Chapter 14

3.5K 264 31
                                    

Happy 1.99K reads mga Mare.

***
Chapter 14: Aalis Na Ako

LALA'S POINT OF VIEW

MABILIS akong bumangon sa aking pagkakahiga. Kahit humupa na nang kaunti ang sakit sa bewang ko ay masakit pa ring gumalaw. Masakit rin ang butas ko sa ibaba na sumalo ng lahat ng pag-ulos ni Sir.

Siyempre kaunti lang 'yung humupa.

Hinawakan ko ang aking mata at napagtantong namamaga ang mga iyon. Umiyak pala ako buong gabi? Ikaw kaya ang brokenhearted at inano ng isang malabrasong ano, 'di ka iiyak niyan?

I hereby confirm that I am now gay for him! For Sir Henry only!

Luh.

Sapakin niyo na ako't lahat ay hindi na mababago pa ang mga nangyari na. Itinakdang magkita kami ni Sir. Itinakdang mahumaling ako sa kaniya... sa kabutihan niya at pagiging tuso niya. At itinakdang mabiyak ang puso ko, hindi iyon maipagkakaila.

O puso nga lang ba ang nabiyak?

Kahit pa pagsisihan ko ang lahat ng mga nangyari na ay wala na akong magagawa pa. Kung kayo kaya ang ilagay ko sa posisyon ko, kakayanin niyo ba?

At isa pa, sinong hindi makakagaanan ng loob sa kaniya, eh pa-fall naman iyon.

Hindi naman mababago ang katotohanan na siya lang ang nakakagawa ng mga bagay na bago lang para sa akin. Siya lang ang may kakayahang hardcore na patibukin ang puso ko na halos ikabingi ko na. Siya lang ang unang taong nagparamdam sa akin ng mga tutubi sa tiyan. Siya lang ang taong nae-excite akong makita.

Siya lang, ang heartbroken kong amo!

Siya lang ang taong binibigyan ko ng buong pag-aalaga at atensiyon. Hindi naman ako ganito ka-asikaso sa mga girlfriend at nagdaang girlfriend ko maliban sa first love kong si Precious. Bukod sa trabaho ko nga ang pag-asikaso sa amo ko ay hindi naman lahat ng katulong pinagbubutihan ang mga trabaho nila.

Inaamin kong gusto kong makita ang tuwang-tuwa at nalilibang niyang mukha. Feeling ko, nadagdagan ako ng kompiyansa sa sarili.

Tinanaw ko ang malaking wall clock na nakasabit sa dingding. Alas kwatro na pala. Hindi na ako nag-abala pang iligpit ang aking higaan. Nagmamadali kong isinilid sa bag ko ang aking hindi naman gaano karaming damit panloob. Kumuha ako ng isang ballpoint pen at isang pad ng sticky note na parati kong ginagamit kapag may nilalakad ako sa labas upang bumibili ako ng mga gamit at pagkain dito sa bahay.

Date ngayon? April 24 na pala?

Nagulat pa nga ako nang ilabas ko kahapong umaga ang alkansya ko kasi hindi na mahulugan ng 500, iyon pala puno na. Ang laki ng halaga kasi papel na pera lang ang laman noon. Ang dami ko na palang naipon na pera sa kakatrabaho ko rito. Ang laking tulong na noon upang may magamit ako kapag maghahanap muli ako ng trabaho. Nakapagtapos naman ako ng highschool.

Hindi na siguro nila ako iba-background check kung sa ukay-ukay ako magta-trabaho.

Mag-iiwan ako ng singkwenta katabi ng iiwan kong note. Wala lang, kapag may time kayo ibigay niyo sa jowa ko na pinababayaran ang sabon at shampoo. Si Sheryl.

Sinasabi ko kasi sa inyo na kuhanin niyo na akong kasambahay sa inyo dahil gusto ko nang umalis na sa mapanakit na lugar na ito.

Dahan-dahan kong pinaggalaw ang aking kamay. Nanginginig ang mga ito habang nakahawak sa ballpen. Pinipigilan kong huwag umiyak at baka madumihan ko ang mamahaling papel, tig-siyetenta kasi.

Ngunit hindi ko na naman napigilan ang mga luhang kusang bumababa mula sa aking mga mata. May bago ba? Wala naman.

Ang kamay ko na lang ang lumapit sa papel. Bale para akong na-stiff neck. Kailangan ng distansiya eh para 'di mabasa ng mga luha ko ang papel.

AFFECTED GUN [ BXB ] ✓ (SLIGHTLY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon