Chapter 2

19 4 0
                                    

Chapter 2

Claude

"Huhuhuhu kuya Ryo, Lorence, Clayton! Where are you mga kuya's!" Naiiyak ko ng sigaw sa mga pangalan nila.

I'm super scared na..

Matapos kasing makawala ang monster na iyon at nagkagulo na lahat ng tao. Natangay ako sa mga taong na gustong lumabas kaya napalabas na din ako.

Nakita ko kung paano kagatin ang mga monster na iyon ang mga tao dahilan para lalo silang dumami pa.

Dati gusto kong maranasan ang mahabol ng zombie, at pumunta ng mall para makakuha ng mga pagkain ng libre hehehe...

At ngayon ay totoo na May Zombie na nangyayari ngayon. Hindi na nakakatuwa! Sinong hindi matutuwa! Zombie na pwede na maging Atleta sa sobrang bibilis tumakbo. Ayaw ko non gusto ko lang Zombie na mabagal maglakad...

Huhuhuhu

Sana ligtas lang sila kuya

Napatingin ako sa likod ko at nakita na hinahabol parin ako ng mga monster na iyon. Mabilis na tumakbo ako at pumasok sa May masikip na iskinita. Sa kamalasan ay dead end na ito na. Bumalik ako pero napaatras nalang ng makitang nagtatakbuhan ang mga ito patungo sa direksyon ko.

Nanginginig na ang mga kamay na iniangat ko ang hawak na pistol na dala-dala ko.

Sabi ni kuya Ryo, Maari akong mabuhay kung lalaban ako. Kaya nilakasan ko ang loob ko at matapang na hinaharap ang mga monster na ito. Sunod-sunod na pinag babaril ko ito ngunit parang wala lang ito Sakanila hanggang sa naubusan na ako ng bala.

Nanghihina na bumagsak ang mga balikat ko dahil wala na talaga akong pag-asa pa.

Pasensya na mga kuya's

Hanggang dito nalang ako

>____<

"Hindi mo mapapatay ang mga iyan kung hindi mo sila pupuntiryahin sa puso nila mismo" Tinig ng isang babae ang nagpagulat sa akin

Nag sasalita na pala ang Zombie

Wow ang galing!

Kung ganon ay naiintindihan nila ako kasi marunong sila magsalita e. nagmulat ako ng mga mata Nakangiting tiningnan ko ang mga Zombie

"He-he-he pwede bang huwag niyo akong kainin? Mapait ako hindi ako masarap promise! I'm not worth it to eat, sige kayo magsisira tyan niyo"

Pero walang sumagot sakin at patuloy lang sila sa paglapit sa akin

"Anong gusto niyo? Libre ko kayo ng Jollibee basta huwag niyo akong kainin"

Hindi parin nila ako pinapansin at patuloy lang sila sa paglapit. Natatakot na ko.

"Tsk! Stupid"

Aba nilalait ako ng mga Zombie na to!

"Hoy ang kapal niyo!" Inis ako dinuro sila at napahinto naman ito at tiningnan ako "sino nag sabi na stupid ako?" Naguusok ang ilong ko sa inis, aba sabihan ba naman ako ng stupid. Sabi ni dada talino ko nga daw e, top 1 pa nga ako. "For your information top 1 ako! Top 1 sa magagaling mag corol!! Alam niyo ba iyon?" Umiling ang mga ito.

"Kayo ang stupid hindi niyo nga alam kung ano ang corol e"

"Sige, ano ba ang corol?" Tanong pa nito

"Corol yung ano.. yung ano.." napaisip ako ano ba yung corol meron ba non? "Heheh top 1 pinakamagaling kumain nalang" napakamot nalang ako. Napapikit nalang ako ng biglang umugong ang malakas na sigaw ng mga monster na to. Napasandal ako sa pader at napapikit sa tenga.

Hala galit sila

Bakit kasi ginalit ko pa.

Goodbye na talaga earth huhuhuhu... Goodbye mga kuya

>____<

"Pfft.. you're really stupid" napanguso nalang ako dahil nanglait nanaman sila.

Kakainin na nga lang nila ako kailangan pang manglait e!

Nakalapit na nang tuluyan ang isa sa mga monster sakin at kakagatin na sana ako kaso nagulat ako ng biglang natanggal ang ulo nito dahil May bumato dito ng katana.

"Waaaahh! Dada!" Hindi ko mapigilang mapatili, natanggal kasi ulo niya e. Wawa naman siya. Kita ko yung ulo niya na nakatusok sa katana na nakabaon sa pader. Pero ikinagulat ko ay ang katawan nito na nakatayo parin tila na parang wala lang nangyari..

Oemggee ang galing

Nagulat ako nang sumulpot ang babae mula sa taas at binagsakan nito ang walang ulo na Zombie. Sinaksak niya ito sa puso gamit ang hawak niyang palakol.

Binigyan niya ng round kick ang Zombie na palapit saamin at sinabayan ng hampas sa tapat ng puso. Sinundan pa ng isang Zombie hanggang sa lahat na ay sumugod sakanya. Napamaang na pinapanood siya labanan ang mga Zombies ng mag-isa. Ang Astig niya! Katulad niya ang kuya Ryo ko parehas sila magaling sa combat.

Hindi ko namalayan na naubos na ni ateng astig ang mga Zombies kaya naiiyak na yumakap ako sakanya huhuhuhu akala ko katapusan ko na "Ateng astig ang lupet mo akala ko ma d-dedo na ko huhuhu Salamat!"

"Tsk, oo na kaya bitaw na" Napanguso ako atsaka bumitaw na sakanya. Pati ugali parehas sila ni kuya Ryo, parehas cold personality. Pero kahit ganon mabait din siya kasi niligtas niya ko sa mga pangit na monster na yon.

Tinanggal na niya ang katana na nakabaon sa pader at inabot sakin. "Marunong ka naman humawak nito diba?" tumango ako "Proteksyon mo yan dahil wala ka nang ibang armas bukod diyan. At para matalo mo ang mga Zombies na lalapit sayo kailangan mo lang punteryahin ang puso nila. Naiintindihan mo?" Tumango ako Atsaka siya sinundan.

"May kasama ka pa ba?" Tanong niya. Naalala ko sila kuya.

"Oo kaso nahiwalay ako sa mga kuya ko dahil sa biglang kaguluhan sa Philippine Arena"

Tumango tango ito.

"Hindi na tayo maaring bumalik doon dahil panigurado na wala na sila doon, kailangan narin nating makaalis dito" Sambit niya. Napahinto ako sa paglalakad

"Ikaw nalang maunang umalis kailangan ko pang hanapin ang mga kapatid ko" malungkot na saad ko. Miss ko na mga kuya, sana ligtas lang sila.

"Hindi mo kakayanin baka mauna ka pang mamatay kaysa sa mga kuya mo"

Napanguso ako ganon ba ko kahina? Huhuhu

"Sumama ka nalang sakin dahil hindi mo rin naman alam kung saan ka magsisimulang maghanap"

Napaisip ako. Oo nga noh.

"Baka doon din sila pupunta sa susunod na bayan na pupuntahan natin at baka makita mo na sila"

"Sa ngayon kailangan nating makahanap ng sasakyan at pagkain" Kalmadong usal nito at sinampay sa balikat niya ang palakol na hawak.

Ngayon ko lang napansin na nakapang lab gown siya. Pang doktor. Nabalutan na nito Ng dugo ang puti niyang suot.

"Doctor ka?"

"Oo"

Wow ang cool

===

To be continued

Attack on ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon