Chapter 23

3.8K 233 53
                                    

WARNING ⚠️, THIS CHAPTER CONTAINS SCENES THAT ARE NOT SUITABLE FOR UNDERAGED READERS. IF YOU'RE OPEN MINDED, FEEL FREE TO STAY, BUT IF YOU'RE NOT, KINDLY PROCEED TO THE NEXT CHAPTER.

READER'S DISCRETION IS ADVISED!!!

YOU HAVE BEEN WARNED...

***
Chapter 23: May Label Na.

LALA'S POINT OF VIEW

BALIKAN ko nga muna ang nangyari roon sa ice cream parlor. Kumakain ako ng rockyroad sa isang lamesa habang nanonood ng isang action movie ni Jackie Chan na ipinapalabas sa TV nila rito sa loob.

Ang talino nila mag-isip. Enjoy na enjoy tuloy ang katulad ko na uhaw na uhaw sa mga palabas.

Nagulat lang ako ng saglit nang tumunog ang wind chime ng pinto ngunit nagpatuloy ulit ako sa pagpokus sa screen. Alam kong dito siya pu-pwesto kasi itong table ko na lang ang available. Wala kasing gustong tumabi sa 'kin dahil napuno ko ang buong lamesa ko ng iba't-ibang flavors ng ice cream.

Ano naman kung ubusin ko ang bonus ko ngayon, wala naman akong nakuhang babae na pwedeng librehin?

"Pwedeng makiupo?" Hindi ko namalayan na nandito na pala sa harap ko ang taong bago lang pumasok ngunit siyempre tumango lang ako habang nakapikit pa rin ang mata sa palabas.

Tumango ako at hindi na siya pinansin ngunit sa halip na umupo ang lalaking iyon ay hinawakan niya ang balikat ko. "'Di mo ba nakilala ang boses ko, Boss?" Inangat ko kaagad ang mukha ko at sinalubong ang mukha ni Kanor na may malaking ngiti.

Umayos ako ng upo at binigyan siya ng pwesto na mauupuan. "May utang kang kwento sa akin. Napaka-asensado mo na, talo mo na ako."

Isinalaysay ni Kanor ang mga nangyari sa kaniya kaya siya naging ganiyan. May kamag-anak daw kasi siya rito sa siyudad at gustong siya ang mag-operate sa mga business ng mga iyon dahil magma-migrate raw sila sa abroad. Hindi na ako nagtaka kung bakit ibinilin sa kaniya ang mabigat na trabaho na iyon dahil alam ko namang maasahan talagang tao si Kanor. Napakabuting anak at nakatatandang kapatid.

Overall, mapagkakatiwalan siya.

At iyong pronunciation niya ng mga english words ay alam niya na raw noon pa pero minabuti niyang sumunod sa kung ano man ang pagkakabigkas ng mga tao sa Baryo Sigasig. Umangkop kumbaga.

Kaya ayun sabi niya napakahirap daw patakbuhin ang tatlong negosyo ng kamag-anak niya ngunit inaaral niya kung paano. Hindi aral na pupunta ka pa ng eskwelahan, 'yung mano-manong pag-aaral mula sa amo.

At dahil sa kabutihang palad, nakayanan niya raw. Mas lumago raw sa mga nagdaang araw ang business ng kamag-anak niya kaya mas lumaki ang kita, mas lumaki rin ang sweldo niya.

Imagine, sa ganoon ka liit na oras naging ganiyan kaagad ka-succesful na taga-alaga ng negosyo si Kanor. Nakakaproud!

Ako ang Boss niyan!

Ikinuwento ko rin sa kaniya kung paano ako napunta dito sa siyudad. Siyempre 'di ko binanggit sa kaniya ang mga 'matured scenes' namin ni Sir at baka magulat siya. Siya naging successful, ako kumurba, mga ganoon.

Ayaw kong madisappoint siya kapag nalaman niya na ang hinahangaan niyang boss noon na inagaw ang mga gusto niyang babae ay nagkagusto sa isang straight na lalaki. Hindi lang simpleng pagkagusto ngunit pagmamahal na.

Pipigilan ko talaga ang sarili ko na magkwento ng ganoon ka-sensitibo at napakainosente pa nitong si Kanor sa pag-ibig.

Dahil naaliw kami sa presensiya ng isa't-isa ay hindi namin namalayan ang pagtakbo nvoras. Trenta minuto bago mag-alas otso ng gabi na. Kaya ayun nilibre niya ako sa Pang Hinasal na nasa mall at naalala kong butas pala 'tong damit kaya bumili rin ako ng bago.

AFFECTED GUN [ BXB ] ✓ (SLIGHTLY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon