Chapter 41

18 0 0
                                    

Chase's P.O.V.


Maaga nagsi-alisan ang mga tao dito sa bahay nila Lance kasi graduation daw ni Andrea, ang pamangkin ni Lance, kaya kami na lang ang naiwan. Gusto ko pa sana tapusin yung pinapanuod kong movie kaso si Lance atat na atat umalis. =_= 


Pagkatapos namin ni mag-toothbrush ni Lance ay...ay...Binasa ko ulit siya ng tubig. Bwahahahaha.. Hmmmm.. Fresh na yung hininga namin. Paano ko nalaman? Kasi nagkiss kami. Yihee! Hindi ko alam kung saan lupalop ng universe natutunan humalik ni Lance at french kiss pa yun tapos hindi niya pa alam kung ano tawag sa halik na iyon at first time lang niya. Yan tayo eh. Go with flow ang peg ni Lance. Papa-search ko nga kay Lance yun. Muahahahaha. Rated OMO (Open Minded Only) na po ito. Shhhhh.. 


Tuwing hahalikan ako ni Lance ay feeling ko nanlalambot mga tuhod ko at napupunta ako sa lala land ko. Chos. Tinatamad talaga ako umalis pero gusto ko mag-date kami ni Lance kaya in the end naligo rin kami ng sabay. Oooopppsss. Hindi LITERAL na sabay sa IISANG BANYO ah. Kayo ha baka ano na naisip niyo! Ahahahaha.. Dalawa kasi yung banyo nila yung isa nasa loob ng kwarto ng mommy ni Lance at yung isa pa ay malapit sa kwarto nila Ate Nicole.


One 'o clock pm na siguro kami nakarating ng NE Pacific Mall. Pumunta agad kami sa bilihan ng ticket sa sine. Napagkasunduan namin na Fast & Furious 7 muna papanuorin namin. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang movie kaya kumain muna kami sa McDo. 


Gusto man na enjoy-in ang fresh fries ko at coke float ay kailangan na namin pumunta sa sinehan kasi nagsisimula na yung movie kaya tinake out na lang namin. Masaya kasama si Lance na nakakatakot. Bakit? Feel na feel ang panunuod ng movie na parang nasa bahay lang siya kasi itinataas niya ang mga paa niya na siya naman binababa ko at ang lakas tumawa na parang kami lang nanunuod. Nakakatakot kasi baka palabasin kami ng sinehan. Oh well..sabi nga ni Ramon Bautista , "Saan mo gusto sa delikado pero masaya o sa safe pero boring?"


Nung matapos ang movie, bumili ulit kami ng tickets sa sine. Oo, bumili ulit kami pero Spongebob naman papanuorin namin. I love Spongebob kasi. Bumili muna kami ni Lance ng kandila kasi death anniversary din ni mama ngayon at isang himala ang nangyari dahil binilhan ako ni Lance ng Cadbury Chocolate bar sana pala ferrero rocher na lang o kaya toblerone ang kinuha at pinakita ko kay Lance para yun ang bilhin niya. Hmmm. Next time nga. Nag-arcade muna kami ni Lance since matagal pa naman bago magsimula ang second movie na panunuorin namin.


Pinanuod ako ni Lance na maglaro ng basketball. Aba't pinicturan ako. Humanda sa akin ito. Naglaro lang kami ng basketball hanggang sa oras na para bumalik kami sa sinehan at panuorin ang spongebob movie. Walang katao-tao nung pumasok kami ni Lance sa loob ng sinehan para nga kami lang nasa loob eh kaya pinabayaan ko na si Lance na itaas ang mga paa niya. Baliktad nga nangyari dahil siya ang sumandal sa balikat ko imbes na ako. Loko din itong mahal ko eh. Siya itong matangkad kaysa sa akin pag naka-upo tapos siya sasandal sa akin. I swear malapit na siyang humiga. Nakakatawa lang kasi ang cute niya.


Nung matapos ang movie naghanap kami na pwedeng ipansalubong sa pamilya ni Lance pero nag decide na lang kami na chooks to go na lang kasi walang nagbabantay sa greenwich booth. Sinubukan namin yung bagong flavor na ice cream na mango graham cake tapos nag-arcade ulit ng saglit. Pustahan pa kami nung naglaro kami ng car racing. Fast & Furious 7 ang peg namin dalawa ni Lance. Ahahahahaha.. Na-over sa kanunuod ng fast & furious series.


Kumawala na naman ang pagiging sumpungin ko kasi ayaw tumigil ni Lance sa kakakulit ng price niya kasi nanalo siya kaya ayaw ko maglaro kami ng dota ni Lance kasi ganito ugali ko. Hindi ko siya pinansin pati nung nasa bus kami nakatayo kasi wala na ma-upuan pati nung sumakay kami sa tricycle. Nagulat na lang ako nang takpan ni Lance ang mata ko ng scarf na suot niya nung bumaba kami ng tricycle.


"Huwag mong tanggalin! Hawakan mo yung kamay ko. Sundan mo lang yung boses ko. Hindi kita papabayaan kaya huwag kang mag-alala." sabi ni Lance. Hinawakan niya yun kamay ko ng mahigpit. Inalalayan niya ako sa paglalakad. Ako ay kinakabahan baka madapa ako pero may tiwala ako kay Lance. Sinunod ko yung mga sabi niya.


"Dyan ka lang." sabi ni Lance tapos binitawan niya ang kamay ko.


"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.


"Basta dyan ka lang. Huwag kang aalis." sabi niya ignoring my question.


"Lance? Lance? Lance?" sabi ko. Hindi na ako mapakali kasi kahit ilang minuto pa lang kasi wala ako marinig sa paligid ko ni foot steps ay wala. Tatanggalin ko na sana yung scarf nang may narinig ako. Teka..parang tunog ng gitara? Nasaan na ba si Lance? 


May humawak ng mga kamay ko. Nakilala ko agad yung mga boses ng mga humahawak ng mga kamay ko. Si Kuya Gian at si Troy. Pina-upo nila ako at tinanggal na yung scarf. Medyo malabo pa yung paningin ko kaya kinurap ko muna ang mga mata ko nung okay na ang paningin ko. Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.


Akin ka lang, may aangal pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon