Chapter 21

21 0 0
                                    

Charlene's POV


Ilang araw na mulang ng ma-confine ako. Hindi muna ako pinapasok sa eskwelahan at baka daw kasi mabinat ako. Magpahinga muna daw ako. "Punta ako sa inyo ah.." sabi ni Bryan. "Ikaw bahala." sagot ko.


Bryan Vincent Casura. Turning twenty years old this year. Isa sa mga clan members ko mula nung buo pa ang BFO at nung nabuo ang AMWLC. Unfortunately, may gusto siya sa akin at gusto niya ako maging girlfriend. Ka-sadnu pero alam niya na may boyfriend ako. Baka iniisip niyo na two-timer ako or what. Ngayon pa lang, sasabihin ko na mali ang iniisip niyo. Hindi ako ganoon. Atin - atin lang ito ah pero alam din naman ni Lance ito... Ahahahahaha... Alam niyo naman na wala ako tinatago sa lalake na yun. Mahal ko 'yon e. Yan tayo eh. Hindi ko talaga alam kung bakit sila nagkakagusto sa akin kahit pa alam nila na may boyfriend na ako mapilit pa rin sila. Turuan daw ba ako na maging two-timer. Buti na lang matino pa rin ako mag-isip kaya ang ginagawa ko ay nirereject ko o kaya nag lelecture tungkol sa true love.


"Magdadala ako ng prutas. Ano ba gusto mo?" tanong ni Bryan sa akin. 


"Seedless grapes." sagot ko. Niyaya niya ako noon na lumabas kami at manuod ng sine kasi nainggit siya sa isang kaibigan kong lalake na kasama ko noon manuod ng talk back and your dead. Eh gusto din ng mokong na ito manuod din kami ng sine dahil na-confine ako ay hindi natuloy kaya heto bibilhan na lang ako ng prutas at pupunta pa sa bahay ko. "Ah sige." masiglang sagot niya.


Hay anak ng tipaklong lang. Dapat si Lance ang kauna - unahang lalake na dadalhin ko dito sa bahay at ipakikilala kaso wala eh mapupunta na sa iba na naman. Sarap sapakin ng kapalaran lalo na sarili ko. Hindi ako marunong tumanggi baka kasi umiyak ulit si Bryan at magdrama. Oo, madrama ang lalake na 'yon. Tsk tsk.


Ilang oras makalipas ay nandito na siya sa bahay. Tinuturuan ko pa rin siya kahit na... Kahit na... Tinake advantage niya ang kabaitan ko noon. Hindi ko na sa inyo ikekwento pa. Bait ko sobra 'no? At ang angat ko ng sobra? Kahit pa yung mga tao ginawan ako ng masama tinutulungan ko pa rin. Malay mo naman kasi magbago na sila at matututo mag - sorry. Hindi na daw niya uulitin. Seseryosohin na niya ang yung ginagawa kong pagtuturo sa kanya. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nagtuturo samantalang mas matanda siya sa akin ng  4 years kasi 18 years old yata siya grumadweyt dahil umuulit siya noong elementary pa lang siya. Hindi dahil sa tamad siya mag-aral kundi ay takot at nahihiya siya. 



Niyaya ko muna siya na mamasyal sa namin habang naglalakad kami ay tinitignan kami ng mga tricycle drivers. Haist...alam ko naman ang nasa isip nila ay boyfriend ko ang kasama kong ito. =_____= Tsk tsk. 


Gabi na kami nakabalik sa bahay ko at dahil gabi na nga pinayagan siya matulog dito nila tito. Nag-usap lang kami ng nag-usap hanggang sa....


"...kami pa rin ni Lance." sabi ko. Naramdaman ko na natigil si Bryan sa pagtingin sa photo album. 


"Oi, ano nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. 


"Wala." walang emosyon na sagot niya. 


"Ano nga? Kanina masaya ka ngayon para kang namatayan." pangungulit ko. May nagawa ba ako? Wala ako matandaan. 


"Ako na lang mahalin mo, Chase." sabi niya nang nakatingin sa akin. 


"Hindi. Pwede... Mahal ko si Lance, Bryan." sabi ko. 


"Hala. Huwag ka na umiyak." sabi ko kay Bryan ng nakita ko tuloy-tuloy na pagtulo ng mga luha niya. "Ang sakit-sakit." sabi niya habang tinuturo niya ang puso niya. 


"Huwag ka na umiyak. Sorry, Bryan." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha niya.


"Huwag mo na lang banggitin ang pangalan ng LANCE na yan." sabi niya. Ang tono niya para siyang nakakain ng ampalaya. 


"B-bakit?" nauutal na tanong ko. 


"Nasasaktan ako, Chase. Hindi mo ba nararamdaman 'yon?!" sabi niya sa akin. 


"S-sige di ko babanggitin kapag kasama kita. Tumahan ka na." sabi ko sa kanya. Kinomfort ko siya sa pamamagitan ng yakap at hinimas ang likod para tumahan na siya. "Sige." tugon niya. 


"Matulog na tayo." yaya ko sa kanya. "Ayoko pa muna." sabi niya. 


"Matulog na muna tayo please." pangungulit ko sa kanya. "Sige kung yan ang gusto mo." sabi niya. Tumayo na kami at pumunta na kami sa kanya-kanyang higaan.


Kinabukasan...


Aalis na siya pero ang kapalaran nga naman. Sabi ni tito magsabay na lang kami tutal aalis rin ako kasi kukunin ko 'yung budget. Kainis.



Akin ka lang, may aangal pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon