Chapter 16

23 0 0
                                    

Charlene's P.O.V


Minsan hindi mo alam na may gusto ka na pala sa kanya. Minsan sasabihin mo na wala kang alam sa pag-ibig at ayaw mo maranasan baka kasi masaktan ka lang tulad ng mga nakikita mo sa totoong buhay. Minsan nakakalito, minsan hindi. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Hindi mo alam kung ano sitwasyon niyo talaga.


Ang hirap magmahal sabi ng iba. Walang FOREVER kasi nauuwi sa OVER. Paano pa kaya kami mga tao na naka-LDR o Long Distance Relationship? 50-50 ang status. Marami magsasabi sayo na laro lang yan o kaya naman may iba yan at hindi mo lang alam. Pero nasa iyo na 'yon kung susubukan mo, kung magtitiwala kayo sa isa't isa at kung talaga mahal niyo ang isa't isa.


Madaling magsabi ng mahal kita pero ang hirap iparamdam lalo kung hindi naman totoo. Walang swerte o malas pag dating sa pag-ibig. KONTENTO. Salitang alam ng lahat pero konti lang kayang gawin ito.


Maayos naman kami ni Lance. Nag-uusap kami madalas pero minsan syempre kailangan niya mag-pokus sa pag-aaral niya o kaya naman busy sa church activities kaya hindi ko nakakausap.


Hindi naman ako yung girlfriend type na dapat palagi nagtetext o tumatawag ang boyfriend ko o kaya naman dapat ako lagi ang top priority at hindi ibang bagay. Alam ko kasi ganun feeling. Nakakasakal na nakakawalang-gana. Pagod ka na nga pero hindi ka pa pwedeng magpahinga kahit ipinaliwanag mo na sa kanya. Don't get me wrong. Komentong nakaranas lang.


Ang mga lalake naman kasi hindi dapat ituring robot o i-under ng SOBRA. Let them have their freedom in a good way that you know. Pwede mo naman silang i-under as long as you know your limitations and you also listen to their complains, suggestions and opinions. Kaya kayo, girls, if ever na may boyfriend na kayo o kaya may sasagutin na kayo huwag masyadong possessive at maging clingy. Hinay-hinay lang pag magmamahal at baka masaktan masyado sa huli. Do everything slowly tulad ng kiss. Ang halik ay sagrado lalo na kung hindi ka pa nahahalikan. Hindi mo pwede basta-basta ibibigay lang sa iba. You should learn to wait for the right time not the perfect time.


Yun nga lang yung sa akin ay ninakaw. Taking something without permission is STEALING even a kiss.


Pero boys, hindi porket binibigyan pa rin kayo ng babaeng mahal niyo ng kalayaan o kaya naman hindi ganoon kahigpit ay sasaktan at lolokohin mo na siya. Kapag magmamahal kayo ng babae, seryosohin , alagaan, mahalin, maging tapat, at ituring siya na parang prinsesa ng buhay niyo.


Isang buwan na ang lumipas simula ng first monthsary namin ni Lance. Heto, mag-ce-celebrate na kami ng second monthsary. Parang kailan lang, nang tinanong ako ni Lance ng "Oo o hindi?".


Pero aaminin ko sa inyo, minsan pumapasok sa isipan ko na baka four months lang kami or worst one month lang itagal namin. Hindi ko din kasi alam kung anong pwedeng mangyari. Baka sa isang iglap wala na pala. Syempre dapat matuto tayo na maging positive thinker.


Ilang minuto na lang at masasabi ko na sa kanya ang mga salitang HAPPY SECOND MONTHSARY. Akala ko na naman hindi ko siya makakausap kasi hindi pa rin siya tumatawag o nagpapatawag man lang pero nung pumatak ng alas-dose imedya ay tumawag si Lance. Sinagot ko agad. Hindi naman halata na excited ako, 'no po?


"Hello, Lance?"


Pero walang sumasagot, nagulat na lang ako ng may parang may tumutugtog sa kabilang linya.

Akin ka lang, may aangal pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon