Kimmy
"Kahit kailan, napakatapang mo, wala ka naman maibubuga!" Nagpabalik-balik sa harapan ko si Yuan habang sinisigawan ako. "Akala mo ba maganda ang asal na pinakita mo? Paano kung ibang ranggo ang nakasalubongㅡ"
"E, hindi naman ibang ranggo ang nakasalubong natin!" inis na tuwiran ko.
Masama ang tingin na ipinukol niya sa akin. "Paano nga kung iba? Gan'yan ka ba kapasaway, Kimmy?!" Natigilan ako dahil sa unang beses na pagtawag niya sa pangalan ko.
Maganda sa pandinig. Pero galit ako sa kaniya ngayon!
"Hindi ako pasaway! Galit lang ako! Ano ba ang gusto mong maging reaksyon ko? Magtatalon ako sa tuwa dahil nakita ko 'yong tao na isa sa rason kung bakit namatay ang tatay ko at kinuha si lola?!"
"You don't understand—"
"No! You don't understand! Hindi mo naman kasi alam kung paano mamatayan ng mahal sa buhay! Wala ka namang alam dahil hindi mo naranasan ang nararanasan namin sa district five—"
"Kimmy, tama na..." Naramdaman ko ang paghatak sa akin ni Marisa ngunit nagmatigas ako.
"Hindi mo alam, 'di ba? Kasi masarap ang buhay n'yo sa district three! Hindi n'yo nararamdaman ang paghihirap namin!"
Natahimik si Yuan dahil sa sinabi ko. Nagbaba siya ng tinggin at maya-maya ay bigla na lang akong tinalikuran at nagpunta sa kung saan. Sinundan pa siya ni JD habang si Grey ay hindi alam kung sino ang kakampihan.
Sa huli, ako ang pinuntahan niya at dinamayan.
Nanghina ang tuhod ko at napadausdos ng upo sa talahiban. Dumagsa na naman sa aking alaala ang mga tagpong lumipas na. Nakita ko na naman ang unti-unting pagpikit ng aking ama at ang pagkuha nila sa aking lola.
Mas lalong napupuno ng galit ang aking puso at mas lalong gusto kong magdusa ang Zero na iyon at ang ibang mga ranggo.
"Nasaktan mo 'yung taoㅡ"
"Nasaktan din ako!" sigaw ko kay Grey. "Umalis ka na nga kung s'ya ang kakampihan mo!"
"Wala akong kinakampihan, Kimmy, ang sa akin lang ay sana nagdahan-dahan ka sa pagsasalitaㅡ"
"Bakit, siya ba nagdahan-dahan sa akin? Anong karapatan n'ya na sabihan akong pasaway gayong hindi niya alam ang pinagdaraanan ko?!"
Nakarinig kami ng malakas na buntong-hininga.
"'Wag kayo rito mag-away, baka maingayan ang mga bakaㅡ"
"Baka gusto mong ipakain ko sa 'yo ang mga talahib na hawak ko?!" asik ko sa kaniya na ikinatahimik niya.
Kapagkuwan ay narinig ko ang halakhak ng dalawang babae na tumatakbo papunta sa amin kanina. Ngayon ko lang napansin ang pagkakahawig nilang tatlo.
Bagamat mataba ang pisngi ng isa at bilugan ang mukha, habang ang isa ay bilugan na pahaba ay magkakamukha pa rin silang tatlo. Para silang pinagbiyak na buko pero hindi pantay ang pagkakahati.
"Kambal kayo?" takang tanong ko.
Bumungisngis sila. "Triplets!" sabay na usal nilang tatlo.
Tila ganadong-ganado ang dalawang babae habang ang lalaking ito ay mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Tumayo ka na r'yan, makati ang talahib," ani ng isa sa kanila. "Ako nga pala si Sophie, itong kapatid ko ay si Christel tapos nakakatandang kapatid namin si Tyler. 'Wag kang mag-alala, huli lang siyang lumabas ng segundo kaya panganay."
Si Sophie ang babaeng may matambok na pisngi at bilugang mukha at may nunal sa gilid ng labi habang si Christel naman ay may bilog ngunit pahabang mukha at may nunal sa mata.
BINABASA MO ANG
Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)
Fiksi IlmiahKimmy --- A seventeen-year-old girl who dreamt to be one of the 7th highest throne, lead the republic of district five, and to make a better world. To her journey while fulfilling her dreams, she encountered different people with distinct personalit...