Chapter 3

68 1 0
                                    

**You have a message!**

Sender: +639*********

Name: Lance Andrew Smith

Age: 18 y/o

Sex: Male

Location: Nueva Ecija


Siya yung kanina na kachat ko sa facebook. Akala ko hindi na siya interesado sumali sa BFO. Pinawelcome ko agad siya pagkatapos ko mag- fb. Binigyan ko 

siya ng R&R , cp. #s ng members at ng mga OIC.


Kanibukasan...


Maaga agad akong umalis ng bahay ni lola. Ayaw pa nga niya na dalhin ko yung mga gamit na naiwan ko. Nakakahiya naman daw kung pupunta ako sa birthday ng bestfriend ko kung ganun ang itsura ko na mukhang Christmas tree dahil sa dami ng bag na nakasabit sa akin. Ang sabi ko na lang sa kanya ay ok lang yun at kaya ko naman. Wala na siya nagawa sa huli. Mas ok na yung dalhin ko na lang para hindi na ulit ako babalik dito upang kunin ang mga natira kong mga gamit.


Gumaan agad pakiramdam ko nang makaalis ako. Pakiramdam ko ako na ulit ito. Pakiramdam ko din na malaya ako at wala nakapulupot na lubid sa akin. Kung may nakakaalam lang kung ano nararamdaman ko pag nandun ako sa lola ko, siguro iba na yung tingin nila sa akin o kaya naman parang ang babaw ko naman pwede ding ang liit naman ng dahilan ko. Sana lang pag may nakaalam ng nararamdaman ko ay maintindihan niya ako.


Hindi naman nila ako naiintindihan kahit pa sa mga ibang bagay. Ugali na nila na ipilit ang gusto nila kaysa pakinggan yung opinion ko ni gusto ko para sa sarili ko. Sino pa nga naman ba ako? I'm no one. Magsasabi sila na mahal nila ako samantalang di naman pinaparamdam. Madali sabihin ang mahal kita pero hirap patunayan. Sasabihin nila mahal nila ako? Kailan? Pag tinutulungan ko sila? Pag nabibigyan ko ng pera?


Ang gulo talaga nila. Hirap mag-adjust pag ganito ang sitwasyon mo. Gusto ko

 naman sila pero hindi ko mahal. Hindi kasi malapit loob ko sa kanila. Hindi ko 

naman din sila lubos na kilala. Baka kasi nagtitiwala ka nang sobra, inaahas ka na pala. Sama ko ba magsalita tungkol sa mga kadugo ko? Oo, inaamin ko pero hindi mo ko masisi dahil naranasan ko na minsan yun. Huwag niyo na alamin kung kailan at paano nila ginawa.


Kasalukuyan na ako naglalakad papunta sa bahay ng bestfriend ko sa Tierra. Nakaka_relax talaga pag naglalakad ka sa ganitong lugar. Katamtaman lang ang hangin hindi ganun kalamig o kainit. Tahimik at malinis ang paligid.


Nasa kanto na ako ng Forget Me Not Street ng may na-receive akong text

 message. Kanino naman kaya ito galing.


Sender: Lance Andreiw Smith

Sino Pwedeng tawagan?

GM.


Ah. Si newbie pala yun nagtext. 


To: Lance Andreiw Smith

Ako. Pwede.


Gusto ko marinig boses niya. NAKU naman. Bakit naisipan kong gawin at isipin yun? Aish. Minsan talaga hindi ko maintindihan sarili ko. Ang balak ko ngayon birthday ng bestfriend ko ay wala muna clan at wala muna ako itetext or kakausapin na member pero nagtext ako na pwede niya ako tawagan. Nakaka-abnormal lang eh noh?


Isang minuto lang siguro ang lumipas pagkatapos ko i-send 'yon ay tumawag 

na siya. Unang beses ko pa lang narinig ang boses niya. Unang beses ko pa lang siya makakausap sa tawag. Pero bakit ganito? Bakit ang gaan-gaan ng loob ko 

sa kanya? Bakit comfortable agad ako samantalang ito ang unang beses na nagkausap kami? Weird. I felt like I knew him already and also I felt the strangest feeling I ever felt. My heart suddenly beat fast for someone I don't even knew and I just met. As if there's some kind of special connection between us.


Masaya ako kausap siya hanggang sa makarating at makapasok ako sa bahay ng bestfriend ko. Nabitin pa nga ako dahil saglit lang kami nagkausap. 


"Gawa na tayo ng graham balls?" sabi ni Mary. 


Si Mary Suzzane Castro ang 1st bestfriend ko. Nakilala ko siya noong January 7,2014. Nagsimula kami maging matalik na magkaibigan nung nanikip dibdib ko at hirap na hirap na ako huminga.


FLASHBACK...


Dinala ako ni Mary sa acting clinic ng school namin kasi naninikip ang dibdib ko at hirap na hirap akong huminga. Tumabi sa akin yung school nurse habang nasa tabi ko pa rin si Mary.


"Kaano-ano mo siya?" tanong ni Mrs. Lomocso si Mary.


"Bestfriend niya po." sabi ni Mary. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Kung hindi lang sana ako inaatake ng chest pain ko, siguro niyakap ko na siya ng mahigpit. BESTFRIEND na niya ako. 


END OF FLASHBACK


At doon nagsimula na maging matalik na kaibigan kami.


Inilagay ko sa bag yung cellphone ko para makagawa na kami ni Mary ng graham balls. Nang tignan ko yung cellphone ko may 2 missed call. Hindi ko namalayan na naka-ngiti na pala ako. Hulaan niyo kung sino yung tumawag pero di ko

 nasagot dahil naka-silent cp ko. One word. LANCE. 


Ewan ko ba kung bakit. All I can say to it is that it is UNEXPLAINABLE. 

Akin ka lang, may aangal pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon