad ko siyang sinipa upang mapaalis siya rito. Tanging inosenteng pagtitig lang ang isinukli niya sa ginawa ko at may kasamang ngiti.

"Patatas?" inosenteng turan niya sabay lahad sa akin ng patatas.

"Sino ka naman? Hindi ka taga-dito, 'di ba?" Agad ko siyang nilapitan at kinuwelyuhan. "May balak kang masama sa amin? Sabihin mo nga! Tauhan ka ba ni Zero—"

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon