Chapter 18

3.3K 238 35
                                    

Happy 4.3K reads and 121 followers.

***

Chapter 18: Jealousy

LALA'S POINT OF VIEW

MABUTI nalang at 'di na naisipan pang umiyak ng mga mata ko. Napagod na yata. Mabuti naman. Ayaw ko na ring umiyak dahil masakit sa mata at masakit sa puso.

Magpa-plano na lang siguro akong magmove-on. Para iwas gulo.

Mabuti na lang at medyo guminhawa na ang pakiramdam ko. Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakaupo sa kama. Ah, medyo nahihilo pa rin pero kaya naman. Dumiretso na lang ako sa banyo at mabilisang naligo para naman mabawas-bawasan ang init ng katawan ko.

Ayan! Ang sarap maligo.

Pagkalabas ko sa banyo ay dali-dali akong nagbihis. Tinignan ko ang malaking orasan. Himala at nagising ako ng alas sais. Medyo napasarap yata ang pagtulog ko. Kaya siguro maginhawa ang gising ko dahil matagal rin akong nakatulog kahapon dahil sa kakaiyak.

Buo ang loob ko. Back to zero sana, 'yung professionalism lang ang nasa isip. Hindi ako aalis sa bahay na ito at ipagpapatuloy ang pag-iipon dahil hahanapin ko ang mga magulang ko kahit saang sulok man sila ng Pilipinas nagtatago.

Pilipinas lang ang limit at baka mawili ako sa ibang bansa at 'di na ako makauwi pabalik sa Pilipinas.

Lumabas na ako sa maid's quarter upang magluto na ng agahan. Pagkarating sa kusina ay nagulat pa ako dahil may lalaking nakatalikod sa akin at nagtitimpla ng kape. Amoy na amoy ko kasi ang halimuyak ng kape eh.

O kay gandang tanawin sa umaga.

"O, gising ka na, Lala. Good morning." Nilingon niya ako nang may maliit ng ngiti sa kaniyang labi na para bang walang nangyari kahapon. Na para bang ang araw na ito ay kagaya lang ng mga araw noon.

Oo nga naman, 'no? Ako lang pala ang may tinatagong feelings kaya ako lang ang nagdamdam. Masyado naman yata akong umasa na baka nag-alala siya sa kung ano mang epekto ng mga salitang ipinapalabas ng kaniyang bibig.

Mukhang kakalimutan ko nalang talaga, nakakatakam pa naman nitong nasa harap ko.

Ito yata ang sinasabi nilang karupukan.

Tutuparin ko nalang siguro ang pagsang-ayon ko sa sinabi niyang kalimutan ang lahat ng nangyari. Kapag ginawa ko ang parte ko, babalik na sa normal ang lahat. Ilang araw lang ang kailangan naming hintayin, hindi makakatiis iyon si Ma'am Paine at babalik siya sa buhay ni Sir.

Sumagot ako at inihanda ang parating ngiti ko, "Good morning din, Sir. Maghahanda muna ako ng umagahan niyo."

Tumango siya, "Sige." Ngunit hindi naman umalis sa kusina. Iniinom niya lang ang kape niya sa likod ko.

"Sir, friends tayo, 'di ba?" Tanong ko habang tinitignan ang laman ng ref.  Napakag*gong tanong para sa taong nag-anuhan lang kahapon. Pwede ko na bang ipalo sa ulo ko ang washing machine?

Gusto ko sanang takpan ang aking tenga dahil hindi ako handang marinig ang isasagot niya kaso may isang parte pa rin na gusto ng confirmation na wala na talaga akong pag-asa sa kaniya.

AFFECTED GUN [ BXB ] ✓ (SLIGHTLY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon