Chapter 3

5K 302 58
                                    

Chapter 3: Agreement

LALA'S POINT OF VIEW

"SAAN mo ba kasi ako dadalhin? Oo na. Inaamin ko na, ninakaw ko talaga 'yung kwintas mo. Happy ka na? Binawi mo na naman ang kwintas eh, pakawalan mo na lang ako. Nagkamali ako. Nagsisisi na talaga ako. Nagmamakaawa ako sayo, gagawin ko ang lahat h'wag mo lang akong itapon sa ampunan." Naghalo-halo na nga ang luha at pawis ko at para bang puputok na ang utak ko sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa akin.

"Alam mo, Bossing. Marami pa akong pangarap. Marami pa akong mga katanungan. Wala namang taong gustong mawalan ng kalayaan." Pero kung iisipin naman ay okay lang mapunta sa ampunan. Libre ang bahay at pagkain kaso nga lang baka 'di na tanggapin ang bente-singko ang edad.

"Alam mo naman 'yung kalagayan ko, 'di ba? Wala akong matinong bahay. 'Di mo man lang ba naisip na ako talaga ang hinihindian ng mga trabaho? Akala mo ba madali lang ang buhay ko? Nagsikap ako kaso wala akong napala. Hindi ko ginustong gumawa ng masama. Mabuting tao talaga ako kung ipinanganak akong kauri mo, as in ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Kapag ganoon, hindi na ako hihingi ng labis, makukuntento ako," pagdadaldal ko. Bukal sa loob ang mga lumalabas sa bibig ko. Ni hindi nga ako nautal kung iyon ang inaantay niya.

Pero hula ko, sa presinto talaga ako nito idederetso.

"Bakit ko sasabihin? Hindi mo naman ako hawak sa leeg. What I will be doing is righteous. Saan man kita itapon, dapat mong isipin na iyon ay base sa batas. I'm a police officer and you broke the law. Hirap kasi sa inyo, ngayon lang magsisisi... ngayon lang magmamakaawa. Kung hindi mo pa ako ninakawan at hindi kita hinuli, you would've done the same thing over and over again sa ibang mga tao."

"Sige. Ayos iyan. Ang buhay ko ay nasa mga kamay mo na, pakiingatan mo sana," pagsuko ko. Tanggap ko na nga, kasalanan ko kung bakit nagpahuli ako.

Ano pa ba ang magagawa ng pagmamakaawa sa taong sarado na ang isip at buo na ang desisyon?

Swerte siya nakaposas ako. Dahil kung hindi, malilintikan talaga siya sa akin. Basagulero ako kung kinakailangan. Kung buhay ang nakataya, siyempre lalaban ako.

Oo nga pala, matatagalan pa bago kami makarating sa siyudad. Nakalimutan ko na rin ang mga dinaraanan namin ngayon, napakarami nang nagbago. Tiyak akong mas maunlad na ang siyudad na ito kaysa noong huli kong bisita.

"O," may inihagis siyang mansanas na nasalo ko naman agad. Magaling kasi ako. Halos tumulo ang laway ko dahil sa kapulahan ng mansanas na nasa kamay ko. Iniimbitahan ako nitong lunukin ito nang buo.

Pwede ko ba itong kainin? Saan ba siya nakakuha ng mansanas? Nagmagic ba siya?

Doon ko lang napansin na may mga malaking mabulaklak na plastic bag pala ng prutas sa upuang nasa tabi niya. Maraming makukulay na mga prutas ang naroroon.

Bumili ba siya ng prutas doon sa Baryo?

Itinaas ko ang mansanas at sinalubong ang mga mata niyang sa simula palang ay hindi na tinantanan ang aking mukha. Tinaasan ko pa siya ng dalawa kong kilay.

"Para saan 'to?" Tanong ko sa kaniya dahil ayaw kong umasa sa wala.

Kita kong napapikit siya nang isang saglit bago ituon muli ang atensiyon sa daan. "Malamang kakainin. May bibig at tiyan ka naman, 'di ba? If you're hungry, you should just eat what's in front of you." Mapang-uyam pa siyang tumawa sa huli nang pagkatagal-tagal. Nang-iinis e!

'O' lang naman ang sinabi niya. Alangan namang hulaan ko pa ang kasunod no'n baka mamaya pa ay barahin niya ako. Baka i-deretso pa ako sa kulungan kung magpadalos-dalos ako ng kilos. Eksaktong panuto naman sana sa susunod.

AFFECTED GUN [ BXB ] ✓ (SLIGHTLY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon