Kimmy
Paano mo ba masasabi na talagang umunlad na ang ating mundo?
Hindi ba ang pag-unlad ay katulad din ng pagbabago?
Hindi ba ang pag-unlad ay gaya ng pag-ahon sa pagkakalugmok?
Hindi ba ang pag-unlad ay tulad ng isang butil ng buto na yumabong at kalauna'y magiging puno?
Hindi ba't ganon naman talaga ang pag-unlad? May pagbabago. Pagbabago na nakakabuti at hindi nakakasira.
Ngunit kung titignan ng maigi ang nasa paligid; kung aalalahahin ang lugar na kinalakihan ko; kung maraming nagugutom at naghihirap, ganito ba ang mundong maunlad?
Ito ba ang totoong depinisyon nila sa salitang pag-unlad?
Marahil ay hindi batid ng iilan na hindi na lang kumakapit sa patalim ang mga tao; niyayakap na nila ito. Sugatang katawan kapalit sa panglamang tiyan. Sa panahon ngayon, ang mamuhay ng marangal ay tila isang pagpapatiwakal. Unti-unti kang mamamatay sa gutom dahil hindi mo kayang yakapin ang patalim na siyang magsasalba sa iyo mula sa pagkauhaw.
Ito ba talaga ang pag-unlad na sinasabi nila? Yumayaman ang mga mayayaman at humihirap ang mga mahihirap?
Tao nga ba ang dapat sisihin dahil binago natin ang mundo o mundo ang dapat sisihin dahil inaruga niya ang mga tao?
"Lalim ng nasisisid mo, a?" Napalingon ako kay Ate Jai.
Kasalukuyan akong nakatambay sa pahabang upuan kaharap ang mga punla ng patatas na kasalukuyang tinataniman nina Yuan, JD, at Grey, kasama si Manong Cloud na siyang nagtuturo sa kanila.
Bumuntong-hininga ako. "Wala, Ate, nag muni-muni lang. Sa mga nangyayari kasi ngayon, hindi ko alam kung tao pa ba ako," aniko. Napaaray ako nang kinurot niya bigla ang pisngi ko.
"Tao ka pa..."
Umupo siya sa aking tabi at inilapag ang nilagang patatas sa gitna namin.
"Bakit? Sa palagay mo ba hindi ka na tao?" Tumitig ako sa kaniya. Kapagkuwan ay nagbaba rin ng tingin.
"Hindi ko po alam," aniko. "Ang dami kong nalalaman sa bawat araw. May pusang pinaghalong daga. May kuryente dito sa district four. Iba't-iba na ang uri ng pagkain, tapos..."
Namuo ang aking luha at kusang bumagsak ito mula sa aking mga mata nang maalala ang tagpo bago mangyari ang lahat ng ito.
Ang pagbaril kay tatay. Ang pagkuha kay lola. Ang mga sundalo na walang emosyon... at si Zero na isang ranggo.
Tila ba nawawalan na ako ng pag-asa na mababawi ko pa ang lola ko.
Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Ate Jai sa aking balikat. "Magiging maayos din ang lahat. Magtiwala ka lang, may diyos kayaㅡ"
"K-kung may diyos, bakit n'ya hinayaan na babuyin ng mga tao ang mga nilikha n'ya? Bakit hinahayaan niya ang mga tao na maghirap, mamatay, at magutom?!" Umiling ako. "Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko."
"Huwag ka na umiyak d'yan..." Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin. "Aalis na kayo mamaya, wag kang umalis ng malungkotㅡ"
Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya.
"Ate, sorry..." aniko.
Taka siyang tumingin sa akin. "Bakit? May ginawa kang masama?"
Umiling ako at nagpunas ng luha.
"We lied to you... H-hindi naman talaga kami mag-asawa ni Yuan. Sorry, Ate!" pag-amin ko. "Kadiri!"
Iyak ako ng iyak sa harapan niya at takot na baka magalit siya sa akin pero ang ikinagulat ko ay ang pagtawa niya ng malakas. Natigilan ako at napatitig sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)
Science FictionKimmy --- A seventeen-year-old girl who dreamt to be one of the 7th highest throne, lead the republic of district five, and to make a better world. To her journey while fulfilling her dreams, she encountered different people with distinct personalit...