Chapter 5

11 3 0
                                    

Chapter 5

Lorence

Nang makita ko ang lagay ni Ryo ay nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan. Napansin ko rin na may kagat na siya na gawa ng Zombies sa kanyang braso.

Hindi ko kaya na makitang tuluyan na siyang maging isa na Sakanila at hindi namin magagawang patayin siya.

Dahil kapatid namin siya at mahal namin siya.

Napaiwas ako ng tingin ng mapansin niya na tinitingnan ko siya. Ayaw kong makita niya ako umiiyak ng dahil sakanya dahil mag-aalala lang ito at walang maidudulot yon sakanya. Dapat na ipakita ko sakanya na hindi ako iiyak. Walang maitutulong ang pag-iyak sa sitwasyon namin.

Kung pinigilan ko ba siya na umalis hindi ba siya magkakaganito?

Kailangan kong maging matapang lalo't na panganay ako, para hindi panghinaan ng loob ang mga kapatid ko.

Pinunasan ko muna ang luha ko na nag babadya, bago humarap sakanya at nginitian siya na lagi kong pinapakita Sakanila.

Pinagitnaan namin si Ryo. Hinarap namin ang mga Zombies na balak lumapit samin.

Tumalon ang isa sa direksyon ko kaya pinaputukan ko ito sa ulo at sinabayan ng malakas na tadyak.

Ganon din ang ginawa ko sa sumunod na umatake.

"Hindi niyo sila agad mapapatay kung hindi sa puso nila iyon ipupuntirya" usal ni Ryo at mahinang dumaing. Ganon nga ang ginawa namin at natumba ang mga Zombies na nagbalak lumundag samin. Pero hindi parin sapat para sila ay mabawasan mas lalo pa ata silang dumami.

"Shit! Wala na akong bala!" Rinig kong reklamo ni Clayton.

Huling putok ko sa sumugod na Zombie dahil last na ang bala na iyon "ako din" kinakabahan kong sabi sakanya.

Dito na ba? Magiging Zombie na rin ba kami?

Mas lalo kaming nagdikit ng tatlo ng palibutan na nila kami.

Nagkaroon muli kami ng pagasa ng Makarinig kami ng malakas na busina na patungo samin at binangga nito ang mga nakaharang na Zombie at malakas na pumreno ito sa harap namin.

Nagbukas ang pintuan ng van at bumungad samin si Claude na naka suot pa ng sunglass.

"Mga kuya!, Dali sakay na!"

Kaya agad naman na kaming sumakay. Pero napahinto ako nang hindi gumalaw si Ryo.

"Ryo? Tara na" nagtatakang usal ko sakanya

Umiling ito "Hindi na ako pwedeng sumama pa sa inyo. Mag iingat kayo"

"Kuya Ryo? Bakit?" Biglang tanong ni Claude at natanggal niya ang sunglass ng nakita ang hitsura ni Ryo. Naramdaman kong natakot si Claude pero agad din na sumeryoso ang mukha. Hinatak niya si Ryo Kaya tinulungan ko itong maipasok namin sa van "Hindi ka namin iiwan dito." Desidedo niyang usal.

Agad namin isinara ang pinto Ng van at mabilis rin tumakbo ang sinasakyan namin van palabas ng parking lot.

"Meron ba sainyong nasaktan?" Tanong ng kasama ni Claude, ngayon ko lang napansin nama'y kasama pala siya.

"Mga gasgas lang, pwera sa isang kapatid namin na nakagat ng Zombie" Ako na ang nagsalita dahil tahimik lang ang dalawa at si Ryo Naman na nakapikit at mukhang iniinda ang sakit na natamo niya.

Tinaas nito ang sunglass din nasuot-suot niya, parehas ng kay Claude. Nakakunot noo na Tumingin ito sa maliit na rear mirror ng sasakyan at doon tiningnan si Ryo.

"Ateng astig pakiusap wag mo siyang itapon sa kalsada huhuhu"

Binalik na nito ang tingin sa daan. "Wala akong itatapon sa kalsada. Ilan minuto na ba ang lumipas ng makagat siya?" Tanong nito na kalmado lang. Hindi alintana na May nakagat na sa mga kasama nito sa sasakyan.

Hindi ko alam kung anong Sakto oras siya nakagat dahil Nakita nalang siya ni Clayton na nakagat na ito ng Zombie kaya Nilingon ko naman si Ryo at mahina siyang tinapik.

Nagdilat ng mata si Ryo at Tiningnan niya ang babae. May dumaan na kung anong emosyon sa mata niya pero mabilis din naglaho "Hindi ko alam, Mag i-isang oras na siguro"

Tiningnan ko naman ang babae at nagulat pa ito sa sinabi ni Ryo miski kami rin. Dahil mabilis lang ta-tablan ng virus ang mga taong nakagat nito.

"Ateng astig, May lunas ba para maisalba si kuya?" Nag-alala na tanong ni Claude

Nabalik din sa pagka seryoso ang babae at malalim na nag-isip. Kalaunan ay May dinukot ito sa bulsa ng labcoat niya na hindi ko na nakilala dahil sa mga dugong nakadikit doon "Ipainom niyo sakanya"

Inabot niya ang maliit na tube kaya tinanggap ko ito at pinainom kay Ryo.

"Sa ngayon ay kailangan muna nating makahanap ng matutuluyan dahil delikado, nagiging mas agresibo ang mga Zombies sa dilim."

"Para makapagpahinga na rin kayo lalo na ang kapatid niyo" sabay baling nito kay Ryo.

Nilingon ko na ulit si Ryo at mukhang nabawasan na ang paghihirap nito sa mga sakit na natamo. Napansin ko rin na nawawala na ang mga itim na ugat sa leeg niya.

Napahinga ako ng maluwag.

Kung napigilan nito ang pagkalat ng virus sa katawan ni Ryo, ibig-sabihin ay ito na talaga ang lunas.

Napatingin ako sa babae na sa tingin ko ay doktor.

"Shit! Walang signal! Hindi ko matawagan sila Dada!" Rinig kong reklamo ni Clayton at mukhang mababato na niya ang cellphone.

Sayang naman kung ibabato niya lang.

Oo nga pala sila dada, Sana ay ayos lang sila. Sana walang nakagat Sakanila, kung meron man ay huwag na silang mag-alala dahil mayroon ng lunas.

"Doktora Salamat sa--" hindi ko natapos ang sasabihin ng magsalita siya agad. Napanguso nalang ako.

"Hindi libre yan" seryoso niyang sabi at ang paningin ay nasa daan parin.

"Ayos lang handa kaming mag bayad name your price" ani ko. Nakss English yon ah

"Hindi pera ang kailangan ko"

Nagtataka naman akong tumingin ng deretso sa mga mata niya.

"Dahil madami ako niyan" May halong pagyayabang na mahihimigan sa sinabi niya or feeling ko lang yon. Mas lalong akong napanguso.

"Sige kahit ano pa iyan. Malaki ang nagawa mo para sa kapatid namin"

Saglit na tumingin siya kay Ryo at binalik ulit ang tingin sa daan.

Rinig ko ang malalim niyang paghinga "Kapatid mo ang kapalit sa nag-iisang lunas na ibinigay ko sakanya"

Hindi ko namalayan na huminto na ang van, At ngayon ay nakaharap na ito saakin at Seryoso lamang Ito.

Si Ryo? Pero Bakit?

'Kapatid mo ang kapalit sa nag-iisang lunas na ibinigay ko sakanya'

Ibig-sabihin ay hindi pa pala sila nakagawa para sa lahat?

"Pero Bakit siya?" Takang tanong ko

Matagal bago ito nagsalita at mukhang pinag-iisipan pa nito kung ano ang sasabihin

"Dahil siya palang ang unang tao Nasubukan ang lunas na ginawa ko"

===

To be continued

Attack on ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon