Chapter 9: Soft Bear

40 9 2
                                    

Kimmy

Dahil nag-iisa nga akong anak ay hindi ko alam ang pakiramdam ng may kapatid. Hindi ko naranasan na may pagalitan ako dahil sa sobrang kulit. Hindi ko naranasan na may sawayin dahil sa inis.

Pero hindi ko talaga masyadong ramdan ang ikinagagalit ni Tyler sa kaniyang mga kapatid.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kanilang bahay. Malaki ito kumpara sa bahay nila Ate Jai pero mas malinis ang bahay nila Ate Jai. Hindi sa pagmamalinis pero mas malinis pa yata ang bahay namin sa district five.

Magkatabi kami ni Marisa sa sofa habang nasa maliit na sofa si Grey.

Inilibot ko ang aking paningin. Kulay pula at brown ang kulay ng bahay nila. May tatlong apat na pinto sa bawat sulok at isang bilog na lamesa na ginta. Kapansin-pansin din ang kadiliman ng ibang parte ng kanilang bahay at tanging maliliit lang ang ilaw na nakabukas.

"Christel, pakikuha ako ng tubig," utos ni Tyler at pagod na umupo sa katabing sofa. Pumikit siya at isinandal ang ulo..

Habang ang kambal na babae ay nagkatinginan.

"Ikaw na kumuha, Sophie."

"Hala, Christel nga raw, 'di ba? E 'di ikaw ang kumuha!"

"Ih, ayaw ko, may gagawin pa akoㅡ"

"May gagawin din ako! Kuhaan mo na si kuya, baka magalit pa!"

Marahas na dumilat si Tyler at padabog na tumayo tsaka siya ang kumuha ng tubig. Ang dalawang kapatid naman niya ay lihim na nagsisihan.

Nakaramdam ako ng hiya bigla. Parang magiging pabigat pa kami rito sa bahay nila. Hindi na bale, isang gabi lang naman kami magpapalipas at kinabukasan pag-angat ng araw ay lilisan din kami rito. Kailangan namin makapunta sa district one sa lalong madaling panahon.

Makakapunta na rin kami sa district three kung saan ang tirahan ni potato boyㅡspeaking of Yuan, nasaan na nga ba sila? Madilim na sa labas at hanggang ngayon ay hindi ko pa sila nakikita.

Kasama pa naman niya si JD, isang rin iyong duwag, e.

Tumayo ako at sumilip sa siwang ng bintana. Wala ng tao sa labas at sobrang tahimik. Halos maririnig mo ang pagsimoy ng malakas na hangin.

Maya-maya ay narinig ko ang tunog ng babasaging plato. Nakaamoy din ako ng mabango at kaakit-akit na amoy dahilan upang kumalam ang sikmura ko.

Lumapit ako sa kanila at naabutan sina Grey at Marisa na tumutulong sa paghahain sa hapag.

"Hindi pa talaga kayo nakakakain ng karne?" gulat na tanong ni Christel. Umupo ito sa tabi ng kaniyang kuya habang si Sophie ay nasa kabilang tabi rin.

Pinaggigitnaan nila si Tyler. Ganoon din kami kay Grey.

"Oo, mahal kasi ang mga bilihin sa pamilihan, tsaka mas malapit ang bilihan ng mga gulay. Kalimitan ng pagkain namin ay nilagang patatas o sinabawan na patatas."

Napangiwi si Tyler. "Nakakasawa."

Grey chuckled.

"Wala rin naman kaming pagpipilian. Basta malamanan lang ang sikmura namin ay ayos na kami."

"Hindi kayo nagsasawa?"

Sabay kaming tatlo na umiling.

"Sophie, could youㅡ"

"Ito kainin n'yo, masarap 'to."

Natigilan kami. Bumuntong hininga si Tyler at bumaling sa kapatid. Akma itong magsasalita nang magsalita si Christel at tanungin kami.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon