Kimmy
"Hindi kayo tao," aniko. Umiling ako at lumayo mula sa kaniya. Nasa magkabilang dulo ng kama kaming dalawa. "Hindi na kayo tao—"
"Trust me. We are."
"Ang tamang lugar ng puso ay nasa kaliwa. Bakit sa 'yo, nasa kanan?"
Natawa ito sa tanong ko. Para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. "Para saan pa't naging ranggo ako kung hindi ako kakaiba?" saad niya na nakapagpatahimik sa akin.
May punto siya roon. Kakaiba sila at itinuturing sila na tila Diyos ng mga tao ngayon dahil sa kakaiba nilang mga katangian. Ang akala ko noon ay tungkol lang sa uri ng dugo, hindi ko batid na mas malala pala.
Bumuntong-hininga ako at inihilamos ang aking kamay sa mukha.
Mariin akong napapikit.
Bakit kailangang mag-sunod-sunod ang mga nalalaman ko ngayon? Hindi pa nag-si-sink-in sa akin ang isa. Ngayon naman ay may bago akong iisipin.
Napabaling ako kay Zero na ngayon ay komportable ng nakaupo. Nakasandal ang kaniyang likuran sa pinagpatong na puting mga unan. Mariin siyang nakatitig sa akin.
"Lahat ng ranggo ay katulad mo?" tanong ko.
Pumungay ang kaniyang mga mata. Mukhang inaantok na siya ngunit pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili.
"Each rank has a unique characteristic, so I don't know if we're all the same. But I assure you, we have the same blood type even though we aren't blood related," he said between his laughter.
"Malamang..." bulong ko.
"Hindi ka ba... magpapasalamat?" aniya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit kita pasasalamatan? Nakalimutan mo na ba na tauhan mo ang pumatay sa tatay ko—"
"But I already killed him," untas niya na parang bata.
"Kulang pa. Babawiin ko pa ang lola ko. Tapos ikaw naman ang papatayin ko—kayong pitong mga ranggo."
He chuckled mockingly. "I doubt!" aniya at mas lalong pumungay ang mga mata. "You cannot defeat us, but..." Tinitigan niya ako diretoso sa mga mata. "I am willing to be killed by you..." Kapagkuwan ay itinuro niya ang kaniyang kanang dibdib. "This is my weakness," aniya.
Tumaas ang kilay ko. "How about the other Higher Ranks?" tanong ko na nagbabakasakaling maisahan siya.
Humugot siya ng malalim na hininga at ngumisi sa akin. "Secret!" aniya. "It's for you to find out!"
"'La kang kwenta," bulong ko.
Inirapan ko ito dahil sa kalokohan niya. Bumuntong-hininga ako at tumayo. Nilapitan ko ang bag kong nahulog sa lapag dahil sa pagbagsak ni Zero. Dali-dali ko itong pinulot.
Nakaramdam din ako ng gutom kung kaya't inilibot ko ang paningin kung mayroon bang makakain. Nanlumo ako nang wala akong makita ni isang pagkain.
Napakalaking kwarto, walang pagkain. Kung ako ang asawa ng nakatira rito, lalayasan ko talaga siya.
Bumalik ako kay Zero upang manghingi ng pagkain pero hindi pa ako tuluyang nakakapapunta nang makita siyang mahimbing na natutulog habang ang mga binti ay nasa ibaba.
Tumagilid ang ulo ko at pinagmasdan siya. "Aba, mabait ka pala tignan kapag tulog?" bulong ko sa aking sarili.
Nilapitan ko ito at inayos ang kaniyang higa. Ipinatong ko ang kaniya mga paa sa kama ngunit sinigurado ko muna na natanggal na niya ang kaniyang sapatos. Matapos ay kinumutan ko siya.
BINABASA MO ANG
Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)
Science FictionKimmy --- A seventeen-year-old girl who dreamt to be one of the 7th highest throne, lead the republic of district five, and to make a better world. To her journey while fulfilling her dreams, she encountered different people with distinct personalit...