Chapter 17: Doktor

35 5 4
                                    

Kimmy

"Tumayo ka—" Malakas na napasigaw ang babae nang biglang may marahas na humatak sa kaniya.

Nakita ko ang lalaking may kalakihan ang katawan at may hawak-hawak na babae. Ang laki ng katawan niya. Parang papel na lang kung buhatin niya ang babae at hilahin ang buhok.

"Halika na, napakatigas ng ulo mong babae ka!" sigaw niya rito na mas lalong ikinagulat ko.

Bumaling sa akin ang babae at walang nagawa kung 'di ang mapapikit na lang sa sakit. Hinatak niya ang babae at sabay na tinalikuran ako. Iginala ko ang aking paningin at naghanap ng maliit na bato pero sementado naman na ang lugar.

Wala akong nagawa kung 'di kunin ang sapatos na suot ko at ibato ito sa lalaki; tama sa ulo.

Galit na napabaling at lumapit sa akin ang lalaki.

"Umalis na tayo, h'wag mong pag-initan ang bata—" Ngunit malakas na sinampal siya ng lalaki na mas lalong ikinagalit ko.

Akmang susugurin ko ang lalaki nang may biglang humawak sa kamay ko. Napabaling ako rito at nakita si Yuan na nakatayo sa likuran ko kasama ang nanginginig na si Venus. Marahil ay dahil sa takot.

"Bitiw, Yuan!" Nagpumiglas ako ngunit mas humigpit ang hawak niya. "Yuan—"

"H'wag mo silang pakialaman." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala habang tinitignan siya. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Paano niya naaatim na magsawalang-ibo sa ganitong lagay?

"Can you hear yourself, Yuan?"

Mariin siyang napapikit at hinatak ako paalis. Narinig ko ang sigaw ng babae at nakitang hinahatak din ito paalis. Ngunit tiyak na mas masakit ang pagkakahatak sa kaniya. Bumaling ako kay Yuan na hatak-hatak ako ngayon at pinilit na makawala.

Ngunit sa tuwing nagpupumiglas ako ay mas lalong humihigpit ang kapit niya. Malakas akong bumuntong-hininga at yumuko upang makagat ang braso niya.

"Tangina!" mura niya at dali-dali akong binitawan. "Kimmy! What's your damn problem?!"

"Wala akong problema! Ang may problema ay kayo! Kayong mga tao sa district three!" malakas na sigaw ko sa kaniya.

Hindi ko inabala ang mga tinginan ng mga tao dahil sa malakas na sigaw ko. Ganito ang mga taga-district five at wala silang magagawa upang baguhin ako! Marunong akong makibagay pero hindi sa ganitong paraan!

That girl a while ago! Her face is full of bruises, she has so many unhealed wounds.

"Bakit hindi mo tinulungan ang babae kanina—"

"Problemang mag-asawa, hindi tayo dapat nakikialam! Naiintindihan mo ba? Iba ang buhay rito kaysa sa buhay sa ibaba—" Umiling-iling ako sa sinabi niya at bahagya siyang nilayuan na ikinatigil niya.

"Pamumuhay? Ano ba ang pamunuhay dito na wala sa ibaba? Pare-pareho lang tayong tao!" Mariin kong dinuro ang dibdib niya. Hindi siya gumalaw o kumurap, nanatili ang pagod na tingin niya sa akin. "I'm so disappointed with you."

"Bakit ka tutulong? Nakita mo naman na walang ibang nagtangka na tumulong—"

"Kasi walang isang naglakas ng loob na tumulong. Naiintindihan mo ba, Yuan? Hindi porke't iba ang daan ng isa ay doon ka rin daraan! Pwede kang lumihis! At sa paglihis mo ay mayroong susunod sa 'yo! Naiintindihan mo ba?! Alam kong hindi ka bobo, pero ang tanga mo!"

Tinalikuran ko ito at binaybay ang daan na dinaanan ng mag-asawa. Hindi ko muli narinig ang tawag ni Yuan at maging si Venus. Marahil ay napagtanto niya ang sinabi ko.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon