Nang buo na ang desisyon ko, kinuha ko 'yon cellphone ko sa may kama at tinawagan si Jeff. Ilang ring ang lumipas ay sinagot na niya ito.
"Oh? Bhe, napatawag ka?" sabi niya sa akin pagkasagot niya ng tawag.
"...." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya kasi masasaktan ko siya.
"Bhe?" sabi niya na may halong pag-aalala dahil hindi pa nga ako nasagot.
Bumuntong hininga muna ako.
"Sorry pero...." sana maging ok ang lahat. "...maghiwalay na tayo." Desidido na talaga ako na ituloy ito.
"B-bakit? B-bhe? Hindi mo na ba ako mahal?" This is why I don't like to
initiate this break up thingy parang gusto mo bawiin yung mga sinabi mo kaso kailangan talaga kasi hindi naman totoo yung mga nararamdaman mo sa
kanya.
"Mahal naman kita... Kaso pang-kaibigan lang. Iniisip ko palagi kung ano
ba talaga nararamdaman ko sayo..kung mahal ba talaga kita as a special someone or not..." Ipinaliwanag ko lahat sa kanya lalo na yun totoong nararamdaman ko sa kanya.
"Please, bhe.. Wag mo ko iwan. Magbabago ako kaya please wag mo na ako iwan. Magtitiwala na ako sayo. Hindi ko alam kung ano gagawin ko pag nawala ka sa akin. Hindi na ako nagseselos, diba? Bakit? Bakit, bhe? Mahal na mahal kita. Dahil ba ito kay Harris? May iba ka ba dyan sa Cavite?" nagmamakaawang sabi niya.
"Binigyan kita ng chance. Maraming pagkakataon na ang sinayang mo. Ginawa ko lahat. Hindi ito dahil kay Harris. Wala rin akong iba.Hindi naman kita iiwan eh. Wag ka mag-alala nandito lang ako para sayo pero bilang
kaibigan lang." sabi ko. Hindi ko alam kung saan ko nahuhugot ang lakas ko para sabihin ang mga iyon sa kanya. I don't like hearing nor seeing someone crying because of me.
"Yan ba talaga gusto mo?" sabi niya sa akin. Lord, sana maging ok lahat. Sana wala mangyari masama sa kanya.
"Oo." Gustuhin ko man na wag makipaghiwalay kaso ayoko ng ganito. Hindi ito tama. Hindi ko na kilala sarili ko pag ipagpapatuloy ko pa ito. Ayoko makipaglokohan sa kanya. Ayoko magsabi ng "I LOVE YOU" ng hindi ko naman kayang panindigan.
"Sige, friend. Bye." pinatay niya yung tawag. Mali ba ginawa ko? O tama? Hindi ko alam. Basta ang gusto lang ng puso at isip ko na matapos na ang lahat ng ito dahil pag pinatagal ko pa ito hindi lang siya niloloko ko pati na rin ang sarili ko. Naguguluhan pa ako sa mga nangyari sa buhay ko. May missing piece pa rin sa puso ko. And I don't know what is it.
Ilang araw na ang lumipas mula ng pangyayari na yun. Hindi na siya masyado nagpaparamdam sa akin sa tawag o kaya sa text. Sana okay lang siya.
Ngayon, busy ako sa paghahandle ng clan na ibinigay sa akin ng isang kaibigan ko noong Marso 8, 2014.
April 8, 2014. Nang pumunta ulit ako ng Bulacan para sa birthday ng bestfriend ko sa April 9. Nakitulog ako sa bahay nila lola. Kakatapak ko pa lang sa teritoryo ni lola ay gustong-gusto ko na umuwi sa Cavite pero wala ako magagawa
dahil kailangan ko para sa bestfriend ko. Bago ako matulog, nag-post ulit
ako ng clan form sa facebook nang may nag-PM sa akin sa facebook:
Conversation started April 9
Lance Andrew Smith
Hello po
Charlene Royal
Hi
Lance Andrew Smith
Anung clan po ba un??
Charlene Royal
Best friend organization.. About friendship and fun na din...ehehe
Hindi na siya nag-reply siguro hindi na siya interesado sumali.
**You have a message!**
BINABASA MO ANG
Akin ka lang, may aangal pa ba?
Romance[Based from a true story] Paano na lang pag may dumating sa buhay mo sa panahon na ayaw mo na at takot ka na buksan muli ang puso mong sarado na para sa iba? Magbabago pa kaya ang pananaw mo sa pag-ibig? Handa ka na ba muling sumugal sa isang napaka...