Former Policeman's Obsession
READER'S DISCRETION IS ADVISED.
***
PrologueLALA'S POINT OF VIEW
"ANO ba! 'Di ko nga kasi ninakaw 'yang kwintas na kanina mo pa sinasabi! Ilang ulit ko bang uulitin na binili ko ang kwintas na meron ako sa matandang nakaupo sa kalsada malapit sa bahay ko!" Kunot-noo kong sagot dahil may isang pulis na bigla-bigla nalang lumapit sa akin at ngayon nga ay inaakusahan pa akong nagnakaw raw ng kwintas niya.
Pilit akong nagpumiglas upang makaalis sa malakas na pwersa na pumipigil sa paggalaw ng aking mga kamay.
Nababaliw ba siya?
"Kahit tignan mo pa 'tong mukha ko, hindi ito mukha ng isang magnanakaw!" Buong pwersa na ako sa pagkukumbinsi sa kaniya. May namumuo na ring naglalakihang butil ng pawis sa aking noo dahil sa pagsisigaw. Tiyak akong mangangamoy pawis na talaga ako 'pag hindi pa ako nakaalis sa sitwasyong ito.
Ewan ko nalang kung wala pang makarinig na kakilala ko rito. Kailangan nilang paalisin ang pulis na ito sa unang kita palang nila na hinaharass ako rito, dahil kung hindi ay malilintikan sila sa akin.
Natigilan ako nang biglang may maalala, "Ay teka! 'Wag mo nalang palang tingnan ang mukha ko..."
Baka magplano pa siya na kopyahin ang mukha ko o hindi kaya isa siyang notorious killer at baka magustuhan ang mukha ko kaya papalitan niya ang mukha niya ng gwapong mukha ko.
Pero mukhang hindi na uso iyong nanananggal ng mukha. Sa mga horror movie lang iyan magandang i-akto.
Oo na. May award ako sa pagga-gaslight ng sarili ko.
"Basta! Malinis ang konsensiya ko. Wala talaga akong ninakaw. Hindi ko schedule ngayon." Parati akong may konsensiya. 'Di lang sigurado kung parati rin bang malinis.
Bakit ba kasi ang tagal niyang maniwala? Sigurado akong hindi niya ako kilala kaya wala siyang magiging basehan na magnanakaw ako. Lalong wala akong kakilalang may mas malalim na boses kaysa sa akin; wala siyang ebidensiyang isa ako sa mga magnanakaw sa Baryo Sigasig dahil hindi pa talaga ako nahuhuli sa tanang buhay ko.
Ewan ko kung malakas lang talaga ang swerte ko o tinutulungan akong magtago sa mga pulis ng kung sinong engkanto o diyablo.
Nananahimik lang akong natutulog dito sa sira-sirang sofa sa lilim ng puno ng mangga 'tapos gaganiyanin niya ako? Pinosasan pa ako habang natutulog!
Mukha ba akong masamang tao?!
Teka nga. Sa pagkakaalala ko, nakaputing bistida pa nga ang matanda... teka?! Bakit malabo na ang mukha ng matanda?
Kaunting tulak pa... wala talagang mukha; blangko at puti lang na para bang sa simula palang ay ganoon na talaga iyon at hindi ko lang talaga nabigyan ng buong pansin.
Naku! Tila napaglaruan ako ng mga diyablo! Gusto ko pa sanang mag-sign of the cross kaso nakaposas ako.
Iwinakli ko ang hindi kapani-paniwalang ideya at kaagad na nag-isip nang mas kapani-paniwalang palusot. Mukhang wala na kasing pag-asang makinig pa 'to kapag ‘hindi ako nagnakaw’ ulit ang maririnig ng tenga niya.
BINABASA MO ANG
AFFECTED GUN [ BXB ] ✓ (SLIGHTLY EDITED)
RandomAffected Series #1: Affected Gun TAGLISH | MPREG | MATURE 🔞 A policeman was on his way to Baryo Sigasig to make sure that his orders were correct and perfect for his upcoming wedding. Baryo Sigasig is notorious for its surging numbers of inevitable...