Chapter 25

18 0 0
                                    

Chase's P.O.V


Ang 5th monthsary ang hindi namin makakalimutan kasi akala namin maghihiwalay na kami. Ang gabing iyon ang hindi ko makalimutan ko. Nung tumahan na ako, inasar ako ni Lance. Ginaya niya yung tono ng boses ko pati yung sinabi ko sa kanya with feelings. Syempre, hindi ako magpapatalo ginaya ko din yung mga sinabi niya sa akin noon with feelings din.


Gumawa ako ng video para kay Lance tapos inupload ko sa youtube nung 5th monthsary namin. Ang tagal niya bago panuorin kasi busy siya sa studies at mabagal din ang internet connection sa kanila. Napanuod lang niya iyon ilang araw matapos ang monthsary namin sa computer shop. Tawa ako ng tawa nung kinewento niya sa akin yung reaction niya kasi pinipigilan umiyak sa computer shop dahil may mga tao dun at sobrang na-touch siya sa surprise ko sa kanya.


Hindi ko na muling pinansin si Bryan at sinira ko na ang clan na ginawa ko sa kadahilan na rin na busy na ako sa school works at para makaiwas sa mga bagay na ayokong maulit pa muli. 


September 26, 2014. Na-grant yung song request ko sa My Only Request ni DJ Danny Jay ng M.O.R 101.9 pero ibang DJ ang nandoon kasi wala si DJ Danny Jay. Eksaktong 7:14 pm ng gabi nabasa ang song request. Nagulat na lang ako na naririnig ko yung mga name ng friends ko pati ang full name ni Lance. Nataranta ako kasi gusto ko i-record kaso hindi ko nagawa kasi ang epic. Pinatugtog nung DJ ang I won't give up. Ang araw na din kasi na iyon ay kung kailan sinubukan kong mag-suicide..nakalimutan ko na nga ngayon kung bakit ako mag su suicide eh.


Nung 6th monthsary naman namin ay hindi masyado na i-celebrate ng maayos hindi dahil sa magulo kung di'y busy si Lance kasi siya ang script writer sa stage play nila tapos pagod na pagod siya kaya ayun knock out siya makalipas ng ilang minuto pag-uusap namin. Balak nga namin magkita na in person. Hindi yung sa skype or facebook lang. Unfortunately, kailangan niya umattend ng CYC o Conference Youth Camp. Naiintindihan ko naman siya kaso pag ganun kasi ilang araw ko hindi siya makakausap pero pag uwi naman niya maraming baon na kwento at aral na binabahagi sa akin si Lance kaya okay na din sa akin para na din ako nakapunta.


Bago mag-7th monthsary ay nabuwisit ko si Lance dahil sa GM o group messgae ko. Parehas kami may kasalanan.


Flashback


Gabi na at 10 'o clock pm na din kaya pwede ko na tawagan si Lance. Unang ring pa lang ay sinagot na niya ito.


"Mahal, nasa church ako mamaya na lang tayo mag-usap. Text na lang kita mamaya." sabi niya sa akin pagkasagot niya ng tawag ko. Ay, oo nga pala. November 1 naman din ngayon siguro may misa sa church nila ng ganitong oras kasi iba naman religion niya sa akin eh. Siguro mga 2-3 hours ang misa parang sa katoliko lang. Pero dahil 10pm na baka malapit na rin matapos yung misa nila.


"Sige." sabi ko sa kanya. Matagal na naman ako maghihintay. Hay. Okay lang siya naman hihintayin ko eh. 


"Sige. Bye. I love you." sabi niya sa akin.


"I love you more." sabi ko tsaka niya binaba yung tawag. Nilibang ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro. Nung tinamad na ako magbasa, humiga na ako tapos tinignan ko yung oras sa cellphone ko. Lagpas na ng 3 hours. Bakit hindi pa rin siya nagtetext? Ang sabi niya magtetext siya. Ang inisip ko na lang baka may ginagawa pa kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Tinitignan ko na lang yung orasan namin. Naghihintay yata ako sa wala. Lumipas pa ang ilang minuto.


*One message received*


Dali-dali ko kinuha cellphone ko baka si Lance ang nagtext. Siya nga.


From: Lance Smith

Mahal sorry.


Inabot na ako ng 1 am sa paghihintay tapos ganito kaiksi ang message niya. Nakaramdam na ako ng inis at tampo. Hindi ko pinansin yung message niya. Hindi ako nagreply pero nag-GM ako. Naiinis ako. Naiintindihan ko naman na nasa church siya pero hindi naman ganun katagal ang misa ah. Wala silang care group ngayon kasi alam ko na tuwing Thursday lang yun. 


To: All

Naghintay ako ng matagal. 

Naghihintay ako sa wala.

=+=+=

Grabe parang gusto kong mag-party.

#WaitingForNothing

Gm.


Pagktapos ko i-send yun sa mga tao pinapadaanan ko ng GM, pabagsak kong nilapag yung cellphone ko at natulog na ako. Nang magising ako ay wala na yung inis at tampo ko kay Lance. Hay may pasok na naman bukas. Ginawa ko lang ang routine ko habang naghihintay ng oras na pwede ko na tawagan ulit si Lance. Yes, gabi na!


Akin ka lang, may aangal pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon