Chapter 9

9 3 1
                                    

Chapter 9

Ryo

Nang makalayo na ay huminto na kami sa abandonadong gusali.

Hinihingal na binaba ko na sila.
Naupo ako sa ma'y Malaking bato malapit lang sakin, At ganon din ang ginawa nila.

Nilingon ko sila na maramdaman na kanina pa sila nakatingin sakin. "Starring is rude, tsk" Mabilis naman na nag-iwas ang dalawa

"Ano pangalan niyo?"

"Ako po si Reka, ang kapatid ko naman po si Robin" sagot ni Reka. Tango-tango lang ang isinagot ko.

Sumandal ako sa pader at ninannam ang saglit na katahimikan..

"Kuya" pagbasag niya sa katahimikan. Si Robin

"Bakit?" Hindi ko siya nilingon at nakapikit pa rin.

"Nakita ko Pong nakagat ka, sorry po ng dahil sakin" Mahina ngunit sapat na para marinig ko ang mga sinabi niya

Nagmulat ako ng mata atsaka siya tiningnan. "Wala iyon, Maliit na sugat lang yan huwag mo nang alalahanin"

Nakita ko ang namumuo na tubig sa mga mata niya kaya wala sa sariling pinitik siya ng mahina sa noo. "Itigil mo na ang pag-iyak hindi makatutulong satin iyan" na sinunod naman niya at kagat labi na napapayuko.

Nagbuntong hininga nalang ako atsaka kinuha ang Antidote na nasa bulsa lang ng suit ko.

Siguraduhin mo lang na hindi lason ang binigay mo

Agad ko ng ininom ang hawak ko. Napapikit ako ng maramdaman ang kakaiba na dumaloy sa katawan ko. Mabilis na Bumalik lahat ang lakas ko. Tinanggal ko ang nakatakip na tela sa nakagat na parte ng wrist ko.

Gulat na pinakatitigan ang sugat Doon, unti unti itong naghihilom.

Anong...

Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan, pero iniwaksi ko muna ang mga tanong na nabuo sa isip ko. Ang mahalaga ngayon ay mailigtas ko ang dalawang Bata.

"Tara na kailangan na nating kumilos"
Tumayo na ko pero agad ding napaupo dahil namataan ko ang mga Zombies na pakalat kalat.

Sabay din napayuko ang dalawa sa ginawa ko kaya senenyasan sila na huwag gumawa ng ingay.

Nilingon ko ang daan sa likod namin, Isang iskinita na kasya kami.

"Doon tayo dumaan" turo ko sakanila na ikinatango naman nila. Dahan-dahan na tinahak namin ang daan, nilingon ko ang pwesto ng mga Zombies ng makatapak ng tuyong dahon ang batang babae.

Laking pasasalamat na hindi ito narinig ng isa sa mga yon. Kaya nagpatuloy kami at muli nanaman siyang nakatapat ng bote ng can.

Doon na lumingon ang mga Zombies at nag-unahan na pumasok din sa iskinita. Parang mga daga na nagsisiksikan,

Mga mata na humihingi ng sorry pero hindi ko na ito pinansin at Agad ko na silang binuhat dalawa.

Kailangan na namin mag madali umalis. Hindi pangkaraniwan ang mga Zombies na ito, At nararamdaman ko iyon. Hindi ko kakayanin labanan sila mag isa lalo na't may dala akong dalawang Bata.

"Kuya, malapit na sila!" Nahihimigan na takot na usal ni Reka. Nilingon ko naman si Robin dahil kanina pa ito tahimik pero ramdam ko rin na natatakot ito.

Binalik ko ang tingin sa daan. Nainis ako ng makitang dead end na. Makakatakas kami rito kong aakyatin namin ang pader pero mukhang kukulangin kami ng oras

Agad ko silang ibinaba pagdating sa dulo.

"Stay"

Malayo layo pa ang agwat ng Zombies samin kaya ako na ang lumapit sa mga Monster na ito para pigilan sila makalapit sa mga bata.

Attack on ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon