Chapter 1

11.5K 354 52
                                    

Chapter 1: Lala Sa May Puno Ng Mangga

LALA'S POINT OF VIEW

BINABAGTAS este tinatakbo ko ang madilim at makipot na eskinita dahil may mga humahabol sa aking masasamang mga tao este ako ang masamang tao. Walang kapawis-pawis ang aking mukha na tila ba hindi tumakbo nang ilang kilometro at walang suot na damit sa ulo na humahadlang sa aking pagkakakilanlan.

Palipat-lipat ako ng takbo mula sa mga yerong bubong patungo sa mga eskinitang kasing-kipot ng butas ng karayom.

Iyon kasi ang charm ko, gwapo at preskong magnanakaw kumbaga.

Medyo busy talaga ang schedule ko. Kaninang umaga ay nagnakaw ako ng isang cellphone mula sa isang babaeng natutulog, mukha yata siyang sa gabi ang duty kaya pagod na pagod sa umaga.

Ano naman ang magagawa ko? Alangan namang palampasin ko ang kumakaway na biyaya.

Anyways, ngayong hapon ay kakagaling ko lang humablot ng bag ng isang aleng mayaman na nadaan ko sa usap-usap kaya habang patuloy ko siyang binibigyan ng walang katapusang diskusyon ay noong hindi na siya nakatingin ay hinablot ko agad ang bag niya na nasilip kong may maraming alahas at pera kasi nga sumama ako sa kaniya upang turuan siya kung paano bumili ng preskong isda 'kuno'.

Hindi ba sila nadadala?! Sumasakit ang ulo ko sa kapabayaan nila. Sila ang may dahilan kung bakit sila nananakawan o 'di kaya'y nagagawan ng masama. Imposible namang kami lang na mga magnanakaw ang parating may sala, sila kaya iyong display nang display. Napaka-unfair ng mundo eh.

Bakit hinayaan akong magka-career ng ganito? Bakit hinayaan akong maging masamang tao?

Malakas na pagpito at maingay na pagtahol ng mga aso lamang ang maririnig sa maliit na kalyeng ito. Sa tinagal-tagal ko nang nagnanakaw ay hindi pa rin magkamayaw sa pagtahol ang mga fans kong mga aso kapag napapadaan ako.

Maghintay lang kayo, mamaya ko na kayo pagtutuunan ng pansin.

L*tse! Natiyempuhan pa na may naglilibot na mga tanod sa unahan. Ayan! Pawis na pawis na tuloy ako dahil ang bilis tumakbo ng dala nilang malaking police dog.

Medyo mahaba-habang pagtakbo rin ang naganap kasi kabisado ng mga tanod ang kalyeng ito ngunit sa huli ay nalito ko pa rin sila. Kung kabisado nila ang mga normal na daanan, kabisado ko lahat pati kasulok-sulokan.

Magaling ata 'to.

"HAHAHAHA!" Iyon nga ang pinag-ugatan nitong pagma-marathon ko ngayong hapon. Kapagod nga eh! Pero okay lang, parang naging exercise ko na rin iyon eh. Nakasanayan na rin.

Pangarap ko pa namang maging macho't gwapito.

Habang ako'y nakasiksik dito sa malaking drum ay ipapakilala ko muna ang sarili ko. Lany Shane Cordova nga pala, kilala bilang 'Lala sa may puno ng mangga'. Oo, kilala ako rito sa lugar namin. Kung hindi niyo pa alam, ako kaya ang tinaguriang 'bossing' dito.

Lala? Pambabae ba? Hindi naman. Depende na iyan sa utak niyo.

Mag-isa kong inaral ang kalakaran dito. Sa awa ng Panginoon, ako na ang tinaguriang pinakamagaling at pinakagwapong magnanakaw rito sa Baryo Sigasig. Ganito na kasi ang namulatan ko: lahat nagnanakaw upang mabuhay. Nagkaisip na ako't lahat ngunit wala pa ring dumating at nagpakilala na kahit na sinong kamag-anak ko. Maski isa, wala.

Ako na nakatira lang sa kalye at walang bahay ay nakasanayan na ring magnakaw dahil nga wala namang magtatangkang kumupkop sa isang batang ligaw kasi nga ang sarili lamang at kapakanan ng kanilang pamilya ang inaalala nila. Masyado na silang salat para kumupkop pa ng bagong palamunin na hindi naman nila kadugo.

AFFECTED GUN [ BXB ] ✓ (SLIGHTLY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon