Chapter 32

3.3K 224 49
                                    

HAPPY 288 followers 👀.

***
Chapter 32: Mood Swings

LALA'S POINT OF VIEW

"WHAT?!!!" Oo na, rinig na rinig ko.

Sigaw-sigaw ka pa riyan, 'di naman ako ang may kasalanan kung bakit napakatigas ng ulo ng tenga mo at hindi nakikinig sa sermon ng Nanay mo.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at inulit nga, "Inuulit ko, may supling tayong nabuo sa loob ko."

"Ha?" Tinagalog niya na.

"Binuo natin anak natin, loob ko." Ano iyan, Lala? Parang lenggwahe ni Tarzan.

"Ha?" Ano ba naman iyan?! Mapuputukan pa yata ako ng ugat sa utak dahil sa kaniya. Daig niya pa ang dalawang taong nag-uusap sa malayo gamit ang lata na naka-konekta gamit ang lubid o yarn dahil sa kabingihan niya.

Ulitin ko nga, last na 'to. Hinga ng malalim at salita, "Nanloob. ang. anak. natin. sa. bangko.-ayan nalito na ako." Pinalo ko ang ulo ni Blake nang mahina dahil sa inis.

Hinding-hindi ko hahayaang magaya sa akin na isang magnanakaw noon ang anak namin.

Kumukulo na ang dugo ko dahil sa inis. Ewan ko ba kung bakit naging ganito bigla ang mood ko. Basta ang nasa utak ko, naiinis ako sa kabingihan niya.

Papasaan pa at binigyan siya ng tenga kung 'di niya naman nililinis?

"Oh! Bakit ikaw na iyong galit? Bakit ikaw na iyong tumatalikod sa akin? Ano ba naman iyan, Lala? May karapatan akong malaman kaagad na may baby na tayo. May karapatan akong malaman ang balita right after you discovered it. May karapatan ako bilang pangalawang ama ng dinadala mo." Unti-unti kong naririnig ang panginginig ng boses niya.

"Alam ko, Blake. May karapatan ka." Pahina na nang pahina ang boses ko. Nakayuko lang ako dahil totoo naman talaga ang mga sinasabi niya.

"Alam na alam ko na kung hindi kita nakita ay hindi mo rin ipapaalam ang napakagandang balita na iyan sa akin. Ang selfish mo naman, Lala. Ama ako ng anak namin ng mahal ko tapos kung hindi pa siya nakita ni Kendara, tatanda akong walang alam. Lala, isipin mo naman ang nararamdaman ko. All those nights seemed like a torture for me." Ang nanginginig niyang boses ay sinamahan na ng mahihinang paghikbi.

Sa likod ng matigas na ekspresyon na ipinapakita niya sa lahat ay isang kawawang lalaki na malungkot at nangangailangan ng pagmamahal at pag-alaga. Normal na tao pa rin siya kahit pagbali-baliktarin ang mundo.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang ang biglang bumigat. Ang bigat sa damdaming umiiyak na naman siya at napakalungkot. Napakasakit sa damdamin na ako na ngayon ang may kasalanan kaya lumuluha siya. Ako na ngayon ang dahilan kaya malungkot siya.

Tama ang lahat ng sinabi ni Mahal, makasarili akong tao at iniisip ko lang ang sarili kong kasiyahan. Ni hindi man lang pumasok sa akin na ibalita na buntis pala ako sa kaniya sa kadahilanang takot ako. Takot akong makasira ng pamilya at takot rin akong masira rin ang pamilyang bubuoin ko.

Itinaas ko ang aking mga kamay at sa pagkakataong ito, walang nauna sa akin at hindi naiwan sa ere ang mga kamay ko. Sa pinakaunang pagkakataon ko naramdaman na akin ang lalaking nasa harap ko, na walang Ma'am Paine na sisingit. Ngumisi ako, ibang emosyon na kaagad ang namayani sa loob ko.

Baliw sa akin ang poging iyan.

Lumapit kaagad ako at nilakihan ang pagbuka ng aking mga braso ngunit bago ko pa siya mayakap ay umiwas siya. "Hindi mo naman ako siniseryoso, Lala eh."

AFFECTED GUN [ BXB ] ✓ (SLIGHTLY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon