Chapter 2: Salamisim

79 19 21
                                    

Kimberly

Can someone tell us that everything's gonna be alright? Ilang taon na rin akong hindi nakakarinig ng gano'ng salita mula sa isang tao. Ilang dekada na ba ang lumipas? Halos hindi na nagbibilang ang mga tao ngayon, the last calendar I had was the year 2090; 5 years had passed and everything was getting worse. Kaya siguro wala na talagang pag-asa ang mga tao rito.

Dala-dala ang maliit na supot ng iilang piraso ng barya sa aking isang kamay ay tinawid ko ang tulay kung saan nakadugtong ang district 5 at 4. Kumpara sa district 5 ay 'di hamak na mas maunlad ang kanilang lugar. Itong district 5 talaga ang pinakalugmok. Kumbaga, sa district 4 na isang kahid isang tuka, sa amin, wala na ngang kahid wala pang tuka.

Sa district 4 naman ay ang pinagkukuhaan ng mga pagkain na karne at tubig. Nandoon ang mga hayop na pinag-eksperimentuhan upang dumami at makabuo ng ibang hayop. Ang huli kong nakita ay ang balak nilang pagsamahin ang karne ng baboy at karne ng baka sa iisang hayop.

Ang district 3 ay pinagkukuhaan ng kuryente at mga kagamitan. Nandoon ang mga matatalinong tao na gumagawa ng mga kagamitan pamalit sa mga natural resources na nauubos o ubos na. Pati ang mga armas kung sakaling magkaamok ulit ng gyera ang ibang bansa ay nasa kanila rin.

Sa district 2 naman naninirahan ang mga militar ng bansa. Doon sila sinasanay upang maging magagaling, malalakas at matatalinong mga tao. Hindi ko alam kung paano nila ginagawa pero isang beses na pumunta sila sa lugar namin ay kakaiba talaga sila. Parang may iba sa kanilang mga pag-iisip at mga anyo.

Hinala ko nga talaga ay pinag-e-eksperimentuhan din talaga sila.

Habang sa district 1 naman naninirahan ang mga angat sa buhay kasama na rin ang pitong ranggo. Ang mga nasa district 1 and 3 lang din ang malayang nakakapag-aral habang kaming masa dulo ay hindi p'wede.

Parang ang lagay ay kung saan ka lumaki, roon ka rin mamamatayㅡdepende na lang kung kumuha sila ng mga tao upang i-train. Pero kailangan talaga ang pag-aaral, lalo na ngayon na kapag bobo ka ay mananatili ka ng bobo.

Ngunit hindi iyon ang magiging hadlang sa amin. Tuwing may mga libro silang tinatapon ay kinukuha namin ito at kami ang nakikinabang. Kung noon ay marami pang mga nagtuturo, ngayon ay kakaunti na lamang sila; kung hindi namamatay ay nawawala naman sa katinuan. At isa rin ang lola ko sa mga nagtuturo sa mga gustong matuto.

Nabalik ako sa aking balintataw nang makita ang kaguluhan. Nanlaki pa ang aking mga mata at naging aligaga nang makitang papunta rito ang kaguluhan.

Inilibot ko ang aking paningin upang makahanap ng matataguan pero bigo ako. Napapikit ako ng wala sa oras at handa na sanang masama sa stampede nang may biglang humatak sa akin papunta sa isang sulok.

"Hanapin n'yo 'yung magnanakaw! Napakawalang puso! Pare-pareho lang tayong naghihirap dito!" sigaw ng isang matanda.

Naawa at lumambot ang puso ko sa aking nasaksihan. Bakit kailangan na magnakaw?!

"Sama kasi ng ugali mo!" Napabaling ako sa humatak sa akin. Gano'n na lang ang inis ko nang makita ang kababatang si Grey na hingal na hingal pa. "Hi, Kimmy, hindi halata pero masaya akong buhay ka paㅡ" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya, hinampas ko na siya sa mukha.

Napahawak siya sa kaniyang pisngi habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

Dinuro ko siya. "Ikaw ang nagnakaw?!" Hindi siya nagsalita. Kapagkuwan ay inangat lang niya ang supot na may patatas na kulay pula sa loob. "Ghad, Grey! Bakit ka nagnakawㅡ"

"Wala kang alam." Tumayo ito at nagpagpag. "Gutom na ang kapatid ko... may sakit ang papa ko... pangatlong araw na naming walang kain," aniya sa mababang boses.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon