Chapter 14

6 2 0
                                    

Chapter 14

Zera

Umilag ako ng tumalon ang isang Zombie sa direksyon ko at sinaksak ito sa dibdib mula sa likod niya.

Mabilis na hinugot ang katana na nakabaon sa katawan nito at pinatama sa dibdib ng isa pang Zombie na nasa likod ko.

Malakas na Sinipa ko ang Zombie na nasa harap at ginawang suporta ang katana na Naka baon pa sa Zombie na nasa likod ko, iniangat ang katawan ko at nag vertical paitaas ng Zombie na nasa likod ko. Hinugot ko ang katana sa katawan niya at sinipa siya sa mga kalahi niya.

Napaatras ako ng isang hakbang ng makita na lalo pa silang dumami

Agad ako napalingon kay Ryo ng marinig muli ang pagpaputok ng baril ni Uso,

Nakaramdam ako ng kirot mula sa dibdib ko at tibok ng puso ko nalang ang naririnig ko

Ryo...

Bumagsak si Ryo Sa lupa at naliligo na sa sariling dugo

Lumapit si Uso sakanya at muling binaril siya, May sinabi pa siya rito pero agad nakabawi si Ryo at inagaw Ang Baril sakanya at pumaibabaw ito at tinutok kay Uso ang baril

Agad kong nilingon ang Zombies na mabilis na Nadamba ako. Ginawa kong pang harang ang katana sa bibig nito para hindi ako makagat. Sinundan pa ng isa pa na dumagan.

Ambigat! "Argh!!" Daing ko ng kagatin ng isa ang binti ko. Agad ko itong sinipa  palayo. Nang mapatalsik ko ang isa ay buong lakas na tinulak din ang isa pang nakadagan sakin at mabilis na sinaksak ito

Tumayo na ko at nilingon ang direksyon nila "Ryo! Bilisan mo diyan! Baka hindi ko na sila kayanin pigilan sila ng matagal!" Sigaw ko sakanya kaya agad natauhan ito at nilingon ako

Binigyan niya ng Suntok si Uso at tumayo na, akala ko aalis na pero pumangalawa pa ito ng suntok at tuluyan na nawalan ng malay si Uso

Nilingon ko na ulit ang mga Zombies

Hinugot ko na ang isa pang katana at dalawa na ang hawak ko

Narinig ko ulit ang mga ingay ng baril nila kasabay din ng malakas na mga sigawan ng Zombies

Hinanda ko ang sarili at napangisi nalang

Sumugod ako sa kumpol na mga Zombies at winasiwas paitaas gamit ang kanang katana. Nahiwa ang mga natamaan ng katana ang katawan nila.

Umikot ako pakaliwa at sinabay ng wasiwas sa kaliwang katana sa mga Zombies at nahiwa din ang mga katawan nila kasama ang puso. Hindi pwedeng hindi mapuntirya ang puso nila mismo dahil iyon ang source of energy nila, mabubuhay parin sila kahit wala na ang mga ilang parte ng mga katawan nila kapag iniwan na buhay ang puso

Nahagip ng mata ko ang Mga Zombies na nakalagpas sakin at papunta sa direksyon nila

Nalingon ko ang dalawang bata at nakita ko ang Zombie na lumundag papunta Sakanila

Hinanda ko ang isang katana at buong lakas na hinagis sa direksyon ng Zombie na lalapa na sa dalawang magkapatid

Kita ko pang bumagsak ito ng matamaan ko sa dibdib Bago ako Dambahin na naman ng mga Zombies

"Argh! T..T*ngina, andami niyo!" Daing ko, napaigik ako ng kagatin ako ng isang Zombies Sa braso at ganon din sa binti at sa tyan "Ahh!!" Ramdam ko na parang napunit pa ang balat ko

Nagdidilim na rin ang paligid ko at pakiramdam ko na babagsak na ang talukap ng mata ko

Nilingon ko ang direksyon nila Ryo at hindi parin sila nakakaalis, Madaming Zombies na rin ang nakakalapit Sakanila

'Not now, kayanin mo pa!!'

Inikot ko ang talim ng katana at tinapat sa Zombie na nakadagan sakin. Buong lakas na winasiwas ang talim sa leeg niya atsaka sinipa ito

Tumayo na ko at sinaksak ito sa dibdib.
Nilabas ko ang talim na nasa takong nakakabit at tinadyakan ang Zombie na nasa malapit lang sakin

Nilingon ko ulit sila, hindi pa napansin ni Ryo Ang Zombie na papalapit na sakanya

Type Class B Zombies. Ang Zombie na kaya makipag sabayan sa laban.

May hawak itong espada. Isa ito sa mga kasamahan ni Ryo Sa P.A isang agent na mas mataas pa ang ranggo.

Hindi na ko magtataka kung magaling din ito makipaglaban

"Ryo! Sa likod mo!" Sigaw ko na nilingon naman niya

Tinakbo ko ang direksyon niya at tinulak siya. Napangiwi ako sa sakit na nararamdaman ko. Sabay na bumaon sakin ang bala at espada sa katawan ko.

"Damn! Zera! Baliw ka!" Angal ni Ryo at inis ang mukha na tiningnan ako. Natawa naman ako dahil sa reaksyon niya. "Nagawa mo pang tumawa sa ginawa mo?" Mangha na usal niya at May pagka-sarkastiko.

Natatawa pa rin na inirapan siya "Mamaya mo na ko alalahanin yung mga kapatid mo ang unahin mo" hinagis ko sakanya ang katana na agad na sinalo naman niya.

Takang tiningnan niya ako at tumayo na. "Anong nag-aalala? Feeling ka lang"

Umiling nalang ako at hinarap ang Zombie na lalo pang binaon sakin ang espada na hawak. "P-patayin.. patayin ang lahat ng tao!" gaspang ang Boses na usal niya. Lalo niya pang diniin ang espada at hinugot ito. Napaatras ako.

Kinagat ko ang pang iba-ibang labi para pigilan ang mapahiyaw sa sakit.

Nang maibsan ang sakit ay pinilit ko na tumayo ng tuwid sa harap niya. Mahigpit na hinawakan ko ang dalawang balikat niya at pinigilan ang lalo pang paglapit sakin

Diretso na tiningnan ko ito sa mata, I devilishly smirked at him. Na kahit sinuman hindi gugustuhin makita. "I Know you're watching me Dr. Nelson"
Pinilig ko ang ulo at nanguuyam na tiningnan siya "You're amazed me with your invention but you will be amazed if you saw my greatest gift for you.. that's going to be a memorable.." Naiisip ko na ang mga mangyayari at hindi mapigilang tumawa hanggang sa naging halak-hak na

Sinadya ko ang pagtawa ng malakas at mag mukhang baliw para mainsulto siya sa ginawa ko at napangisi naman ako ng makita na galit na galit ang mga mata na tumingin sakin

"Zera!" Rinig ko pang sigaw ni Ryo pero hindi ko siya nilingon. Tinaas ko lang ang kanang kamay sakanya at kumaway sakanya

Ramdam ko ang espada sa leeg ko bago dumilim lahat ang paligid

'Goodbye AZ3'

===

To be continued

Attack on ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon