Chapter 1

238 3 0
                                    

Bumuntong hininga ako at binalik ulit sa bookshelf yung binabasa kong pocket book. Happy ending na naman. Sa totoong buhay kaya pwede magkaroon ng happy ending? O kaya naman ng FOREVER? 


Pumunta ako malapit sa bintana at umupo sa sofa para sumilip sa bintana at pinagmasdan ang mga bituin. 


"Makakakilala din ba kaya ako ng isang lalaki tulad ng mga nababasa ko sa wattpad? Mukhang malabo dahil sa totoong buhay ay iiwanan ka din nila. Babalewalain ka din. Ipagpapalit ka din sa iba. Pare-parehas lang sila.

Wala rin naman nag-e-exist na mga tulad nila."sabi ko sa aking sarili habang 

nakatingin sa mga bituin. Sana buhay pa mama ko para maikwento ko sa kanya ang masasaklap kong lovelife tapos hihingi ako ng payo sa kanya. 


Bukas babalik na ako sa Cavite sa bahay namin ni mama. Napa-ngiti ako ng 

bahagya. Sa wakas, makakabalik na ulit ako matapos ang isang taon. Isang taon na pakiramdam ko pinapatay ako unti-unti. Isang taon na puno ng pagsisi sa

 isang bagay hindi ko naman  ginawa. Isang taon na palagi kong hinihiling na sana makaalis na ako dito. Ayoko na magtagal pa dito kahit isang segundo lang. Hindi naman ako inaapi kaso nasasaktan ako sa mga naririnig ko at naiinis ako sa gusto nila na ayaw ko naman. 


Alam kong nakakabuti sa akin yung ginagawa nila pero ayoko ng pinipilit ang hindi naman gusto. Wala akong pakialam kung isipin man nila na nag-iinarte ako. Basta ako gusto ko simple lang ako. Ayoko 

magsalita kasi ang dating sa kanila sumasagot ako sa matanda. Kahit naman subukan ko sabihin ang gusto ko, ayaw nila kahit naman alam nila walang masama dito.


Pakiramdam ko para akong isang 3-years old na kailangan bantayan at

 pagbawalan sa lahat ng bagay. Dito ko naramdaman na walang naniniwala sa akin kahit nagsasabi ako ng totoo. Dito ko naranasan magsisi sa isang bagay na hindi ko ginawa at hindi ko kayang gawin. Hindi ako bagay sa lugar na ito. 


Pumunta na ako sa higaan ko. Nagdasal muna ako at nagpasalamat dahil babalik na ulit ako sa Cavite. Sana maging ok na ang lahat. Sana mahanap at maibalik ko na ang dating Chase dahil hindi na ako ito. Natatakot na ako mapalapit at mahulog ang loob ko masyado sa mga tao kahit pa kamag-anak ako lalo na

 sa isang lalake. Natatakot ako iwanan ulit sa huli. Mukha man na parang wala lang sa akin pero deep inside sobrang apektado ako.


Sobrang nasaktan na ako minsan kaya pag alam ko na napapalapit na ang loob ko masyado kahit kaibigan ko lang siya ay umiiwas na ako hanggang sa iwan nila ako hangga't maaga mas mabuti na umiwas para konti lang ang sakit na mararamdaman kaysa patagalin pa. Naging ganito lang ako simula ng mawala mama ko, iwan ako ng mga naging  kasintahan ko at traydorin ng isang malapit na kaibigan. 


Matagal ko na hindi nakikita papa ko. Hindi nga niya alam kung kailan ang birthday ko. Yung kinikilala ko naman ate hindi ko pwede pagkatiwalaan kasi hindi ko gaano close kaya hindi ko alam ang tunay na ugali niya. Hindi ko alam kung sino pwede kong pagkatiwalaan kasi kung sino pa kadugo ko yun pa ang hindi pwedeng pagkatiwalaan. Siguro pili lang. 

Akin ka lang, may aangal pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon