Chapter 16

10 3 1
                                    

Chapter 16

Claude

Nalulungkot ako sa nangyari kay ate Zera. Gusto kong umiyak pero piniligilan ko lang dahil sinabi ni Ryo na walang mangyayari kung ipagpapatuloy ko pa

Pero wala naman masama sa umiyak diba, Hindi ibig-sabihin na umiiyak ang tao ay mahina na.. Umiiyak ako dahil gusto ko ilabas yung lungkot na nararamdaman ko

Pero siguro nga ay May ibang dahilan si Ryo. Sa ibang pagkakataon ko na lang ipagluluksa si Ate Zera.

Huwag kang mag-alala ate Zera hindi namin sasayangin yung pagbuwis mo ng buhay.

Hinding-hindi ko pababayaan ang sarili at ang mga kapatid ko

Lalo na si Kuya Ryo... Alam ko naman na alaga mo si kuya hehe

Nakaramdam ako ng gutom kaya nagbungkal ako ng makakain sa likod. Habang naghahanap ay May nalaglag na Maliit na envelope at May tatak na bulaklak. Nakita ko na para sakin pala iyon kaya natuwa ako.

Love letter?, Parang love letter kasi

Ang kyut sobrang liit lang yon sinlaki ng 1port na papel tapos ang bango pa at May nakalagay pang tatak na bulaklak

Agad ko naman tinago sa ilalim ng coat ko, mamaya ko na babasahin baka makiechoss sila. Gusto ko ako lang magbabasa non, Sekret lang muna.

"Kuya Claude" May humila sa laylayan ng coat ko kaya nilingon ko si Robin. Ang cute talaga ng batang to shiopao na shiopao ang pisngi. Hindi ko napigilan ng kurutin siya "Ouch! Stap!"

Agad ko naman na siya binitiwan "Hehe sorry"

"I'm hungry, kuya Claude.." Masungit na usal niya at nakangusong nakahawak sa tummy niya. Nakangiti naman na binigyan sila magkapatid.

"Thank you po"

Hehe, Ang kyut nila "Pa hug nga ako" parehas na lumapit sila sakin at yumakap. Gusto ko tuloy umiyak, nat-touch ako sa simpleng yakap nila.

Natigil kami sa biglang pagbukas ng pinto ng Van. Pumasok na si Kuya Lorence May kasamang mga survivors pa.

Napausog ako lalo at sumiksik sa tabi ng bintana, dahil madami-dami ang kasama ni kuya Lorence kailangan mag kasya. Nakatabi ko si Lola na halatang n-nerbyos. "Hello po lola, Huwag na po kayo mag-alala ligtas na po kayo"

"Nako, Salamat sa inyo hijo." Ngumiti naman na ko sakanya.

Nilingon ko naman ang pwesto ni Ryo at nakita ko pa na maluwag pa doon kahit May katabi itong babae. Yung babae na humarang samin.

Masayang kinakausap ng babae si Ryo ngiti at tango naman ang sinasagot minsan nagsasalita din naman.

Napadako naman ang tingin ko sa sword na nasa likod niya.

Naalala ko na naman si Ate Zera, Sabi niya pa sakin na mas gusto niya ang gumamit ng espada. Napaisip naman ako kung magpaturo kaya ako sakanya.

Napanguso nalang ako dahil nangangalay ako sa pagkandong sa dalawa.

"Reka, kandong ka muna kay kuya Ryo. Nangangalay ako. Heheh "

"Okay po" binuhat ko na sya at Binigay kay Ryo. Sumingit ako sa dalawa at sa ulo ni Ryo ko siya pinadaan kaya hindi sinasadya na nasipa siya ni Reka.

Masama ang tingin na pinukol niya sakin, kaya nag peace sign nalang ako
"Hehehe Sorry, kuya. Sayo muna siya nangangalay na ko e." Nilingon ko naman yung babae. "Hello po, ano po name niyo?"

"Waah.. kapatid mo?" Hindi naman siya sinagot ni Ryo. "I'm Megan" malaki ang ngiti humarap ito sakin

Kaya ako nalang ang sumagot, "Oo, ganda ng genes namin diba" Pagmamalaki ko sakanya. Pwera lang kay kuya Lorence, ilong lang yung maganda

Hindi ko nga lang alam baka ampon lang siya.

Itatanong ko nga kay dada pag uwi namin

"Ang swerte naman ng malalahian niyo" sabi niya pa at sinabayan ng pagtawa niya pa.

Nagtaka naman ako. Malalahian? Pano'ng malalahian? "Paano?"

Natigilan naman siya sa pagtawa at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sakin.

Seryoso pa rin ako sa tanong. Wala naman masama magtanong

"Siguro ay may girlfriend ka naman, yung mahal mo na dadalhin mo sa simbahan"

Napaisip naman ako, girlfriend? Ah! Madami ako non

Mga Babaeng kaibigan!

Agad din ako nalungkot ng maalala sila. Sana ligtas lang sila at hindi pa nakain ng mga Zombies.

Don't worry mga kaibigan ko, ihaharap ko kayo sa simbahan para mabahagian ko kayo ng swerte ko ^___^

"Ikaw, Ryo? Meron ka din ba?" Tanong sakanya ni Megan sakanya.

"Nako! Wala yan, sa ugali ba naman niya matatakot sila agad kapag binanggit palang ang pangalan niya" Sagot ko sakanya. "Diba Ryo?" Nakangiti na binalingan ko naman si Kuya, napanguso nalang ako ng masama ang tingin nito sakin.

"Tsk! Cut that crap! Bumalik ka na don aalis na tayo"

Walang nagagawang Bumalik nalang sa upuan.

Nagkaroon pa ng aberya sa pagtahak namin sa Daan, Dahil May mga Zombies pa na humabol at humarang samin pero agad din namin nalusutan.

Papasok na kami ng RegionIVA, Ang tulay na nasapagitan ng dalawang Region.

Agad Naman nila kami pinapasok matapos na macheck kami sa buong katawan Kung may nakagat ba samin ng Zombie

Katulad ng Matandang lalaki na iyon. Nagmamakaawa para lang Huwag siyang patayin.

Isa sa mga kasamahan ng dumating na truck. Nakita siyang nagtatago sa ilalim ng truck at May balak Sana lumusot sa check point Kaso nahuli siya

Tinutukan siya ng mga Sundalo.

"Pakiusap hayaan niyo akong mabuhay, Kailangan ako ng Pamilya ko" nagmamakaawang usal nito

"Para ito sa kaligtasan ng mga tao na Hindi infected sa virus, Hindi ka pwedeng mandamay pa ng iba" usal ng Sundalo sakanya.

"Hindi! Tiningnan niyo!" Kumuha ito ng patalim at Walang sabing Pinutol Ang sariling braso "Pinutol ko na, tinanggal ko na Yung may kagat sa braso ko. Wala nang virus! Pakiusap palagpasin niyo na ko!" Sigaw niya pa.

"Hindi pa rin pwede. Sigurado kami na Kalat na sa buong katawan mo Ang virus kahit putulin mo pa Ang mga parte ng katawan mo." Sagot sakanya ng Sundalo. Bumagsak Ang mga balikat niya at nawalan na ng pag-asa.

"Sabihin mo na Ang nais mong sabihin sa Pamilya mo, kami na Ang bahala iparating sakanila"

"Let's go" Biglang usal ni Ryo. Nilingon Naman namin siya as usual poker face. Nag m-mukha siyang Walang pakielam sa paligid niya

"Hindi ba natin siya tutulung--" napapikit nalang ako Sa Takot Dahil Sa matatalim na tingin niya sakin.

"Wala tayong kinalaman sakanila, bahala na Ang mga Sundalo na humawak sa sitwasyon" malamig na Ani niya at nagsimula ng maglakad.

Walang nagawa kundi sumunod nalang. Saglit na Nilingon ko pa Yung lalaki. Mabilis na Tinakpan Ang mata ni Robin at Reka. Binaril Kasi ito ng mga Sundalo nang Nagbalak pa ito tumakas

Naikagat ko nalang Ang pang-ibabang labi

Sana Naman matapos na ito.

===

To be continued

Attack on ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon