Chapter 18

24 0 0
                                    

Charlene's POV


Pakiramdam ko parang kahapon lang ay sinagot ko siya. Ngayon, kakatapos lang ng third monthsary namin. Ano na lang kaya bukas? Mag-asawa na kami tapos sa susunod na araw buntis na ako. Next week, may isang dosena na kaming anak ni Lance. Ganun ba?! Ha?! Ha?! O_o Ahahahahaha... Ang OA ko lang. Grabe naman imagination ko. Super fast forward yung ginawa ko. Hayaan niyo na ako dahil minsan lang naman. Peace yow (^____^)v


Pasensya na at lutang na naman si ako. Nasobrahan sa Lance-tamol (paracetamol). Pati yata puso ko ay lutang na at nakarating na sa lalala land ko.


Hay kailan ko kaya makikita in person si Lance? Lord, please naman po makita ko na siya para mayakap ko na siya. T^T Hay sa ngayon focus muna ako sa gagawin ko pero bago ako mag-focus ay mag f facebook muna ako. Madaling araw na. Buti na lang at walang pasok ngayon kaso bukas mayroon na. =____= bigti na this. Joke lang kayo naman oh. Dami naman kasi pinagawa. Yun tayo eh.


Nakatulog pala ako habang naka-upo ako. Kakahintay sa reply ni Lance ay nakatulog na ako. Pag gising ko, sakit ng ulo ko. Feeling ko nakatagilid yung ulo ko at ang bigat pa ng pakiramdam ko. Rak na ito. Pinatay ko na muna si Lappy at mamaya na lang ulit ako mag-iinternet tutal MIA (Missing in action) na si Lance.



6:25 am


Nagising ulit ako at tumingin sa orasan. Ang sakit pa rin ng ulo ko. Tinawag ko si Tita Elaine."ATE ELAINE!" sigaw ko habang nakapikit pa rin ako.



"Bakit, Chase?" sabi ni tita nang makapasok siya ng kwarto ko. 



"Paki-check naman po kung may lagnat ako.." sabi ko habang binalutan ko pa lalo sarili ko ng kumot. Ginawa naman agad ito ni tita.



"Wala naman." sabi ni tita pagkatapos niya i-check.



"Sakit po ng ulo ko pati." sabi ko habang hawak ko noo ko.



"Gusto mo ng biogesic?" alok ni tita sa akin. 


"Sige po." sagot ko. 


"Sige pabili ako kay Kuya (Tito) Henry mo." sabi ni tita sa akin. Lumabas na siya at tinawag si tito. 


Ilang minuto ang lumipas, naramdaman ko na may pumasok sa kwarto ko. Nakita ko si tita na may dalang gamot at tubig na maiinom. "Chase, ito na oh. Pagkatapos ay magpahinga ka ulit." sabi niya habang inaabot sa akin yung dala niya. 


Akmang ibibigay ko ulit kay tita yung baso. "Uminom ka pa ulit, Chase. Sige na." sabi ni tita. Sinunod ko naman siya. Hindi kasi ako mahilig uminom ng tubig kaya nagde-de-hydrate ako.


"Thank you." sabi ko pero hindi ko alam kung narinig niya kasi umalis agad siya. Bumalik ulit ako sa pagtulog.


Tanghali...


Tinanghali na ako ng gising. Napasarap ang tulog ko. Wala na yung sakit ng ulo ko pero parang hindi maganda ang pakiramdam ng dibdib ko. Feeling ko parang may mali at hindi maganda ang nararamdaman ko.


Nagluluto pa sila tita nang lumabas ako ng kwarto ko. Pumunta ako sa sala. Nang makita ako ni tita na gising na ay dinalhan niya ako ng pritong saging. Kinain ko agad ito. The best kaya ang luto ni tita kaso hindi ko naubos kasi lumalala yung sama ng pakiramdam ko. 


"Kakain ka na ba , Chase?" tanong sa akin ni tita. 


"Maya na lang po. Masama pa pakiramdam ko." naka-ngiting ngunit matamlay na sabi ko kay tita.


"Sige. Tawagin mo na lang ako kapag kakain ka na ah." sabi ni tita sa akin. 


"Sige po." sabi ko. Sinimulan ko na yung mga projects and assignments ko pero sadyang hindi nakakikisama ang panahon sa akin. Ang sama na talaga ng pakiramdam ko.


Nag-decide ako na maya ko na lang mga 3 pm ipagpapatuloy at magpapahinga muna ako. Humiga ako sa sofa. Hindi ako makatulog. Hindi din ako makapali. Sinubukan ko umayos ng higa kaso wala pa rin.


Sumigaw na ako dahil hindi ko na kaya. "ATE ELAINE!" Lumapit agad si tita. Napansin niya agad na hindi na maganda ang pakiradam ko. Umupo siya sa may tabi ko.


"Anong masakit sa'yo?" nag-aalalang tanong ni tita sa akin. Hinawakan ko ang chest ko. Umiiyak na ako. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Gusto kong tanggalin ang puso ko para lang mawala ang sakit na nararamdaman ko.



Nilagyan na ako ng Vicks pero hindi nawala. Pinainom ako ng parang oil na gawa nila na ginagamit nila pag may masama ang pakiramdam. Hindi nawawala ang sakit lalong sumasakit. Hindi ako mapakali sa pwesto ko. Nakita kong naiiyak na tita ko pero pinipigilan lang niya. 


Umalis muna siya. Narinig ko na sabi niya sa tito ko. "Henry, tawagin mo nga yung kapatid ko at papuntahin mo dito. Bilisan mo!" sabi ni tita. Agad na umalis ang tito ko. Bumalik si tita sa tabi ko. Pinahimas ko ang chest ko. Ginawa naman agad ito ni tita. Nawawala naman ng konti ang sakit.


Lord, please sana po mawala ang sakit. Hindi ko na kaya. Nagdadasal ako ng tahimik habang umiiyak. Hindi umalis sa tabi ko si tita.


Akin ka lang, may aangal pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon