Chapter 37

582 19 3
                                    

Hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang alam ko lang, patuloy lang akong naglalakad, umaasang baka isang masamang bangungot lang 'to.

Na baka... nananaginip lang ako.

Pero hindi e'.

Kahit anong gawin ko, lahat ng nalaman ko... totoo.

Ramdam ko ang pagtulo ng aking mga luha habang naglalakad ako sa ospital. Hindi ko namataan kung nasaan ang kaibigan kong si Fourth.

Wala tuloy akong mapagsabihan ng problema. Wala akong maka-usap. At ni wala akong ganang makipag-usap sa kung sino-sino lang.

For a while, I held the door knob with all my remaining strength. Bumungad sa akin ang malamig na hangin sa rooftop.

Lumabas ako at pinikit nang mariin ang mga mata. Doon, unti-unti akong nawalan ng lakas. Tanging ang hangin na lang ang kumokontrol sa mga paa ko.

Nang marating ko dulo, kita mula roon ang nag-iingayang mga sasakyan sa ibaba at nagtataasang mga building katabi ng ospital.

Then, I sighed. If New York is known as the city that doesn't sleep, in the Philippines, most places doesn't acknowledge silence.

Palagi silang merong masasabi tungkol sayo kahit hindi naman totoo ang mga paratang na 'yon.

The toxicity that everybody's talking about in their social media accounts sometimes started from them too.

Masyadong mapapel ang karamihan kaya maraming mga tao ang nawawalan ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang nasimulan nila.

After knowing everything, I can't feel myself anymore. Ang gusto ko na lang ay magpahinga sa maingay at nakakapagod na mundo.

After all, I think I deserve to be happy.

"AHHHHHH!" sumigaw ako nang malakas. Patuloy akong kinunsumo ng mga pinag-usapan namin ni Tita Stella kani-kanina lang.

"Si Lorenzo... siya ang tao sa likod ng pagkamatay ni Andra."

"N-Naniwala akong, ako ang may kasalanan ng lahat..." Tumulo muli ang aking luha. "Why are you so cruel, D-Dad? B-Bakit... Paano mo nagawa 'y-yon?!"

Now, I realized why my father easily laid his hand on me. Ang dali niyang pagbuhatan ako ng kamay dahil alam niyang natatakot ako sa kanya. Alam niyang hindi ako manlalaban dahil ang buong akala ko, may atraso ako sa kanya.

Things turned out worst.

Things turned out astonishing.

"What a great shit..." I whispered myself.

Umupo ako sa balkonahe kahit alam kong delikado. Agad na tinangay ng malakas na hangin ang nakalugay kong buhok pero hindi ako bumaba. Mas ayos na rin kasing maging karamay ko muna ang kadiliman sa mga panahong ayaw kong magpakita sa maraming tao.

Nakatitig lang ako sa kawalan habang iniisip ang mga posibleng desisyon na gagawin ko, ngayon na alam ko na ang lahat.

Natawa na lang ako sa sarili nang maisip na mag-isa na naman akong haharapin ang mga ito. Na kahit sabihin ng ibang tao na hindi sila aalis, na andyan lang sila palagi... at some point of our life, only our self could save us from getting drowned.

People tell the biggest lies when they say that no matter what happens, they'll stay... because after a long day, you have no one left but yourself.

Only yourself... all over again.

Napalunok ako nang bigla akong salubungin ng malamig na hangin sa muli kong pag-angat ng tingin. Tumingin ako sa buwan at mga bituin.

I closed my eyes, praying to stop the pain even just for a while.

Reminiscing The Blueprints (COMPLETED)Where stories live. Discover now