Chapter 10
Ryo
"Ba't bumalik ka pa?" Inis na usal ko ng makitang bumalik agad siya
"Nalimutan mo yata na obligasyon na kita" tumalon ito sa likod ko. Rinig ko ang maingay na pagkiskis ng katana niya. Ibig-sabihin ay hinugot na niya ito
"Umalis ka na dito kaya ko naman"
"Okay, hindi na kita pakikialaman sa bagay nato pero hindi ako aalis dahil May kailangan pa akong kompirmahin"
Napakunot noo naman ako "At ano naman iyon?"
Ngumisi siya, Sabihin na nating pamatay na ngisi
"Sinabi ko na hindi nakita pakikialaman kaya sana ay ganon ka rin sa akin, Sasabihin ko lang kung makikiusap ka madali naman ako kausap"
"Tsk, Huwag nalang"
"Dahil hindi ka rin naman papayag pag nalaman mo" Dagdag pa niya.
Nagtatangka na nilingon siya pero Agad na ito sumugod kasama ang katana niya
Hindi ko napansin ang mabilis na kilos ng Zombie na dinamba ako.
Argh! Ambigat at ang... lakas
Nakipag palakasan pa ko kung sino ang matutulak. Parang May sariling utak ito dahil marunong mag block sa mga attake na ginagawa ko.
F*ck!
How come na meron palang ganitong klase na Zombie
Matanong nga mamaya sa babaeng baliw na scientist nayon
Agad akong nakawala sa pagkakapailalim ko mula sakanya.
"Ka'ya pala ah" Pang-aasar niyang sabi. Dahil malapit lang ako sakanya ay inabot niya sakin ang isang katana niya
"Mukhang hirap kang mapatumba ang isang yan ah, need mo ba ng--""Shut up I don't need your presence!" Pagpigil ko sasabihin niya
"Haha come on, hindi mo pa ako pinapatapos sa sasabihin ko. Baka need mo ng extra weapon? para matapos ang isang yan" Ewan ko kung Nang-aasar lang ba siya o nanglalait e
"Tsk ayos na to" tukoy ko sa katana niya kaya nagkibit balikat nalang siya.
Sinugod ko ang Zombie naiyon at isasaksak sa dibdib niya pero pinigilan nito gamit ang kanyang kamay.
Agad akong napaatras at muling sinugod at isasaksak muli pero nasangga nanaman niya ito
Tsk
Mas lalo kong diniinan ang pagkakasaksak sakanya kaya Malakas na sumigaw ito na ikinapantig ng tenga ko. Malakas na sinipa ko ang dalawang tuhod kaya nawalan ito ng balance at kinuha ko ang pagkakataon para lalo kong mabaon ang katana sa dibdib niya.
Hinugot ko ang katana at sinipa na ang Zombie palayo sakin.
Nilingon ko naman si Zera na kanina pa nanood sakin.
"Magaling" pumalakpak pa ito. Kalaunan ay huminto rin atsaka niya binalingan yung natirang Zombie na ngayon ay nilundag na siya, Parang nag slow mo pa ang paligid dahil sa sobrang bilis ng galaw niya at na pugutan nito ang ulo na balak kakagatin na sana siya. Sinabayan nito ng saksak sa tiyan at tumagos pa ang katana sa Sobrang lalim na ginawa niya.
At hindi pa nakuntento ay Dinukot pa nito ang Puso ng Zombie na tumitibok tibok pa. At nilagay sa Box na hawak niya.
Nandiri ako sa ginawa niya.
Hindi ko napansin na may hawak hawak pala siyang katamtaman ang laki ng box na kulay invisible kaya kitang kita ko ang laman puno ng buhay na puso
Tsk! ano nanaman kabaliwan yan
Ang brutal!
"Aanhin mo yan?" Alam ko naman pag e-experimentohan niya yan pero bakit puso pa ng Zombie pagkakaabalahan niya. Pwede bang unahin nalang niya muna kung paano malulutas ang Disaster na'to bago yung kabaliwan niya
"Pang himagas"
Wait
"What? Seriously?"
"Haha biro lang, kapatid mo nga sila"
Tsk kala mo nakikipagbiruan
"Let's go, tapos na kailangan ko dito"
Ano naman connect sa sinabi niya kanina
'Dahil hindi ka rin naman papayag pag nalaman mo'
"Kailangan na nating pumunta sa kasunod na bayan. Pinauna ko na sila dahil delikado kong maghihintay pa sila satin. Dahil madami akong nakita mga Zombies dito" sabay pakita niya Sa wristwatch niya na lumitaw doon ang maliit na hologram.
Lumapit ako para makita ang kabuohan.
"Paano mo ko nahanap?" Tukoy ko kanina. kung hindi siya dumating, ewan ko nalang sa dalawang magkapatid na yon
"Radar tells where you are" Simple nitong sagot
"Ibig sabihin May signal ka? Di ba nga ikaw na nagsabi na putol na ang signal dito sa region na to?"
Umiling ito at tinuro ang baril na ibinigay niya sakin, na nakaipit lang sa beywang ko.
"I'm the only one who created that thing and this" sabay pakita ng wrist watch niya. "I don't need a signal, because I have my own. Para ma track kita. May tracking device akong inilagay diyan, kaya kung maari ay huwag mong ilalayo yan sayo, just in case katulad nalang nitong nangyari"
Tumango ako. Nagsimula na lakad namin. Tahimik ang paligid pero ramdam ko na May mga parating
"Ang mga kapatid ko?"
"Lahat sila May track sakin, walang problema kung mawawala sila."
"Ibig-sabihin ikaw lang ang May track, paano kung sabay na nagkahiwalay ang grupo natin sino uunahin mo?" Medyo inis kong sabi sakanya gagawa nalang ng tracking device hindi pa ginawan ng main tracking system. "Baliw ka! Ano ba tingin mo sa sarili mo? Si Naruto na kaya dumami higit pa sa dalawa?"
Nalaman ko lang kay Lorence dahil mahilig manood ng anime, halos hindi na nga kami makanood ng balita dahil puro anime ang pinapanood
"Oo" ani niya
Napatigil ako sa paglalakad
Nagbibiro ba siya?
"Kung sa tingin mo na baliw nga ako.." Huminto ito at saka nilingon ako nito "Edi okay" seryoso niyang usal atsaka nagpatuloy na sa paglalakad.
--_--
"Teka! Hindi ko makuha ang sagot mo!"
Humabol ako sakanya at pinantayan siya sa paglalakad"Gaano ba Kalayo para matulungan kita"
"Ano ibig mo sabihin sa sagot mo. Ibig sabihin ba non inaamin mo na baliw ka nga?"
Kung totoo nga hindi na nakakapagtaka sa mga ikikilos niya
"No."
"Hindi naman pala, Sabihin mo--" Putol niya sa sasabihin ko. Matalim na tiningnan siya pero hindi siya nakatingin sakin kundi sa daan.
"Kung tingin mo sakin na baliw nga ako, edi okay. Tanggap na tanggap ko. Kasi Baliw talaga ako na patunayan lahat ng imposible'ng bagay na hindi pa naipapaliwanag ng sensya" Nilingon niya din ako kaya nag tama ang mga mata namin. "Lalo na ngayon sa sitwasyon nangyayari. Pakiramdam ko mas lalo na akong nababaliw sa pinaggagawa ko, at masaya ako sa pakiramdam na yon"
Pasiring na iniwas ko ang tingin sakanya at nilipat nalang sa daan.
"Sa sobrang weird mo na c-creepy'han na rin ako sayo"
"Huwag kang matakot dahil tao pa rin naman ako, matakot ka kung iba na ang kasama mo" Naramdaman ko ang kaba na ngayon ko lang ulit naramdaman. Dahil pakiramdam ko May kahulugan iyon
===
To be continued
BINABASA MO ANG
Attack on Zombies
ActionN/A: This is work of fiction, Any names, Characters, Events or work, are fictitious. A cliché storyline about Zombie Survival, Every humans in the Earth must survive the disaster that brings by the Zombies. Ps: Not edited, Asahan Ang mga errors. E-e...