Epilogue

40 0 0
                                    

PAG-IBIG

Isang salita na may milyung-milyon na ibig sabihin. Hindi mo kailangan tumingin sa diksyunaryo o kahit pa magtanong kay Mr. Google kasi hindi naman nila kaya ipaliwanag sayo ang salitang pag-ibig at kung anong magiging kahihinatnan nito. Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari.


Delikado kung makikipaglaro ka lalo't pa ang kakampi nito ay ang tadhana. Ano magiging laban mo? Hindi ka pwede mandaya at magsinungaling dahil sinisiguro ko na uuwi kang luhaan.


Masayang umibig pero syempre palaging akibat nito ang magkakambal na  lungkot at sakit. Hindi ko sinasabi na huwag ka na magmahal para hindi mo maranasan dahil kusa kang magmamahal sa ayaw o sa gusto mo.


Huwag kang maging mahina. Matuto kang lumaban kung alam mo nasa tama ka at may pag-asa pa. Huwag mo ipagpilitan ang sarili mo sa tao ayaw sa'yo o hindi na pwede dahil darating ang para sa'yo. Matuto ka lang maghintay.


Hindi naman ibig sabihin na kung marami ka na naging kasintahan ay marami ka ng alam. Hindi naman ibig sabihin na kung maraming beses ka na nasaktan ay maaari mo na pangunahan ang susunod na lalapit at magtatapat sa'yo. Hindi naman ibig sabihin na kung first time mo pa lang ay ibibigay mo na lahat. Matuto ka magtira para sa sarili mo at sa iba.


Hindi ito isang biro. Hindi ito isang laro. Hindi mo pwede i-restart pag ayaw mo na. Hindi mo pwede iwan na lang ng basta kapag ayaw mo na. Hindi mo pwede ibigay o hayaan kunin ng iba pag sawa ka na o wala kang oras. 


Hindi lahat ay makukuha at mangyayari agad-agad. Ano ba nais mong piliin na daanan tatahakin mo kung sakaling pinapili ka? Ang marumi pero maiksing daanan o ang malinis ngunit mahabang daanan? 


Hindi lahat ng relationship ay nauuwi sa happy ending. Minsan makakakilala ka muna ng mga tao hindi nakalaan sa'yo at masaktan bago mo makilala ang tao nakalaan sa'yo at magiging masaya kasama niya.


Minsan ang iniisip natin na hindi makatotohanan at sa mga palabas lang pwede mangyari pero ang hindi natin alam ay pwede din mangyari at maranasan ng bawat isa sa atin sa totoong buhay ang mga love story na nababasa natin at napapanuod... in the best version by God, of course. 


Ang long distance relationship ay bagay sa mga tao marunong makuntento at maghintay. Hindi ko sinasabi na ang LDR ay para lang sa mga pili na tao lang dahil maraming tao ang naka-LDR pero hindi lahat ay natatagalan ito. Ang bagay na dalawang tanong lang dyan ay: "Paano mo masasabi na mahal mo nga ang isang tao kung sa DISTANSYA niyo lang ay suko ka na?" at "Paano mo nasasabi na hindi mo kaya kung hindi mo pa nasusubukan?"



Hindi man ito ang pinakakakilig na kwento tulad ng iba. Hindi man ito ang pinakamagandang love story na gusto ng iba pero isa lang ang masasabi ko, MAKATOTOHANAN ito kahit sa iba ay para ito isang panaginip lang na hindi pwede mangyari. Ang kwento namin ni Lance ay magulo dahil sa mga situation at mahirap. Isa sa nagpapahirap sa relationship namin ay DISTANCE. Pinapatibay namin ang relasyon namin gamit ang tiwala at katapatan sa isa't isa.


"Binago niya ang mundo meron ako noon. Binago niya ang pananaw ko sa lahat lalo na sa pag-big. Ang tingin ko sa love noon ay isang pesteng sakit tulad ng cancer kasi sobrang sakit at mas gugustuhin mo pa sumuko na lang kaysa lumaban pero ngayon, ang tingin ko sa love ay isang bituin na magbibigay ng direksyon sa buhay ng bawat tao, palaging nandyan at hindi ka iiwan, may kakayahan na baguhin ka at higit sa lahat, magbibigay liwanag at buhay sa madilim mong mundo." - Charlene Serenity Royal


"Ang pag-ibig ay parang isang online game lang para sa karamihan na pwede mong i-restart pag ayaw mo na at magpalit ng character pag sawa ka na at para sa akin din pero hindi para mag-restart o magpalit ng character dahil ang totoong gamer ay hindi sumusuko kahit anong mangyari, hindi iiwanan ang kasama niya sa gitna ng laban, lalaban hanggang sa huli at hindi hahayaan na matalo siya sa laban. Hindi ko maipapangako na magkakaroon kami ng isang mala-fairytale na love story na may happy ending because true love never ends. " - Lance Andrew Smith


"Basta tandaan mo kapag nagmahal ka ihanda mo na sarili mo at ang puso mo. Ingatan mo kung anong meron ka baka magsisi ka sa huli. Huwag kang maghanap ng wala. Buksan mo ang puso at isip mo baka nasa paligid mo lang pala ang "The One"."- eirathecrazygirl


THE END


Akin ka lang, may aangal pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon