Happy 395 followers! 😳🤭😭🎉
***
Chapter 34: Totoo o Hindi?LALA'S POINT OF VIEW
Hinawakan ni Gar ang mga kamay ko at iginiya ako sa pinakamalapit na plastic bench upang makaupo. Titingnan ko sana si Mahal ngunit pinigilan ako ni Gar sa pamamagitan ng pagsalita, "Everything started when..."
Sa kalagitnaan ng napakainit na tanghali...
"Kuya, pahingi naman po ng iniinom niyo po, kahit isang higop lang tapos isasauli ko na lang sa iyo ang tira. Please, I'm super thirsty na po talaga." Malakas na pakiusap ng isang batang babae ang tila mas malakas pa sa suot-suot na headphones ng batang lalaking nakaupo. Tinanggal ng batang lalaki ang suot-suot na headphones niya at nilingon ang may-ari ng malakas na boses.
Hindi napigilan ng batang lalaki ang sariling mamangha sa napakaliit at napakaamo nitong mukha. Sa isang iglap ay para siyang nahipnotismo habang nakatitig sa magaganda ngunit pagod na mga mata ng batang babae. Ibinigay niya kaagad ang supot ng iniinom niyang juice sa batang babae. "You can have it all."
Inanyayahan niya ang batang babae na umupo sa mahabang bangko sa gitna ng parke na nasa silong ng malaking puno ng mangga. "What are you doing here?"
Ngumiti ng mapait ang batang babae, "Iniwan na ako ng Mommy ko the day before yesterday. She said she already have a new family kaya wala na siyang maibibigay para sa akin."
Kumunot ang noo ng batang lalaki. "How did you survive? Where's your dad? Bakit niya hinayaang maging ganito ang ayos mo?"
Doon na napatawa ang batang babae ng malakas, as if she's going crazy. "Meron na rin siyang bagong pamilya eh. Walang kumupkop sa akin kaya kung saan-saang lugar na ako napadpad upang makahingi ng tulong. Iniwan na talaga nila ako. I always thought that I'm a bad girl kasi hanggang ngayon wala pa ring tumulong sa akin kahit magmakaawa pa ako."
Parang piniga ang puso ng batang lalaki sa narinig. Agad niyang pinahiran ang mga luhang tumutulo sa mapula na nitong mga pisngi. "Why don't you come with me? Pwede ko itong sabihin kay Dad-"
"No!" Sabay silang napatingin sa bagong dating na binata. "Ayaw kong may bagong kang kaibigan, Gaele! Ako lang dapat!"
"At bakit naman hindi pwede, Barry?" Hinawakan ni Gaele ang kamay ng batang babae na kasalukuyang nanginginig dahil sa biglaang pagsigaw ng binatang si Barry.
Kumunot ang noo ng binatang si Barry habang galit na galit na sumigaw, "You promised me! You promised me na ako lang ang magiging kaibigan mo!"
BINABASA MO ANG
AFFECTED GUN [ BXB ] ✓ (SLIGHTLY EDITED)
RandomAffected Series #1: Affected Gun TAGLISH | MPREG | MATURE 🔞 A policeman was on his way to Baryo Sigasig to make sure that his orders were correct and perfect for his upcoming wedding. Baryo Sigasig is notorious for its surging numbers of inevitable...