Chapter 37

12 0 0
                                    

Lance's P.O.V


Namimiss ko na si Chase. Hay.. Matagal bago na naman namin makita ang isa't isa. Sana magkapitbahay lang ang Cavite at Nueva Ecija para pwede ko siyang puntahan kahit anong araw at oras ko gustuhin.


Namimiss ko na ang taba niya, ang mga mata niya, ang bilbil niya at ang babaeng binabasa ako tuwing naghuhugas ako ng pinggan at nagdidilig ng halaman. Malapit na kami mag- 9th monthsary. Ramdam ko na hindi na ito isang laro.


Pasukan na naman. Nakakapanibago kahit 2 weeks lang siya dito sa amin. Nasanay ako na pag pupunta ako ng kwarto ko ay naaabutan ko siyang natutulog doon. Lagi kasi siya nasa kwarto ko. Hindi nalabas kahit sa sala lang. Nakakalabas lang yun ng kwarto ko kapag kasama ako.


Chase' P.O.V


Back to normal na ulit. Goodbye, Christmas Vacation at Hello, School! Nakakamiss si Lance. Namimiss ko sumiksik sa likod niya, yung yakap niya at ang labi niya.


Nung 9th monthsary namin ay nagpost lang ako ng isang collage gamit ang mga pictures namin ni Lance na ginawa ko sa MS Paint. Nagustuhan naman niya. Pag bored ako, pinagtitripan ko pictures niya tapos isesend ko sa kanya sa facebook tulad na lang ng isang collage na may mga caption na ganito:


How to stop time: Kiss Lance.

How to travel in time: Do a sprite commercial with Lance.

How to escape time: Take pictures with Lance.

How to feel time: Sleep like Lance.

How to waste time: Thinking how handsome Lance is with the use of memes.

How to value time: LOVE Lance.


Ganyan yung mga nakalagay sa bawat picture ng collage ko. Sasabihin lang sa akin ni Lance na "kumawala na naman si Chase" o kaya "tuwang-tuwa sa kalokohan." Ahahahaha... Okay lang naman sa kanya. Natatawa pa nga or na-cu-cute-tan sa mga gawa ko.


Gusto ko sana pumunta sa birthday ni Lance kaso iniipon ko na ang pera ko para sa anniversary namin kaya naghanda na lang ako ng 7-page speech. Oo, 7 pages at naka-justify pa. Ang font size ay 12. Oh saan ka pa? Mahihiya siguro ang presidente natin sa haba ng speech ko with love sa speech niya pag nagso-SONA. Ahahahaha... Peace po, Mr. President! Ayoko ko po makulong o ma-assasinate. ^_______^v


Nung 10th monthsary ang pinakanakakakilig na monthsary namin so far. Natapat din kasi ng Valentine's day.


Flashback


12:09 am. Nag-i-is-skype kami ni Lance. Sira yung webcam nila kaya hindi ko siya nakikita. Nag request siya na mag webcam daw ako kasi gusto daw makita ako ng mga bandmates niya. Nagpa practice kasi sila para sa darating na concert nila pero nagpapahinga sila ngayon. Ginawa ko naman yung request ni Lance. Nung kita na ako sa skype ay narinig ko na kinakantyawan siya ng mga bandmates niya lalo pa siya kinantyawan nung kumanta siya.


"When your legs don't work like they used to before

And I can't sweep you off of your feet

Will your mouth still remember the taste of my love?

Will your eyes still smile from your cheeks?


And, darling, I will be loving you 'til we're 70

And, baby, my heart could still fall as hard at 23

And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways

Maybe just the touch of a hand

Well, me - I fall in love with you every single day

And I just wanna tell you I am


So honey now

Take me into your loving arms...ahahaha..HINDI KO NA ALAM ANG KASUNOD..."


Hindi natapos ni Lance yung kanta kasi sabi niya hindi daw niya gaano kamemorize pero kahit na ganun naiihi ako sa kilig. Hindi ko ineexpect yun. Ang alam ko lang mag i is skype kami then yun na. May t-nag na post din sa akin si Lance sa facebook. Saksakan ng pagka-sweet ngayon ni Lance ah. Ano nadale nito? Nutella? Ito kasi yung post niya:


10 Months and Still Counting


11, 12 and so on.......


Parang kailan lang na sinagot mo ako, Hindi ko ma-imagine na maraming nagbago sa akin mula noon naging tayo. Parang tingin ko walang patutunguhan ang relasyon na ito ika nga parang laro lang. Pero pinaramdam mo sa akin na may nagmamahal pala sa akin at BINAGO mo ang mundo ko mula naging tayo.


Kaya nga kahit na anung mangyari Always Remember Stay Strong Tayo


Happy 10th Monthsary and Happy Valentines Day ❤ ❤ ❤ ❤ ❤


I Love You Charlene Royal ❤ - with Charlene Royal

Unlike . Comment . Stop Notifications . Share

You and 30 others like this.


Pinabasa ko lang sa inyo kung ano yung post niya. Syempre hindi ako magpapahuli dahil meron din ako t-nag sa kanya kaso dalawang picture. Isang doodle art at isang screen shot/ print screen na Worksheet na nilagyan ko ng mensahe at sticky notes. Nag-skype pa kami hanggang 6:20 am. Oo, walang tulugan. Nagready talaga siya. Ang huling nakatagal siya sa ganun oras ay nung April 2014 pa. If I know, tinutulugan ako lagi since then ni Lance kapag nag uusap kami sa tawag pero I understand naman kasi busy din yung tao syempre pagod.


Medyo naramdaman ko na nanikip ang dibdib ko at napansin iyon ni Lance pero sabi ko mawawala din ito mamaya. Gusto ko pa sana na ituloy ang pag skype record namin kaso may Drums & Lyre practice pa ako at bawal umabsent. Sayang naman. Minsan na nga lang makausap ng matagal si Lance may epal na schedule pa.


End of flashback


Iyon ang pinakamasayang Valentine's Day ko. Thanks to Lance! A man full of surprises and love... ❤


Akin ka lang, may aangal pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon