Chapter 12

8 3 0
                                    

Chapter 12

Claude

Naalimpungatan ako dahil naramdaman ko ang sobrang pagkirot ng ulo ko

Huhuhu Ansakit...

Teka! Anong nangyari??

Ang huling naalala ko ay Hinihintay namin Sila kuya Ryo ng May mga tao kami narinig na humihingi ng tulong sa labas ng van.

Naalala ko naman ang bilin ni kuya Ryo na Huwag agad-agad mag tiwala sa mga bago'ng tao na makakasalamuha namin

Kaya ito tuloy ang nakuha namin...

Kasi kanina akala namin ay mga nanghihingi talaga ng tulong. Hindi naman namin matiis na hayaan lang sila sa labas tapos kami nasa loob lang ng Van, kaya pinapasok na namin sila

Tapos don na nag start kala ko Mababait sila pero hindi, Nag sabog sila ng mabaho'ng Amoy. Yung amoy na mabahong utot. Kaya kami nawalan ng malay.

Hindi man lang nagsabi na uutot pala sila edi sana natakpan na namin ang ilong. Pero Pwede naman silang umutot sa labas ng Van, Bakit kailangan pa na pumasok sa Van at sa loob pa nagpakalat ng kalagiman. Kadiri! Susumbong ko talaga sila kay kuya Ryo!

Speaking of Kuya Ryo ay nasa tabi ko lang Nakayuko at nakapikit. Tulog

Siniko-siko ko ang balikat niya "Kuya, Tulog ka?" Bulong ko sakanya para hindi marinig ng mga pangit na nagtali samin.

"Shh.."

Napanguso ako."Kuya" Tawag ko ulit sakanya pero na natili lang ito nakayuko. Napansin ko na Ginagalaw niya ang kamay niya sa likod at kita ko na sinusubukan niyang kumawala sa tali. Namamangha na tiningnan siya ng makawala nga siya.

Ang galing! Nagawa niyang makalas ang tali kahit na wala siyang gamit na talim

Nilingon niya na ko atsaka lumapit sakin. Sinimulan na niyang tanggalin ang pagkakatali ko, wala pa kami sa kalagitnaan at agad na napatigil at nagpanggap na May pinagkakaabalahan.

Nag-iwas ng tingin si Ryo at ako naman ay napayuko

Ano to sahig?

"Boss tingnan mo!" Akala ko malalaman na nila ang ginawa namin pero nakahinga ako ng maluwag ng lagpasan nila kami at tumingin sa bintana sa likod ng Van

Napatingin din ako. Nakaka-curios.

"Ano tinitingnan niyo?" Takang tanong ko. Pero ginaya ko yung ekprisyon ni Kuya Ryo. Hehe trip ko siyang gayahin, Idol ko siya eh

Nilingon naman ako ng kasama ng boss nila. Kita ko na bumalatay ang takot sakanyang mukha.

Hala! Natakot ko yata

"Hala manong! Ano'ng problema?"

Napalunok pa ito at parang Natuod na siya sa pwesto niya.

"Okay lang manong kahit hindi mo na sagutin" nagkibit balikat nalang ako. Alam ko naman na kung bakit siya ganyan. Dahil kasi iyon Sa ginawa ko, haha.

Sa susunod gagawin ko iyon kapag May nagbalak ng masama samin.

"T*ngina! Zera!, Ba't mo hininto?! Nasa likod na natin ang mga Zombies! Hindi mo ba nakikita??" Sigaw ng boss na gumawa samin nito

Nakahinto na pala ang Van. Nanlaki naman ang mata ko ang Marinig na nasa likod daw namin ang mga Zombies.

Nilingon ko si kuya na Nakasilip nga sa likod, Pero agad naman lumingon sakin at nilapitan ako.

"Kakalagan ko na kayo" Bulong niya at Seryoso lang kanyang mukha

"Kuya, ano nakita mo?"

"Monsters"

"Hoy! Ano yang ginagawa mo?" Sigaw ng kasamahan ni manong, napalingon naman samin ang lahat "itigil mo iyan!" Agad naman nilang hinawakan sa magkabilang braso si Ryo.

Hahampasin na Sana si kuya Ryo na biglang sumingit si Ateng astig.

"Itigil niyo yan, Sira ang sasakyan kailangan maayos agad kung ayaw niyong malapa ng Zombies" Blanko lang ang mga mata na nakatingin sakanya at walang bahid ng takot.

"Hoy! Ikaw!" Turo ng boss nila kay kuya Ryo "Lumabas ka at ikaw ang mag-ayos! Bilis!" Utos nito.

"Tsk!" Napilitan tumayo si kuya at masama kanyang mga tingin sakanila

Nako! Kapag naubos ang pasensya ni kuya Ryo sainyo Baka itapon nalang kayo niyan sa bangin o di kaya ay ipa lapa sa mga Zombie.

"Masyado silang bossy. Hindi na ko magtataka na isa man Sakanila ay maunang malapa ng Zombie" rinig kong usal ni Clayton. Kita ko na nagngingitngit siya sa galit

"Tama" tango-tango ko

"At ikaw!" Gulat naman ako ng masama ang tingin na nilingon ako

"B-bakit? Kuya Clayton?" Hala! Galit siya

"Kasalanan mo to eh! Kung nakinig ka lang sakin!"

Napatago ako sa likod ni kuya Lorence na tulog pa rin

"H-hindi ko naman alam--"

"Kahit na!!"

"Hoy! Ano yan! Ang ingay niyo!" Saway samin ni Uso

"Nag-iingay din kayo kanina kaya ako nagising! Sinaway ko ba kayo!?" Balik din na sigaw niya.

"Gusto mo bang paputukin ko yang nguso mo?!"

"Talaga? Kaya mo? Tara! Lapit ka dito! Nakatali ako hindi kita malalapitan ikaw ang mag adjust P*tangin*mo!"

Napangiwi nalang ako, ang lutong talaga pag si kuya Clayton ang nagmumura. Parang chitcharon.

"P*tangin*mo rin! Talagang sinusubukan mo kong bata ka!" Inangat nito ang manggas niya at lumapit kay kuya Clayton

Bago pa siya masapak ay nagawa niyang iikot kami at natapat kay kuya Lorence at siya ang nakasalo ng suntok na nakapag pagising sakanya.

"Aww! My beautiful nose!" Daing niya

Yan tulog mantika kasi

"Sino gumawa non!" Galit na sigaw niya, at hinanap kong sino ang May gawa. Natuod naman si Uso dahil sa takot

Lagot! Suntukin na lahat ng parte ng katawan niya wag lang ang ilong ni Kuya Lorence dahil iyan lang ang puhunan niya bilang magandang lalaki. Palibhasa kasi sobrang tangos ng ilong at doon napunta lahat at hindi sa mukha, Hahaha

' bad Claude!'

"H-hindi ako ang gumawa non! Ang kapatid mo yon!" Tukoy ni Uso kay Clayton na bored lang nakatingin sakanya

"Kahit pag balik-baliktarin mo pa ang mga organs mo, ikaw parin ang sumuntok" sagot sakanya ni clayton

"You! Hindi kita mapapalagpas sa ginawa mo!" Galit na tumayo si Kuya Lorence kaya napasama din kami.

Nilabas ni Uso ang baril at nanginginig ang kamay na tinutok kay kuya.

"Stop! Uso! Mag palabas ka ng tauhan mo at tulungan mag ayos si Ryo! Para makaalis na!" Pang aawat ni Ateng Astig

Napahinga ako ng maluwag ng Binaba na ni Uso ang baril

"Tsk! At pwede ba kalagan mo na ang mga alaga ko at baka hindi kita matiis at mabasag yang pagmumukha mo. Kanina pa ko nagtitimpi! Faster!" Nakakilabot na sigaw ni Doktora.

Ramdam ko yung nakaka intimidata niyang aura na pinapiramdam niya. Nakakatakot!

Dali-dali naman nila kaming kinalagan

Sus! Si Ateng Astig lang pala katapat niyo

===

To be continued

Attack on ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon