Sana all (Rafie)

1.1K 8 2
                                    

This story is dedicated to my friend, Rafie Ann Lanzuela. Hope you like it, love you!

💚💚💚

"Rafie, saan ba kasi tayo pupunta?" napalingon ako sa kaibigan kong si Cheska nang magtanong sya. Inaayos nya ang pagkakasuot nya ng faceshield.

"ahmm, basta samahan mo nalang ako. Doon! doon tayo!" sabi ko sa kanya habang palingon-lingon sa paligid tsaka sya hinatak sa sakayan ng Jeep.

"ilibre mo ko ah? ikaw nanghatak sakin dito eh!" natawa ako ng bumulong pa sya sakin. Isang tango ang isinagot ko tsaka naunang sumakay sa Jeep.

Medyo mapupuno na yung jeep kaya nasa gitna na kami nakaupo, gustuhin man namin na malapit sa pinto, di na pwede. Bawal na kasing ipagpilitan, diba?

Kumuha na ako ng barya sa wallet at inilahad ang palad kay Cheska, "oh? ano yan?" nakakunot ang noong tanong nya.

"duh! bayad mo? akin na?" patanong na sagot ko sa kanya, histerikal naman nyang napasinghap sa akin.

"hinatak mo ko dito tapos hindi ko man lang ako ililibre?" napairap nalang ako tsaka kumuha ulit ng barya.

"Bayad po, makikiabot" mahinang sabi ko tsaka in-stretch ang braso. Kinuha naman yon ni Cheska at sya na ang nag-abot.

"Pano ka maririnig eh ang hina ng boses mo" natawa nalang ako ng mahina ng makitang kunot na naman ang noo nya.

Sinulyapan ko ang magjowa na nasa harap ko, lah! lampungan pa. Sanaol may jowa. Napairap ako tsaka ibinaling sa iba ang paningin.

Palingon-lingon ako para abangan kung saan kami bababa. Titingin sa labas tapos sa unahan. Sa labas ulit tapos sa unaha. Sa labas ulit tapos sa u... na... ang gwapo!! Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang faceshield ko, baka kasi pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko.

"sis! sis!" pilit kong binubunggo si Cheska mula sa plastic barrier kasi di kami pwede maglapit diba?

"ano ba?" pabulong na sigaw nya sakin, napalakas ata pagsiko ko sa kanya.

"tingnan mo yung nasa unahan. Yung naka black na lalaki tas gray pants. dali! ang gwapo no? mata palang nakikita ko, alam ko ng gwapo!" mahinang sabi ko sa kanya, dinungaw ko talaga sya para doon. Alangan namang sabihin ko yon ng malakas.

Ngiting-ngiti ako, pakiramdam ko, kumikinang ang mga mata ko. Tiningnan ni Cheska ang lalaking sinasabi ko tsaka tumingin sa akin na tila dismayado.

"lah? bakit?" malungkot na tanong ko sa kanya, kilala ba nya? manloloko ba?

"Ewan ko sayo, Rafie" naiiling na sabi nya tsaka bumalik sa pagcecellphone, nang silipin ko kung anong ginagawa, aba! nagbabasa ng module. sanaol!

Muli kong sinulyapan si kuyang gwapo. Gosh! ang gwapo talaga. Makapal ang kilay maganda ang mata, kitang-kita naman kahit nakasalamin at nakadagdag pa yon sa kagwapuhan nya.

Kalahati palang ng mukha ang nakikita ko pero parang naiimagine ko na yung hitsura nya. Aykenat!!

Humuhugis puso ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko syang kunin ang cellphone nya, sis! mamahalin! mamahalin ko na talaga tong taong to!

Ang mga puso sa aking mata ay napunit ng makita ko yung nasa likod ng cellphone nya. May jowa sis! may jowaaa!! at magandaaaaaa! Edi sanaol diba?

Ganon kalinaw ang mga mata ko, nakita ko na maganda yung babae.
"Sis! may jowa pala eh" malungkot na sabi ko kay Cheska matapos ko syang sikunin.

Binigyan nya ako ng matalim na tingin tsaka nagsalita "Alam ko, Rafie" alam nya?? tapos di nya sakin sinabi? F.O na! charot.

Magtatanong palang sana ako ng biglang huminto yung Jeep. Nakita kong nakaakma ng tatayo yung lalaki kaya yumuko ako, baka makita nya kong nakatingin sa kanya eh.

Napakagat ako sa labi ko ng marinig ko na ang palapit na yapak nya. Nanlaki naman ang mga mata ko ng hawakan nya ang palapulsuhan ko.

"Baby, di mo naman ako kailangang sundan. Lika na nga, baba na tayo. Kanina mo pa ko tinititigan eh." napaangat ako ng tingin sa lalaking may hawak sakin. Si Philip, ang boyfriend ko. Yep, boyfriend ko talaga hehe. Ngumiti ako ng pagkalawak-lawak kahit na hindi naman nya makikita.

Nang lingunin ko si Cheska, nakataas lang ang kilay nya sa amin at nang makita akong tumingin, napairap nalang sya. "Inatake ka na naman ng kabaliwan mo"

"Let's go!" tumayo na ako at nauna ng lumabas ng jeep, nang makababa kaming pareho, tinanaw ko ang paalis na jeep at ang natatawang hitsura ng kaibigan ko.

Pinahawak muna nya sa akin ang cellphone nya na may picture ko sa likod para maayos nya ang nagulo kong shirt tsaka nya hinawakan ang kamay ko. Naiiling at natatawa sya habang naglalakad kami.

Nang lumingon ako sa likod, nakita ko yung babaeng kakaangat palang ng tingin mula sa cellphone nya. Hula ko, nagbabasa to ng wattpad.

Ngumiti ako sa kanya tsaka sinabi ang makahulugang "sana all no?" umirap lang sya tsaka nauna na.

"sis! para kang ewan eh! Nangbwisit ka na naman" sabi ni Philip tsaka umirap. Tong beking to! Yes beki sya at boyfriend ko sya. Akalain mong ang gwapong beki na to, sa may saltik na tulad ko mapupunta. Ano ulet? ah Sanaol.

💚💚💚
Medyo sabaw na yung dulo. Di ko alam pano ko tatapusin eh HHAHAHAHAHHAA di ko rin alam ano ita-title ko🤦‍♀️

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now