Chapter 39

12 0 0
                                    

Chase's P.O.V


Nagtulog muna ako habang wala pa si Lance dahil ang sakit na ng ulo ko sobra. Malapit na lumubog ang araw pero wala pa rin si Lance dahil malayo pa raw siya. Lumabas na ako ng kwarto ni Baho at pinilit nila ako na kumain muna.


Nag-movie marathon kami ESTE ako lang pala kasi natulog si baho. Ilang movie na napanuod ko pero wala pa rin si Lance. Siguro gutom at pagod na yun. Na-traffic daw siya sa Guyong. 


Kalahating oras pa bago siya nakarating sa sinasabi kong kanto kung saan ko siya susunduin. Sinabi ko kay Mary na nandoon na si Lance kaya lumabas na kami ng bahay nila. Dapat ako lang ang susundo kaso nung sinabi ko na lalakarin ko na lang kaya sumama na si Mary sa akin. Ahahahahaha...mahal na mahal talaga ako ng bestfriend ko kaya love ko din siya eh. Syempre si Lance din love ko.


"Nasaan na siya?" tanong ni Mary nung nasa may kanto na kami. Nakita ko agad si Lance kahit nakatalikod ay nakilala ko na agad. Syempre ako pa. Mahal ko iyan eh. Yan tayo eh. Yiheee.


"Ayun oh.." sabi ko habang itinuro ko kay baho si Lance. Nilapitan na namin si Lance. Pag kaharap ni Lance, nakita na din niya ako. Niyakap ko agad siya ng mahigpit. Miss na miss ko na talaga ang lalakeng ito. Hinalikan ko siya sa leeg. Ahahahaha... Naughty Chase. Sorry naman.


"Miss na kita." bulong ko sa kanya.


"Miss na din kita." sabi niya sa akin habang yakap pa rin niya ako. Humiwalay na ako sa kanya baka ano pang magawa ko sa kanya. Rated PG 13 lang dapat ang PDA kapag in public. Ahahahahaha...


"Si Baho nga pala." sabi ko. Alam naman ni Lance ang full name ni baho kaya no need to say it.


"Ako nga pala si Lance. Ikaw si Mary, di ba?" sabi ni Lance. Sabi sa inyo, alam niya. 


"Oo. Hi!" sabi ni Mary.


"Halika na." sabi ko. Nakapulupot ang braso ko sa braso ni baho tapos ang isang free hand ko ay hawak-hawak na ngayon ni Lance habang naglalakad kami papunta sa bahay nila baho ay binubully nila ako. TT^TT Oo, binubully nila ako. Magka-tandem yata itong dalawa. Sabi na eh, magkakasundo sila agad kasi parehas silang BULLY. >3< Ganun daw nila ako kamahal. Kawawa naman ako. Humanda sa akin si Lance pag uwi namin sa kanila.


Nanuod muna kami ni Lance ng Big Hero 6 sa PC nila Mary kasi nagluluto pa lang ng hapunan ang mommy ni Mary. Si Baho naman busy...busy sa paglalaro. Pinagpalit na talaga ako sa Clash of clans. Itong si Lance naman nagsimula na naman ako asarin nung nakita si Baymax. =____= Pigilan niyo ko. Pigilan niyo ko. Sasabunutan ko itong mahal ko.


Mga 10 pm na siguro nung nagsimula na kami bumiyahe papuntang Nueva Ecija kahit na gabi na ay saksakan pa rin ng traffic. Nakarating na siguro kami sa kanila mga 4:30 am. Nagmano ako sa mama ni Lance nung ginising namin siya para ipaalam na kakarating lang namin at nagpaliwanag si Lance kung bakit kami natagalan tapos sabi na lang ng mommy niya ay matulog na kami. Magkatabi kami natulog ni Lance. Hindi din kasi namin alam kung saan ako matutulog. Grabe pagod na pagod na kami. Wala naman kami masyadong ginawa ni Lance sa mga sumunod na araw. 


Sabi ko huwag siyang matutulog kasi malapit na ang anniversary namin at may pustahan pa kami na kung sino makakatagal sa panunuorin namin na horror movie pero sabi niya nanlalambot siya kaya matutulog muna siya. Gisingin ko na lang daw siya. Tinapos ko na lang yung pinapanuod kong Into The Woods kahit napapangitan na ako kaya ko lang naman tinapos kasi wala naman ako ibang gagawin habang naghihintay na mag-12 am.


At dahil 2 minutes advanced ang laptop ko, 12:02 am ko ginising si Lance. Hinanda ko muna yung papanuorin namin.


"Lance..Lance.." sabi ko sa kanya.


"Hmmmm.." iyan lang sagot niya. Kahit kailan talaga napakamantika matulog ni Lance.


"Gising na.. 12 am na." sabi ko habang niyuyugyog ko yung balikat niya.


"Oo, matutulog muna ako." sabi niya. Aba't! Tinalikuran pa ako.


"Manunuod pa tayo di ba ng horror movie. Gising na sabi." sabi ko. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa magising siya.


"Oo, gising na. Sige manunuod na tayo." sabi niya. Lumapit ako sa kanya at nilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya. Nilapit ko ng konti ang mukha ko sa kanya.


"Happy 1st anniversary, mahal ko." sabi ko tapos hinalikan ko siya sa labi saglit.


"Happy 1st anniversary din mahal." sabi niya at hinalikan din ako. Umupo ako tapos si Lance nakapatong ang ulo sa hita ko.


"Hoy! Lance, gising ka ba?" sabi ko sa kanya. Sinigurado ko lang na gising siya baka manduga eh.


"Oo." sabi niya. Aba't feel na feel gawing unan ang hita ko. P-nlay ko na yung papanuorin namin. Naramdaman ko na nabuhay ng dugo ng instant si Lance. Tinakpan niya ang mukha niya ng unan ng saglit at humarap ulit sa screen ng laptop.


Hulaan niyo nga kung ano nakita niya?

Akin ka lang, may aangal pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon