Chapter 38

12 0 0
                                    

Chase's P.O.V. 


Salamat at tapos na ang exams namin. Wala na din ako masyadong problema sa clearance kasi papapirmahan ko na lang dahil nakahanda at naka-ayos na ang mga binigay na requirements sa amin ng mga teachers namin.


Malapit na rin ang senior's ball namin sa Crimson Hotel. Gusto ko sana huwag na lang umattend kasi natapat ang monthsary namin ni Lance sa senior's ball ng school namin kaso once in a lifetime ko lang mararanasan ang ganito at hindi na mauulit pa kasi mag co college na ako at iba na ang events/party for sure pag college kung sakali meron.


Malungkot ako nung senior's ball namin bukod sa wala dito bestfriend ko kasi sa ibang school siya nag-aaral ay monthsary namin ni Lance. Sayang hindi man lang niya makikita ang gown ko. Cute pa naman ng gown pero hindi ko bet yung make up kasi mukhang hindi bagay sa age ko.


Seven minutes after ng 11th monthsary namin ay tsaka ko nakausap si Lance. Sakto daw ng pagkakuha niya ng cellphone ng mama niya ay tumawag ako. Naaawa ako kay Lance kasi halatang pagod na pagod. Gusto ko sana siya bigyan ng massage kaso hindi naman ako malapit sa kanila.


Ilang minuto o isang oras lang kami nag-usap ni Lance kasi alam niyo na pag pagod ang resulta pag kausap ko sa tawag lang.... Knock out o tulog. Hindi ko mababasa ngayon yung t-nag niya sa akin pero sabi niya may comment na hindi niya na gustuhan.


Ilang araw ang lumipas pagkatapos ng 11th monthsary namin ay nabasa ko na din ang post niya. Ito yung post niya:


Hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito. Noong una parang laro lang ang lahat ng ito pero pinaramdam mo sa akin kung gaano ako kahalaga sa buhay mo at pinaramdam mo rin na mahal mo ako ng Sobra


Isang Buwan nalang!!


Stay Strong Be Yourself Never Change


Happy 11th Monthsary Mahal kong Charlene Serenity I Love You - with Charlene Serenity.

Unlike . Comment . Stop Notifications . Share

You and 35 others like this.


Ang ginagawa ko na lang ay bilangin ang mga araw, lagyan ng cross ang kalendaryo ko at hintayin na ang isa sa mga pinakahihintay ko na araw at ito ay ang graduation ko. Malungkot na masaya ako dahil wala na si mama para sama ako sa stage habang kinukuha ang diploma ko pero alam ko naman na nakikita niya ako at proud siya sa akin kahit wala man lang ako medals.


Hindi ko maipaliwanag ang saya nararamdaman ko kasi naghanda sila tita kahit na walang binigay si papa. Meron man o wala ibigay ang papa ko daw ay maghahanda pa rin daw si tita kasi graduation ko daw. Wala pa nakakagawa sa akin ng ganun. Yung tipong hindi ko kadugo ay ganito ang ipinapakita at ipinaparamdam sa akin na para akong parte ng pamilya niya.


April 9,2015. Birthday na ng bestfriend ko at magkikita na ulit kami ni Lance. Akala ko hindi na matutuloy ang plano namin na susuduin niya ako sa Bulacan kasi maraming nangyari hindi maganda na parang gumagawa talaga ang kapalaran na huwag kami magkita ni Lance. Nawalan na ako ng pag-asa kasi lahat na ginawa ko para lang matuloy pero sadyang mapaglaro ang kapalaran. 


Flashback


"Huwag na lang kaya ako pumunta sa inyo? Mag-skype na lang tayo sa anniversary natin, Lance. Lahat na lang hindi umaayon sa plano natin." sabi ko kay Lance. Kasalukuyang kami nag-uusap ni Lance dahil super lapit na ng birthday ni Mary tapos may posibilidad pang hindi siya makapunta sa Bulacan. Hindi na kinaya ng mga brain cells ko mag-isip pa ng ibang paraan. 


"Ano? Ito na nga lang ang kauna-unahang beses na magsasama tayo para i-celebrate ang araw natin at anniversary pa natin." sabi ni Lance sa akin.


"Alam ko. Gusto ko din naman makasama ka pero tignan mo naman nangyayari. Hindi mo na nga ako masusundo dito sa Cavite pati ba naman sa Bulacan." sabi ko. Gusto ko naman talaga makasama siya pero daming sumasagabal at umeepal sa plano. Numero uno na doon ang kapalaran. Pangalawa ang oras sa pagbyahe ni Lance dahil may ipapagawa pa sa kanya bago siya payagan umalis.


"Ah basta gagawa ako ng paraan para makapunta sa Bulacan kasi nangako tayo kay Mary." sabi ni Lance. Alam ko. Gagawin mo lahat para matupad mo ang binitawan mong pangako. Hay. Hindi ko na alam, Lance. Hindi ko na alam.


"Okay lang yun. Ako na lang pupunta sasabihin ko na lang na hindi ka pinayagan." sabi ko. Sinabi ko din kanina sa kanya na ako na lang kaya ang pumunta sa kanila MAG-ISA pero ayaw niya. Gusto niya magkasama kami.


"Sa ayaw o sa gusto mo pupunta ako ng Bulacan. Kaya sundin na lang natin ang plano ko. Okay?" sabi niya. Ano pa nga ba magagwa ko? Makulit itong lalakeng ito at mahal na mahal ko siya. Pagbibigyan kita ngayon. 


"Bahala ka." sabi ko.


"Bakit ayaw mo bang ako makita?" malungkot na tanong ni Lance.


"Gusto. Bahala na, Lance." sagot ko. 


"Sige. Basta yun ang plano ah?" sabi ni Lance. 


"Okay." 


"I love you, mahal." sabi niya. 


"I love you more, mahal ko." sagot ko. Nag-usap pa kami ni Lance tungkol sa plano at nang-asar na naman. T3T 


End of flashback


Akin ka lang, may aangal pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon