Chapter 30

16 0 0
                                    

Lance's P.O.V


Ang sarap sarap ng tulog ko tapos may mambubulabog ng tulog ko. Utang na labas naman oh! Nagsimbang madaling araw ako eh tapos wala ako tulog kasi nag dragon nest ako! Ginigising ako ni Ate Nicole, asawa ni kuya Johnathan.


"Lance! Lance! Si Charlene nandito!" sabi ni Ate Nicole. Huh? Si Charlene nandito? Eh December 24 pa siya pupunta dito at ako ang susundo sa kanya? Matulog ka lang, Lance, nagbibiro lang si Ate Nicole.


"LANCE! Lumabas ka na dyan nandyan si Charlene Royal!" sabi ni Ate Nicole. Bumangon na ako kahit inaantok pa ako. Mukhang hindi ako titigilan ni Ate Nicole. Lumabas na ako ng kwarto ni mama. Dito ako natulog tinatamad na kasi ako pumunta sa kwarto ko.


Napatigil ako. Bumilis tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Nandyan nga siya. Ang taong mahal ko. Akala ko binibiro lang ako ni Ate Nicole. Dahan-dahan ako naglalakad papunta sa kanya. Sa kanya lang ako nakatingin at pinagmamasdan ko siya. Ang ganda niya at ang chubby niya talaga. Ahahahaha... Lalo tuloy ako nai-in love sa kanya. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Bahala na.


"Ako ba hinahanap mo?" sabi ko. Tumungo lang siya tapos biglang natawa. Ang cute! Pagkatapos ko kunin ang mga bag niya at nagpaalam na siya sa kaklase niya. Pumasok na kami at umupo sa sofa. Hindi ako makapaniwala na katabui ko na ang babaeng mahal ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Ang cute din ng kamay niya. Maliit, malambot at medyo mataba. Walang nagsasalita sa amin kaya ako na ang unang nagsalita.


"Akala ko talaga binibiro lang ako ni Ate Nicole kanina na kesyo daw ay nandyan na si Charlene. Ang alam ko kasi na pupunta ka dito ng December 24 tapos susunduin kita." sabi ko. Tumingin lang siya sa akin.


"Sabi ko naman sa'yo di ba na pupunta ako ng December 22 kahit anong mangyari kasi mahirap bumyahe pag December 24." sabi niya. Pinaglalaruan ko yung kamay niya. 


"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sobrang saya ko kasi nakita na kita. Kung dati, sa tawag at skype lang tayo nag-uusap. Ngayon, nahahawakan ko na kamay mo at nandito ka na." sabi ko sa kanya. Walang tao dito ngayon sa sala. Nagulat ako nang halikan niya ako. Bumilis tibok ng puso ko kahit sa bandang noo lang niya ako hinalikan. Hindi ko alam kung bakit at ano pumasok sa isip ko. Dahan-dahan ko hinarap ang mukha niya sa akin gamit ng isa ko pang kamay at hinalikan ko siya sa labi. Saglit lang naman syempre baka may makakita ei. Siya ang first kiss ko. Ilang minuto din kami nakaupo. Ako nakasandal sa balikat niya. Ayoko na yata bitawan ang kamay niya.


"Lance, pakainin mo muna si Charlene." sabi ni Kuya Johnathan na kakalabas lang.


"Tara. Tada. Itlog at longganisa lang ang ulam namin. Pasensya na. Ahahahaha" sabi ko. Mukha ako ewan pero okay lang. Ang tahimik niya. Magsasalita lang siya pag may tinanong ako.


"Paano mo nga pala nalaman bahay ko?" sabi ko pagkatapos ko sumubo ng kanin.


"May complete home address mo ko yung sa pinasagutan ko sa'yo noon tsaka alam ko ang itsura ng bahay niyo. Bintana pa lang ay alam ko na." sabi niya. Ahhh.. Oo nga pala may pinasagutan siya sa akin noon. 


"Itsura ng bahay namin? Bintana? Aling bintana?" sabi ko na may halong pagtataka at curiousity na rin.


"Oo, nakita ko sa pictures tapos yung bintana niyong basag." sabi niya. That's makes sense.


"Ah. Dinownload mo nga pala mga pictures ko sa facebook. Buti hindi ka nahirapan na hanapin ito. Paano ka nga pala nakapunta dito?" tanong ko. 


"Nag-arkila lang kami ng tricycle. Hindi ko kasi alam papunta dito tapos wala ka cellphone." sabi niya tapos tahimik na ulit. Napapansin ko na nakatingin siya sa akin habang kumakain ako. 


"Bakit?" sabi ko.


"Wala." sabi niya tapos tumawa na naman siya. Nahahawa ako sa tawa niya. Inalok ko pa siya ng pagkain kasi ang konti ng kinain niya sabi ko huwag siya mahiya pero sabi niya konti lang talaga siya kumain. Naisip ko na lang na baka nahihiya.


Akin ka lang, may aangal pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon