Chapter 7
Ryo
Iniwanan ko na sa kwarto ang mga kapatid ko na hindi nila napapansin dahil sobrang busy nila sa pang-aasar sa isa't-isa, at hindi ko na nakayanan pa ang ingay.
Napadpad ako sa May veranda ng bahay para doon mag pahangin. Lilitaw na ang liwanag ibig-sabihin non ay mag- uumaga na. Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang kalangitan, habang inaalala ang nangyari sa Philippine Arena.
Ang baliw na matandang yon.
Nakaramdam ako ng sobrang galit sa matandang scientist na iyon dahil sa Ginawa niya. Naikuyom ko ang kamao.
Madami ang napahamak ng dahil sa punyetang curiosity na yan. Gusto niya pala maranasan ang mahabol ng Zombie sana sinabi niya agad para ipatapon na siya sa napakalayong isla at siya lang na mag-isa kasama ang Zombie na nilikha niya at doon sila maghabulan.
Puno ang Philippine Arena na iyon at sigurado ako na unti lang ang Naka survive dahil sa mabilis na kumalat ang virus at hindi malabo na tuluyan itong kumalat sa bansa kung hindi nila aagapan na maisara ang lugar na ito
Natigilan ako. Possible na malockdown ang lugar na ito para hindi na lalo pang kumalat ang virus. Kung mananatili pa kami ay maari kaming makulong kasama ang mga zombies na nandito. At hinding-hindi ko hahayaan na mapahamak ang mga kapatid ko, ipinangako ko rin ito kay dada na uuwi kami ng sama-sama
Nalingon ko ang gawi ng gubat ng makarinig ako ng kaluskos mula doon, ngunit agad din lumabas ang gumawa ng ingay. Isang kuneho na mukhang naligaw dito.
Tahimik na pinagmamasdan ko ang kuneho, napapitlag ako ng tayo dahil sa gulat na ginawa ni Zera'ng baliw
Tsk
Bigla nalang sumulpot kasi sa harap ng kuneho at mabilis na hinuli nito ang mga tenga atsaka ipinasok sa maliit na kulungan na ngayon lang napansin na dala niya.
Humarap ito sakin at blanko ang mga mata na nasalubong ang mga tingin niya.
Tsk! kawawang kuneho. Pag e-experimentohan ka lang ng babaeng yan at itatapon din kapag pumalpak ang nagawa niyang Antidote
Tumalikod na ito atsaka pumasok sa likod ng bahay.
Pumasok na rin ako sa loob at nakasalubong ko si Claude na May dala-dalang tatlong kahon na magkapatong
Kinuha ko ang dalawa sakanya. "Saan ilalagay ito?"
"Kuya Ryo, Sa Van"
"Asan ang mga kuya mo?"
"Nasa Van Tinatapos na nila ang dapat tapusin"
Narating na namin ang Van at busy nga ang dalawa sa pag w-welding "Saan niyo nakuha ang mga gamit na yan?" Tanong ko ng makita ko ang mga materyales na mga bakal at mga bago pa
Huminto si Lorence sa ginagawa at tinanggal ang faceshield para lang tumingin sakin. "Hehehe makakalimutin ka na Ryo, syempre sa hardware"
Sinamaan ko siya ng tingin. "I fvcking know, But why you didn't bother to tell me na lumabas pala kayo?! Paano kong hindi na kayo nakabalik??"
"Kasi ang sarap ng tulog mo kanina eh, Natatakot kaming gisingin ka baka matilapon mo kami sa labas" napapalunok na sabi nito at nakayuko na.
He's getting into my nerves. Kailan ba titino ang panganay na ito! Bakit kasi namana nila ang ugali ni Dada, Parehas May sayad!
Sorry Dada but it's true
"Wag mo nang pagalitan si Lorence, Ryo. Hindi na namin kasalanan na lagi kang galit ang hitsura, kaya sana ay bawas-bawasan mo. Wala naman nang-aano sayo para ka tuloy may--" Pang aawat sakin ni Clayton. Hindi ko na siya pinatapos
BINABASA MO ANG
Attack on Zombies
ActionN/A: This is work of fiction, Any names, Characters, Events or work, are fictitious. A cliché storyline about Zombie Survival, Every humans in the Earth must survive the disaster that brings by the Zombies. Ps: Not edited, Asahan Ang mga errors. E-e...