N/A: This is work of fiction, Any names, Characters, Events or work, are fictitious.
Chapter 1
Ryo
"Tangina mo Claude akin yan! Sa akin yan!" Rinig kong sigaw ni Clayton sa kapatid. "Bumili ka doon" kinuha nito ang popcorn na hawak nito.
Ngumuso ito at nagpapaawa na tumingin sa nakakatandang kapatid "Wala na silang popcorn ubos na.. Pinge nalang ako!" Akmang kukuha ng ilayo ang pagkain sakanya. "Ang damot mo! Waaaaaaah... Ryo si Clayton Ayaw akong bigyan!" Malakas na pumalahaw ito ng iyak kaya madaming napatingin sa direksyon niya.
"Tsk, Tumigil nga kayo nasa duty tayo ngayon kailangan niyong mag-pokus sa trabaho"
"Eii kasi ayaw ako bigyan ni Clayton huhuhuhu" Hindi parin tumigil si claude at nagpatuloy pa sa pag-iyak.
"Babagal-bagal ka kasi naubusan ka tuloy, Di ko na kasalanan yan balakajan" Nang-aasar na usal ni Clayton
"Clayton!" Saway sakanya ni Lorence at dinaluhan si Claude sa pag-iyak. "Shhh... Tahan na. Bibili tayo ng mas masarap na pagkain at hindi natin yan bibigyan" Pag-aalo nito. Pasimple na binelatan nito ang kapatid na ikina usok naman ng ilong ni Clayton.
"Ryo, oh! Kampihan mo din ako! Naiinggit ako wala akong kakampi" nakangusong lumapit ito sakin at yumakap. Nagbuntong hininga nalang ako.
"Bumalik na kayo sa pwesto niyo"
"Ang cold mo talaga buti nalang ang pogi ko" bulong pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko. Binalik ko na lamang ang paningin sa paligid at nagmasid.
"Ito na ang pinakahinihintay niyo!" Anunsyo ng MC na ikinaingay ng mga tao na sabik na makita ang kanilang hinihintay na ginawa ng isang scientist.
Nakisabay naman sa sigawan ang mga kapatid ko at isa din sila na sabik din makita ang ginawa ng scientist.
"Hindi maganda ang kutob ko" rinig kong usal ni Lorence.
"I agree" sang-ayon ko rito. inilibot ko ang paningin. Nandito lahat ang mga media miski ang media ng taga ibang bansa ay pumunta dito sa Pilipinas para makita ang gawa ng sikat na scientist.
Nanatili lang kami dito sa gilid at nagmamanman sa buong paligid. Lahat ng Security Agent ay nandito at mahigpit na nagbabantay sa paligid. Dahil mahigpit na inutos sa amin na huwag hahayaan makalapit ang mga tao sa stage dahil delikado, na sinunod naman namin.
Isa palang Kami trainee at maswerte Kami na naiatasan rito. Malaking karangalan para sa pamilya namin ang mapasama sa ganitong mission, panigurado matutuwa ang Ama namin.
"Magandang hapon sa inyo, ako si Dr. Nelson. Alam kong madami na sainyo ang sabik na makita ang napakaganda kong nilikha. Kaya hindi ko na kayo paghihintayin pa!"
Tinanggal nito ang nakatakip sa malaking glass cage na pinalilibutan din ng malalaking bakal.
Kita sa mga tao ang gulat, Takot ngunit nangingibabaw ang pagkamangha. Hindi ko mapigilang kabahan sa nilalang na nakakulong roon.
"Pinakikilala ko ang aking pinakamamahal kong nilikha si Experiment 019" Nakangiting pinagmamalaki nito ang nilikha niyang nilalang.
"Zombie yan diba?" Rinig kong sambit ni clayton at kumapit sakin.
"Tsk, oo kaya bitawan mo na ako" tinanggal ko ang mga kamay nanakapit sakin pero agad naman niyang binalik ang pagkakahawak sakin.
"Paano pag nakawala yan? Ano gagawin natin?" Tanong naman ni Claude na mukhang natatakot din sa Zombie na nakakulong sa glass cage
"Edi kain tayo, kaya hilingin mong huwag iyan makawala" Sagot ko sa tanong niya. "Kaya Kung ako sa inyo bumalik na kayo sa mga Pwesto niyo at ihanda niyo ang mga baril niyo Kung sakali na makawala Yan".
BINABASA MO ANG
Attack on Zombies
AksiN/A: This is work of fiction, Any names, Characters, Events or work, are fictitious. A cliché storyline about Zombie Survival, Every humans in the Earth must survive the disaster that brings by the Zombies. Ps: Not edited, Asahan Ang mga errors. E-e...